Episode 8

2078 Words
Chapter 8 Eunice Inayos ko ang aking sarili at lumabas sa silid ni Alexander. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi niya na magagawang babuyin ang aking katawan. Hindi ako papayag na insultuhin niya pa akong muli. kailangan kong protektahan ang aking sarili dahil walang ibang magpo-protekta sa akin kundi ako lang. Hindi rin ako dapat matangay sa mga halik niya. Nagtungo ako sa banyo at kinuskos ko ng mabuti ang aking katawan. Hindi na ako makakapayag na aangkinin niya ako ng ganoon. Lumabas ako ng banyo na nakabihis na. Inayos ko ang aking sarili bago ako lumabas sa may sala. Naabutan ko si Alexander na nakaupo sa sofa habang nagta-type ito ng kaniyang laptop. Mula ulo hanggang paa ang tingin nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Eunice. Hindi bagay sa'yo. Isa ka lang mababang uri ng babae. Nakakainis ka kung titigan!" Pang-iinsulto niyong sabi sa akin. "Talaga ba? Bakit hindi ka manalamin at tingnan mo rin ang sarili mo bago mo ako pagsabihan ng ganyan. Kung nakakainis ako tingnan, mas lalo ka na. Para kang demonyo na hindi pinaakyat sa impyerno!" Pang-iinsulto ko rin sa kaniya. Nakita ko ang pagtagai ng kaniyang mga bagang. Inirapan ko siya at dumiretso ako sa pintuan. subalit hindi ko inaasahan na hablutin niya ang aking braso. "Aray, ano ba?" singhal ko sa kaniya at binawi ang aking mga kamay. "Ano ang pinagmamalaki mo para insultuhin ako, hmmm? Kung isa akong demonyo, puwes humanda ka dahil araw-araw kitang dadalhin sa impyerno!" Iwinaksi ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso. "Wala akong ipinagmamalaki sa'yo Alexander Moran, pero ito lang masasabi ko sa'yo. Hindi ako papayag na insultuhin mo pa ako at sasaktan pang muli. Uulitin mo pa ang pang-insulto mo sa akin, hindi ako magdadalawang isip na sirain ang pangalan mo! Tandaan mo 'yan!" nagtitimpi kong wika sa kaniya. Tinalikuran ko na siya at nagtungo ako sa likod ng bahay upang magpahangin. Hindi ako dapat nasindak sa kaniya at lalong hindi ako dapat magpapaapi sa kaniya. Habang nakaupo ako sa upuan na bakal sa lilim ng isang puno naalala ko ang kabataan ko noon. "Tipaklong, tipaklong, tipaklong!" Panukso ng mga batang kalaro ko. Ako ang pinakamaliit sa kanila. Umiyak na lamang ako dahil hindi ko sila kayang labanan. "Tigilan niyo nga si Oliv!" saway sa kanila ni Tantan at nagtakbuhan na ang mga ito. Lumapit si Tantan sa akin at inalo-alo ako. "Hindi ka dapat nagpapaapi sa kanila. Dapat lumaban ka kahit maliit ka!" wika ni Tantan sa akin habang pinapagpagan niya ako ng lupa sa aking short. "Paano kung bugbugin nila ako?" umiiyak kong tanong sa kaniya. "Bugbugin ko rin sila. Tahan na huwag ka na umiyak." Pumulot siya ng maliit na bato na sakto lang sa kamao ko ang laki at inikutan niya iyon ng letter O sa pamamagitan ng pako na napulot niya. Pagkatapos niya iyon ukitan ibinigay niya iyon sa akin. "Ayan ang bato. Kapag may umaway sa'yo ambahan mo na pukpukin sila sa ulo," wika ni Tantan sa akin. Ikinuyom ko ang bato na iyon at simula noon palagi ko na iyon dinadala. Hanggang sa lumaki ako itinago ko iyon sa isang box. iyon lang kasi ang bagay na naiwan sa akin ni Tantan mula ng umalis sila. Napangiti ako habang iniisip ang kabataan ko. Naalala ko ang bato na ibinigay ni Tantan sa akin. Pumasok ako sa loob ng bahay at naroon pa rin si Alexander sa sala nakaharap sa kaniyang laptop. Masakit pa rin ang tingin nito sa akin. "May binili akong dorian diyan kainin mo," mahinahon na nitong utos sa akin. Kumibot lang ang aking labi at hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa aking silid. Kinuha ko ang aking maleta at kinuha ang isang box na maliit kung saan nakalagay ang bato na ibinigay ni Tantan sa akin. Noon ko pa ito gustong idikit sa frame at isabit sa wall para gawing decoration. May sentimental value kasi sa akin ang mga bagay na naitabi ko noong kabataan ko, subalit ang hindi ko lang talaga naingatan ay ang kuwentas na ibinigay ni Kuya Popoy sa akin. Marahil hindi talaga destiny namin ang magkita, kaya nawala na sa akin ang kuwentas na 'yon. Ilang sandali pa ang pamamalagi ko sa aking silid nang marinig ko na may kumakatok sa pintuan. Hindi ko iyon pinansin dahil alam ko naman na si Alexander iyon. Nagbibingi-bingihan na lang ako. Ano na naman ba ang gusto niya? "Eunice, ano ba? Bubuksan mo ba itong pinto o kailangan ko pa itong sirain?" banta ng bruhildo sa akin. "Ano na naman ba ang kailangan mo?" mataas na boses kong tanong sa kaniya. "Iha, lumabas ka na muna diyan," boses na ni Mommy ang narinig ko. Mabilis kong ibinalik sa maleta ko ang box na nilalagyan ko ng bato na ibinigay ni Tantan sa akin at binuksan ko ang pintuan. "Bakit dito ka sa silid na ito? Hindi ba kayo magkatabi matulog ni Alexander?" agad na tanong ni Donia Emelia sa akin. "Hindi naman kailangan na magtabi kami sa pagtulog, Mom," pabalang na sagot ni Alexander sa kaniyang ina. Tumaas ang dalawang kilay ni Donia Emelia sa sagot na iyon ni Alexander. "Anong hindi kailangan? Buntis ang asawa mo, kaya kailangan nababantayan mo siya. Paano kung mag-cramps ang mga binti niya? Alexander, mag-asawa na kayo ni Eunice, kaya kailangan magkatabi kayo matulog!" galit na sermon ng donia sa kaniyang anak. "Okay lang, Mom. Kaya ko naman ang sarili ko at hindi rin ako sanay na may katabi sa pagtulog," pilit na ngiti kong sagot kay Donia Emelia. "Hindi puwedeng ganiyan. Simula ngayon doon ka na matutulog sa kwarto ni Alexander. Paano niyo makilala at magugustuhan ang isa't isa kung hindi kayo magkatabi matulog?" Tahimik lang kami ni Alexander sa utos ng kaniyang ina. Bumaling ito kay Alexander. "Kunin mo ang mga gamit ng asawa mo at ilipat mo sa iyong silid!" madiin na utos ng Donia Emelia kay Alexander. Hindi sumagot si Alexander at sinunod na lamang ang utos ng kaniyang ina. "Hali ka, Iha. Isukat mo itong mga damit na pinamili ko para sa'yo. Doon tayo sa kwarto ninyo ni Alexander," yaya ng donia habang akay-akay na ako nito papasok sa silid ni Alexander. Bago kami pumasok sa silid kinuha niya muna sa sofa ang mga paper bag na kaniyang pinamili. "Ito, Iha. Isukat mo ang mga ito. Tiyak nababagay lahat ng ito sa'yo," aniya at pinaupo ako sa kama at kinuha niya ang isang evening gown na kulay pula na May mahabang slit sa gilid. Open backless ito at tiyak litaw din ang hiwa ng aking dibdib. "Saan ko ba susuutin ito, Mom?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Pumasok naman si Alexander, dala ang maleta ko. Padabog niya itong binitiwan sa gilid ng walk in closet niya. Lumabas din ito ng kaniyang silid na halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha. "Huwag mong pansinin ang asawa mo, Iha. Masungit talaga iyan subalit minsan mabait din iyan at masunurin na anak. Isulat mo na ito dahil isusuot mo ito mamaya sa party na dadaluhan natin. Kailangan makilala ka nila na asawa ni Alexander," masuyong sabi ni Sonia Emelia sa akin. Alanganin ko pang kinuha ang evening gown at nagtungo sa walk in closet. Isinulat ko iyon at parang sinadyang pinagawa iyon sa akin. Lumabas ako sa walk in closet at nanlaki ang mga mata ni Sonia Emelia nang makita ako. "Wow, bagay na bagay sa'yo ang damit na iyan, Iha. Heto, ilagay mo sa tainga mo," utos pa nito sa akin sabay abot niya ng dalawang pares ng hikaw na kumikinang ang mamahaling mga bato. Tinulungan niya akong ikabit iyon sa akin tainga. "Perfect! Kaunting make up lang ang ilalagay sa mukha mo at mapagkamalan ka ng celebrity. Hayzz, ang ganda talaga ng manugang ko," nakangiti nitong sabi sa akin habang hinahaplos ang aking mukha. Parang nakikita ko si Mama sa kaniya. Kung hindi lang siguro nasiraan ng bait si Mama, tiyak na matutuwa iyon kapag makapagbihis ako ng ganito. Tinakpan ko ang cleavage ko, ngunit tinanggal naman ni Donia Emelia ang kamay ko roon. "Hayaan mong lumuwa ang cleavage mo, Iha. Ang ganda mo kaya tingnan. Noong kabataan ko hindi man lang ako nakasuot ng ganiyan. Sobrang strikto kasi ng Daddy nila Alexander at Lander. Ayaw ako pasuutin ng mga labas likod na damit. Lalo na kapag nakikita na ang hiwa ng dibdib ko," natatawang kuwento ng donia sa akin. "Talaga, po? Siguro kapag may anak kayong babae ang ganda siguro, ano?" nakangiti kong wika sa kaniya. "Sinabi mo pa, Iha. Akala ko nga noon babae si Lander. Kung hindi lang ako natanggalan ng matres marahil marami kaming anak ngayon ng Daddy ninyo, Miguel." Kunot ang noo ko na tumingin sa kaniya. "Bakit po kayo natanggalan ng matres?" Malalim muna siyang nagbunting-hininga bago sinagot ang tanong ko. “Noong ipinanganak ko kasi si Lander, isang taon pa lang siya noon ng magkaroon ako ng cysts sa matres. Kailangan tanggalin ang matres ko para hindi na kumalat at maging cancer ang cyst na iyon. Kaya kapag nanganak ka kailangan mong alagaan ang katawan mo at kailangan mo magpalinis. Kumain ka ng maraming prutas at mga gulay para lumakas ang immune system mo. Kailangan may vitamins ka rin. Dahil tayong mga babae kapag nanganak maraming magbabago sa ating katawan." Tumangu-tango lang ako sa sinabi ni Mommy habang hinuhubad ko ang hikaw sa aking tainga. Lumipas pa ang ilang oras niyaya na ako ni Mommy na umalis. Sinundo kami ng family driver nila na si Mang Pedring. "Alexander, sa party na lang tayo magkikita. Dadaan pa kami sa mansion dahil naroon ang makeup artist namin," paalam ng donya kay Alexander. "Sige, Mom," tipid lang na sagot ni Alexander sa kaniyang ina. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Sumunod naman na pumasok si Donya Emelia. Ilang sandali ang lumipas nakarating kami sa kanilang mansion. Naroon sina Lander at Aliyah, mine-makeup-on na ito. Malawak ang mga ngiti nito sa labi na tumayo at humalik kay Donia Emelia. "Hi, Tita. Thank you sa panlilibre ng makeup," pasalamat nito sa Donya. "Nothing, Iha. I want my daughters-in-law to look good at the party we are going to attend. Where is Lander?" malambing nitong tanong kay Aliyah. "Naliligo na siguro, Tita," nakangiti naman sagot ni Aliyah. "Okay, maiwan ko muna kayo ni Eunice," wika ng Donya at bumaling ito sa mga makeup artist. "Guys, kayo na ang bahala sa kanila," bilin pa niya sa mga ito at umalis na. Nasa isang silid kami ni Aliyah na puno ng salamin na naglalakihan. "Kumusta ka na? Hindi ka ba inaway ng asawa mo noong sinundo ka sa bahay?" tanong ni Aliyah sa akin at naupo na kaming pareho sa upuan namin. Sinimulan na rin ako e-make over ng makeup artist. "Kaunting pagtatalo lang, pero syempre ayaw ko naman magpatalo. Nagluto siya ng lumpiang shanghai sa darling niya kanina. Ayon inubos ko subalit lumpia wrapper lang ang kinain ko." Natawa naman si Aliyah sa sagot kong iyon. "Eh 'di, galit na galit si Kuya niyan sa'yo," natatawa pa nitong tanong sa akin. "Ano pa nga ba? Syempre, paborito ko 'yon, kaya inubos ko. Hindi naman ako nagpapatalo sa kaniya dahil alam ko na kapag hinayaan ko lang na apiapihan niya ako masasanay siya. Kailangan ko rin siyang labanan," sagot ko kay Aliyah. "Haahaha… na imagine ko ang mukha ni Kuya Xander, kapag natatamaan mo ang ego niya. Alam mo naman na mahal na mahal niya ang sweetheart niyang iyon. Ewan ko ba, kung ano ang nagustuhan ni Kuya sa babaeng iyon, eh halata naman na materialistic 'yon. Baka kung hindi lang mayaman si Kuya, baka hindi niya papatulan si Kuya. Kung ako sa'yo gawin mo na lahat para mahulog ang loob ni Kuya Xander sa'yo. Paglutuan mo kaya siya ng nilagang kamoteng kahoy paborito niya iyon, eh. Sabi niya naalala niya ang kabataan niya kapag kumakain siya ng kamoteng kahoy. Saka 'yong pretong talong na toasted, tiyak na hindi niya hihindian iyon. Siguro kung hindi niya lang kababata si Bianca, hindi naman niya siguro iyon mamahalin," saad pa ni Aliyah sa akin. "Pritong talong pwede ko pa siya lutuan, pero ang kamoteng kahoy huwag na!" sabi ko kay Aliyah. Kibit balikat lang ito sa sinabi ko. Pabrito din kasi ni Kuya Popoy ang kamoteng kahoy. Iyon ang palaging niluluto ni Papa na meryenda sa amin noon kapag dumadayo si Kuya Popoy at Tantan sa bahay upang makipaglaro sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD