Chapter 13 Eunice "Oh, akala ko ba hindi mo ako sasamahan?" nagtataka kong tanong kay Alexander nang bumaba na siya ng kaniyang kotse at sumunod sa likuran ko. Akala ko ihahatid niya lang ako rito sa ob-gyne ko, subalit hindi ko inaasahan na bababa rin siya at susunod sa likuran ko. Nakasimangot siyang nakatingin sa akin. "Hindi naman ikaw ang sasamahan ko, kundi ang anak ko," sagot niya sa akin at nilampasan niya na ako. Kahit kailan napakasungit niya talaga, subalit napangiti ako habang nakasunod na sa likuran niya. At least kahit hindi man para sa akin ang panahon niya na samahan niya ako sapat na sa akin na malaman na sasamahan niya ako dahil sa anak namin. Bahagya siyang huminto at hinintay ako. "Kahit kailan ang bagal mo pakilusin," maktol niyang sabi sa akin. Ngumiti ako na t