Matapos ng matagumpay na pakikipag-meeting ni Marcus sa isang big boss sa Australia ay tuluyan na rin niyang dadalhin doon ang mag-ina. Nakahanap na rin sila ng ospital na mas matutugunan ang pangangailangang medikal nito. Mas advance ang kanilang mga kagamitan at tiyak na mas makakasiguro sila para rito. Hindi niya hahayaang mawala ang anak dahil lamang hindi nila kayang tugunan ang pangangailangang medikal nito. Sa grupong kinaaaniban, batid niyang hindi siya nag-iisa. Ramdam pa rin naman niya ang pagtutol kay Sanaya pero sinisigurado niyang sa pagkakataong ito ay hindi siya sasabit. The company the Foreign Affair will carry all their child’s medication. Kaya hindi sila mahihirapang dalawa. Kahit papaano ay may progress naman sa kondisyon ng anak. Hindi na masyado itong nanghihina at