Chapter 12 Eunice "Nasaan na si Nathan, Iha? Sabi ni Alexander ipinasyal ka raw ni Nathan sa tabing dagat? Kararating lang namin ng Daddy mo. Hinanap ka namin sa party kanina may nakapag sabi na nakita raw kayo na lumabas ni Alexander," bungad sa akin ng Mommy ni Alexander nang pumasok ako sa bahay. Marahil iyon ang kuwento sa kaniya ni Alexander, ang ipinasyal ako ni Nathan sa tabi ng dagat. Wow, ha? Ang galing magpalusot ng animal. "Umalis na po si Nathan, Mom. Inihatid niya lang ako rito," tipid na ngiti kong sagot kay Donya Emelia. "Pinagalitan ko nga ang asawa mo dahil bakit si Nathan ang kasama mo sa halip na siya? Pagpasensyahan mo na talaga ang pagka-sumpungin ng asawa mo. Sabihin mo lang sa akin kapag inaway ka niya," malambing pang wika ng Donya sa akin. Okay lang sa akin n