Chapter 27 EUNICE Parang seryoso ang usapan ng dalawa sa may pintuan. Hindi ko alam kung ano na naman ang pinuputok ng botsi ni Alexander at pinagtutulakan niya si Nathan na umalis. Lumapit ako sa kanila nang may kausap si Nathan sa cellphone nito. Hindi nga ako nagkakamali at si Bianca ang kausap ni Nathan. Inagaw ko ang cellphone kay Nathan, dahil parang pinagtataguan ni Alexander si Bianca, basi na rin sa reaksyon ng mukha nilang dalawa. Hindi ako nag-alinlangan na kunin ang cellphone kay Nathan at itapat iyon sa aking tainga. “Ano ang kailangan mo? Kung tungkol kay Alexander ang tinatanong mo kay Nathan, puwede ba layuan mo ang asawa ko? Nandito siya sa bahay at ginugulo kami ni Nathan. Kung ako sa’yo umiwas ka na sa lalaking may asawa. Doon ka sa tatay ng anak mo!” pangungutya kong