Chapter 59: Escape

1359 Words

Pumailanlang ang malakas na tili ni Elli nang makita niya ang kamay na mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang paa. Ang mahabang manggas ng damit nito ay pula na dahil sa mantsa ng dugo. Pilit na nagkumawala si Elli sa pagkakahawak nito ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng kamay. “T-Tulong…” ani ng naghihingalong tinig. Nagmumula iyon sa ilalim ng hospital bed. Agad na lumapit si Jose at Jaypee kay Elli. Pinagpapalo nila ang kamay na iyon gamit ang baril kaya nakawala si Elli. “T-Tulong…” anito. Noong sumilip si Jose sa ilalim ng higaan ay natigilan siya. Mayroon kasing nakadapa roong lalaki. Naliligo ito sa sarili niyang dugo at halos panay ang pagsinghap ng hangin. “Doctor Pineda?” takang tanong ni Jose. Kumislot naman ang nilalang noong tawagin niya ito. Nagpantig ang t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD