Chapter 38: The Meet-up

2495 Words

8:38 AM, the First day before the bombing.   “Buti na lang at nagising ako sa sigawan niyo kanina. Kung hindi ay naging masarap na tanghalian na kayo ng mga nilalang na iyon,” nakangiting sabi ni Kanor habang hinihilot ang paa ni Linda. “Salamat po talaga sa – ahh!” Nakakapit ng mariin si Linda sa cover ng sofa na kanyang kinauupuan nang biglang patunugin ni Kanor ang kanyang paa. “Ouch!” “Ayos na ba?” Pinisil-pisil niya pa ang paa ni Linda. “O-Okay na po,” nakangiwing sagot ni Linda nang wala na siyang naramdamang sakit. “Paano niyo po nalaman na kahinaan nila ang tubig?” nagtatakang tanong ni Edison na nasa may hagdan ng bahay. Nasa loob sila ng isang maliit na bahay. Mayroon itong dalawang palapag at kasalukuyan silang nasa sala. Si Linda ay nakaupo sa mahabang sofa, katabi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD