7:50 Am, First day before the bombing. “Ahh!” Halos mapatid na ang mga ugat sa leeg ni Elli dahil sa kanyang malakas na pagsigaw. Mayroong biglang sumulpot na babae sa kanyang gilid at pinagkakatok ang bintana ng kotse. Muntik pa silang mangudngod lahat dahil sa biglaang pagpreno ni Edison sa kotse. “Ano ‘yon?!” Agad na nilingon ni Peter ang gilid ni Elli. Walang tigil sa pagkatok ang babae sa bintana ni Elli habang umiiyak. Mayroon itong sinasabi ngunit hindi nila maintindihan. Napalunok si Peter nang matitigan niya ang maliit na mukha ng babae. Madungis ang mukha nito at gulo-gulo ang buhok. Hindi siya pwedeng magkamali. Walang ano-anong binuksang ni Peter ang pinto ng sasakyan. Malakas ang kabog ng dibdib na nilapitan ang babae para makumpira ang kanyang hinala. Napatigil