Chapter 34 Eunice Pumasok kami sa loob ng bahay. Maganda ang bahay at maaliwalas. "Nasaan ang Sir ninyo?" tanong ni Mommy sa kasambahay nila. "Donya Emelia, hindi po ba tumawag sa inyo si Sir? Dinala niya po sa Hospital ang Mommy ninyo. Nagkulaps po si Donya Adilina, pagkaalis ninyo," wika ng katulong kay Mommy. "Ano? Teka, dito muna kayo, Eunice. Puntahan ko lang si Mommy sa hospital!" Natatarantang sabi ni Mommy sa akin. Kinuha nito sa bag niya ang cellphone. "Kanina pa pala tumatawag ang Daddy niyo, hindi ko napansin. Nag-iwan siya ng text message, dinala raw si Mommy sa Las Palmas," nanginginig at natataranta ng sabi ni Mommy. "Ano nangyari kay Lola, Tita?" kinakabahan din na tanong ni Nathan. "Hindi ko alam Nathan. Samahan mo muna si Eunice, dito. Babalik ako sa Las Palmas,"