Episode 1

2396 Words
Chapter 1 Eunice Masakit ang mga titig niya sa akin. Tagos hanggang sa kaluluwa ko. "Kung pumunta ka rito para mag-iskandalo puwes, lumayas ka na! Hindi kita kilala at lalong wala akong pananagutan sa'yo!" Kulang na lang ay pagtulakan niya ako sa gate ng bahay nila. "Hoy! Magpakalalake ka! Pagkatapos mong pansamantalahan si Eunice, ganoon na lang ang sasabihin mo? Ilabas mo ang mga magulang mo dahil pag-uusapan natin ang pananagutan mo kay Eunice!'' Si Ate Rosaly na ang humarap sa kumag na ama ng dinadala ko. "Ate, hayaan na lang natin siya. Umuwi na tayo nakakahiya,'' awat ko kay Ate Rosaly. Hindi naman maipinta ang mukha ng manyakis na nagsamantala sa kalasingan ko ilang buwan na at linggo ang lumipas. "Hindi puwede, Eunice. Hindi basta ganoon na lang!'' tanggi ni Ate Rosaly sa akin. "Iuwi mo na nga itong kasama mo bago pa mandilim ang paningin ko. Anong pananagutan ang pinagsasabi nito?" tanong pa ng impaktong lalake. Tama nga ang kasabihan ng iba na nagtatago si Satanas sa gwapong mukha katulad ng impaktong lalake na kaharap ko. "Hoy, manyakis ka! Pagkatapos mong kunin sa akin ang virginity ko hindi mo na maalala ang nangyari sa atin? Ano ka, na amnesia? Ngayong buntis ako dahil sa t***d na diniposeto mo sa akin, tapos hindi mo na ako kilala? Ang kapal din naman talaga ng pagmumukha mo!'' Parang nawala na ako sa aking sarili at napagsabihan ko na siya ng hindi maganda. Likas sa akin ang kumilos at magsalita ng mahinhin, subalit ngayon para akong sinapian ng masamang ispirito dahil sa gagong lalaking ito. Nagtatagisan ang mga ngipin niya na nakatingin sa akin. Kung malapit lang siguro ako sa kaniya baka sinapak niya na ako. Kasalanan din naman niya dahil binuntis niya ako. "Ikaw na babae ka, kung pumunta ka rito para lang ibalik ko ang virginity mo, puwes hindi na maibabalik iyon. At imposible na mabuntis ka sa isang putok ko lang? O baka naman gusto mo ng pera? Magkano ang gusto mo at ibibigay ko sa'yo, basta tantanan mo lang ako!'' mariin niyang pang-iinsulto sa akin. Ang kapal din naman talaga ng pagmumukha ng lalaking ito. "Hoy, Mr. Moran! Hindi mukhang pera si Eunice! Tao kaming pumunta rito, kaya tao rin dapat ang pakikitungo mo sa amin. Nasaan ang mga magulang mo at kakausapin ko!'' galit na wika ni Ate Rosaly sa lalaking naka-virgin sa akin. "Wala sila rito at walang dapat na pag-uusapan!'' madiin niyang tanggi sa amin ni Ate Rosaly. Mukhang galing siya sa gym dahil sa suot niya at tumutulo pa ang mga pawis niya. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas ang isang babae at isang lalake na halos nasa 50's na ang mga edad nito. "Anong nangyayari rito? Bakit ang ingay?'' tanong ng babae na halata ang kilos nito na galing sa mayayamang pamilya. "Mr. Moran, Mrs. Moran, ako si Rosaly Flores. Anak ni Juanita Flores. Isa rin akong home owner's dito sa Secret Village. Pumunta kami rito para kausapin kayo sa anong dapat na gagawin dahil binuntis lang naman ng anak ninyo itong kasambahay ko!'' mariin na sabi ni Ate Rosaly sa pamilya Moran. "Talaga? Buntis ka, Iha?'' nakangiti at mukhang masaya na tanong sa akin ng Ginang. Akala ko magagalit siya, subalit para pa siyang natutuwa sa narinig niya. "Totoo ba na anak ko ang tatay ng dinadala mo?'' dugtong pa nitong tanong sa akin, habang matamis ang mga ngiti nito sa labi. Tipid akong tumango-tango. "Alexander, totoo ba ang sinasabi ni Miss Flores? Nakabuntis ka ng ibang babae?'' seryoso naman tanong ng Ginoo sa ama ng pinagbubuntis ko. "Dad, nagapapansin lang ang babaeng iyan,'' sagot ng impakto sa mga magulang niya. "Tingnan niyo ang kabastusan ng anak ninyo! Pagkatapos niyang galawin si Eunice, itatanggi niya pagkatapos niya magpakasarap kay Eunice?'' pagtatanggol ni Ate Rosaly sa akin. Nasa labas kami ng gate at hindi man lang kami pinapasok ng satanas na lalake. "Huminahon kayo, Miss Flores. Mabuti pa pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na iyan,'' wika ng Ginang kay Ate. "Alexander, kunin mo ang susi ng sasakyan ko. Doon tayo mag-usap sa bahay nila Miss Flores. Hindi tayo duwag para hindi harapain ang problema na ginawa mo!'' sermon ng Ginoo sa anak niyang malademonyo ang ugali. Masakit pa ako nitong sinulyapan bago ito pumasok sa loob ng bahay nila. "Pasensya na kayo, Miss Flores sa anak naming iyon. Mabuti pa na doon na natin pag-usapan ang problema sa bahay ninyo,'' magiliw naman na wika ng Ginang kay Ate Rosaly. Tumingin pa ito sa akin at matamis na ngumiti. "Huwag ka mag-alala, iha dahil hindi magiging bastardo ang magiging anak mo. Lalo na kapag totoong si Alexander ang tatay,'' masuyong sabi ng Ginang sa akin. Ang bait niya at ang layo ng ugali niya sa kanilang anak na si Alexander. Nahihiya ako na ngumiti sa kaniya. Ilang sandali pa dumating na si Alexander. Nakasimangot ang nguso niya na binuksan ang sasakyan nila. "Sumunod kayo sa amin at doon natin pag-usapan sa bahay ang problema,'' wika ni Ate Rosaly at sininyasan niya na ako na pumasok sa sasakyan, kaya pumasok na rin ako. Pagadating sa bahay nila Ate Rosaly ay magkaharap kaming lahat. Tahimik lang ang walang hiya na kumuha ng virginity ko na parang walang balak na panindigan ang pinagbubuntis ko. “Ano ang plano ninyong dalawa? Palakihin ang batang iyan na walang ama? Alexander, hindi kita pinalaki para maging i-responsible! Pagkatapos mong buntisin ang kasambahay ni Miss Flores, ano wala kang plano kung ano ang dapat mong gawin? Ayaw ko magkaroon ng apo sa labas! At mas lalong ayaw ko naman na ipapalaglag ang batang iyan dahil hindi ako mamatay tao!” galit na sermon ni Don Miguel sa akin at sa kaniyang anak na panganay. Limang taon akong naninilbihan sa pamilya Flores at hindi ko ikinakahiya na isa akong kasamabahay. Hindi lang ako basta isang kasamabahay kundi nag-aalaga rin ako ng matanda na ina ni Ate Rosaly na si Donya Juana. Isang profesor si Ate Rosaly sa Las Palmas Univirsity. Mabait silang amo at itinuri na nila ako na parang pamilya. Parang pamilya na rin ang turing ko sa kanila. "Paano ko naman masisigurado na anak ko ang pinagbubuntis niyan? Malay ko ba at may boyfriend 'yan at baka nagpa-virgin lang iyan sa akin!'' Bigla uminit ang dugo ko sa walang kuwenta niyang dahilan sa kaniyang ama. "Ang mo talaga! Kung ayaw mo panagutan ang anak ko, puwes hindi kita pipilitin!'' galit na sabi ko sa kaniya. Sino ang hindi magagalit dahil ako na nga ang agrabyado parang siya pa itong biktima. “Hindi rin naman ako papayag na maagrabyada si Eunice, Don Miguel! Hindi puwede na hindi panagutan ng anak mo si Eunice. Kailangan pananagutan ng anak mo na iyan ang ipinagbubuntis ni Eunice dahil hindi kaladkaring babae ang kasambahay ko!” mataray na sabi ni Ate Rosaly sa ama ni Alexander. “Hindi ako magpapakasal, hanggang hindi ako nakakasigurado na sa akin ang batang iyan,’’ tanggi ng lalaking isang beses ko lang nakita sa buong buhay ko. Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Ano ang akala niya sa akin patay gutom sa s*x at kahit sino na lang ang gagalaw sa akin? “Hindi kita pinipilit na maging tatay sa batang nasa sinapupunan ko, pero huwag mo ipamukha sa akin na isa akong mababang uri ng babae dahil alam mo sa sarili mo ikaw ang unang lalake na gumalaw sa akin!’’ mataray kong sabi sa kaniya. Ayaw ko sa lahat na inaapi ako. Siya ang naka-virgin sa akin, dalawang buwan na ang nakalipas. Pinagsisihan ko na humingi ng day-off kay Ate Rosaly, para makapamasyal din ako rito sa Las Palmas. Sa limang taon ko na paninilbihan ay isang beses lang ako mag-day off sa loob ng isang taon, iyon kapag umuuwi ako sa Isla Cordoba upang bisitahin ang aking ina at tiyahin. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari sa akin ang bagay na ito. Nakita ko siya nang dalhin ako ni Aliyah sa isang bar dito sa Las Palmas. Kapatid siya ng boyfriend ng kaibigan ko na si Aliyah. Sa buong buhay ko first time kong uminom ng araw na iyon. Nalasing ako at hindi ko na alam ang mga ginagawa ko nang gabing iyon. Naisuko ko ang aking katawan sa lalaking nasa harap ko ngayon. “Huwag na kayong magsisihan pa at pareho niyo naman tinikman ang isa’t isa. Ikaw, Alexander! Huwag kang i-responsable dahil kung bakit pinakialaman mo ang babaeng iyan, pagkatapos hindi mo pananagutan? Oh, ngayon na nagbunga ang ginawa ninyo, kaya panindigan mo ang bata na nasa sinapupunan niya. Isang Moran ang dinadala ng babaeng iyan at tagapagmana mo! Alalahanin mo at pinauwi ka namin ng Daddy mo rito para ikaw na ang humawak ng ibang negosyo natin. At hindi upang takbuhan ang responsibilidad sa pamilya natin. Lalo na sa pinagbubuntis ng dalagang iti!” sermon naman ni Ma’am Emelia; ang asawa ni Don Miguel. “Kuya, hindi mo maikakaila na hindi mo anak ang pinagbubuntis ni Eunice dahil ikaw lang naman ang gumalaw sa kaniya. Isa pa hindi ‘yan lumalabas dito sa bahay ng mga Flores o kahit dito sa Secret Village. Kung hindi siya yayain ni Aliyah, hindi mo ‘yan mapapalabas dito,’’ sabat naman ni Lander na bunso nitong kapatid na boyfriend ni Aliyah. "Kung gusto niyo, kayo ang magpakasal. Ilang beses ko bang sinabi na hindi ako magpapakasal sa kaniya? Kung sa akin nga ang batang iyan, may matanggap siyang suporta sa akin, subalit hindi ako magpapakasal sa isang kasamabahay!'' Pagdidiinan na tanggi ni Alexander sa gusto ng kaniyang mga magulang. Parang nakakapangliit pala sa pagkatao na nilalang niya lang ang katulad ko na kasamabahay. Maluha-luha ang mga mat ko na tumingin sa kaniiya. "Ayaw ko rin magpakasal sa katulad mo na walang modo! At maliit ang tingin sa katulad kong kasambahay. Wala ka rin karapatan na magpakatatay sa magiging anak ko!'' Nagtagisan ang mga ngipin niya sa sinabi kong iyon. "Sa ayaw at gusto ninyo magpapakasal kayo! Huwag ang mga sarili ninyo ang mga iniisip ninyo! Isipin ninyo ang bata na maisisilang sa pamilya Moran," wika ni Donya Emelia sa amin ni Alexander. Halata sa mukha ni Alexander ang disgusto sa sinabi ng kaniyang ina. Kahit hindi siya magsalita ay halata sa kilos niya at pagmumukha ang pakasalan ako. “Gusto ko madaliin ang kasal ng dalawa habang maliit pa ang tiyan ni Eunice,” maawturidad na wika ni Ate Rosaly sa pamilya Moran. “Bukas na bukas ay ipapatawag ko ang Mayor ng Las Palmas, upang maikasal ang dalawa sa susunod na araw,’’ seryosong tugon ni Don Miguel. “Tutal, nasa tamang edad na rin sila, kaya hindi naman na siguro kailangan ang concern ng mga magulang ni Eunice,” taas kilay na sabi ni Ma’am Emelia. Mukhang mataray ang mukha ni Ma’am Emelia, subalit sa kilos niya at trato sa akin ay mabait siya. “Ako ang tatayong pamilya ni Eunice sa araw ng kasal nila ng anak ninyo. Siguraduhin niyo lang na tratuhin niyo siya ng maayos dahil kung hindi, hindi ninyo makikita habang buhay ang magiging apo ninyo,’’ banta ni Ate Rosaly sa mga Moran. “Huwag ka mag-alala dahil ako mismo ang nagsasabi na hindi namin pababayaan si Eunice,” tugon ni Don Miguel kay Ate. “Tapos na ang usapan at sa susunod na araw na ang kasal ng dalawa, kaya maghanda kayo. Huwag kayo mag-alala sa mga gastusin dahil kami na ang bahala roon,’’ dugtong pang sabi ni Don Miguel. Tumayo na ito at nagpaalam nang umalis. Lumabas sila ng bahay at nauna pa ang anak nila na si Alexander na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hinatid namin sila ni Ate Rosaly sa labas. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na ang sinasakyan nila. Subalit hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang masakit na mga tingin ni Alexander sa akin. Hinagod ni Ate ang likod ko at pumasok na kami sa loob ng bahay. Hindi dapat malaman ni Ate kung sino ang ama nang pinagbubuntis ko kung hindi niya ako pinilit na sabihin kung sino ang ama ng dinadalang tao ko. Nang sinabi ko na kapatid ni Lander ang gumalaw sa akin ay agad niya sinugod kanina ang bahay ng mga Moran. "Mabuti mabait ang mga magulang ng Alexander na iyon,'' wika ni Ate Rosaly sa akin nang nasa loob na kami ng bahay. “Alam mo sinisisi ko ang sarili ko kung bakit pumawag pa ako na lumabas ka ng bahay kahit gabi na. Ang nais ko lang naman para malibang ka dahil sa tagal mong paninilbihan sa amin ni Mommy, kahit minsan hindi ka man lang nakagala. Akala ko mapapabuti ka, pero hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyari sa’yo, Eunice,” nanghihinayang na sabi ni Ate Rosaly sa akin. Hindi ko mapigilan na hindi pumatak ang aking mga luha dahil hindi ko na matupad ang mga pangarap ko. “Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa akin, Ate. Hindi ako nag-ingat at sinira ko pa ang tiwala ninyo sa akin.” Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha. Nahihiya man ako sa kaniya ngunit wala na akong magagawa kundi tanggapin kung ano man ang nangyari. “Pero sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil pinayagan kita. Anyway, wala na tayong magagawa. Nasa tamang edad ka na rin at wala namang masama kung magkaroon ka na ng sarili mong pamilya. Pero maganda kung ipaalam mo sa Tita mo na ikakasal ka na,’’ mahinahon niyang sabi sa akin. Alam ni Ate Rosaly ang buhay ko. Wala akong tinago sa kaniya dahil para ko na siyang tunay na kapatid. “Hindi ko alam kung paano sabihin kay Tita, Ate. Sana kahit kasal na ako puwede pa rin ako magtrabaho rito upang may maipadala ako kay Tita. Alam mo naman ang kalagayan ni Mama. Kailangan niya uminom ng gamot sa tamang oras. Ako lang ang inaasahan nila at wala na silang ibang maasahan,” pakiusap ko kay Ate, habang pinupunasan ko ang aking mga luha na walang tigil sa pagdaloy. “Mayaman ang pamilya Moran, kaya hindi ko sure kung papayagan ka nila magtrabaho pa. Lalo na at dinadala mo sa sinapupunan mo ang dugong Moran,’’ malungkot na sabi ni Ate at tinapik ang aking balikat. Wala na akong magawa dahil buntis na ako at hintayin ko na lang kung ano ang kapalaran ko sa anak na panganay ng pamilya Mora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD