Isang araw nang nakalipad si Marcus ngunit ni isang tawag ay wala pa ring natatanggap si Sanaya. Nag-aalala na siya sa kalagayan nito doon. Samo’t sari na ang naiisip dahil kahit kina kila Ate Sandra at Marco ay wala itong paramdam. "Relax ka lang Sanaya. Malay mo busy lang siya sa trabaho nito. ‘Di ba sabi ay business meeting,” pagkakalma ng Ate Sandra niya sa kaniya habang nasa private room ng anak. Tulog ito dahil nanghihina sa katatapos na chemo nito. Bakas na sa hitsura ng anak ang hirap na pinagdadananan nito. Unti-unting nalalagas ang buhok nito gawa ng gamutan nito. "Pero Ate, kabilin-bilinan ko sa kaniyang tawagan niya ako paglapag na paglapag niya,” naiiyak niyang turan sa kapatid. "Don't worry, kilala ko iyang si Marcus. Walang mangyayaring masama,” saad naman ni Marco na kan