IRON POV "Tsk. Anong ginagawa mo rito, Xenon?" tanong ko. "Kasi-" "Iron!" Tumakbo palapit sakin si Gabrielle. Kasama niyang lumabas galing sa loob ng venue sina Andrej at Arthur na dumiretso sa mga lalaking umatake sakin kanina. "Wag mo na akong tulungan, kaya ko." kinaya kong tumayo ng walang tulong ni Gab. "Andrej, alisin mo na ang lahat ng kalat dito. Arthur, libutin mo ang buong lugar at baka may naiiwan pang mga hindi kilalang lalaki. Kung meron man, tapusin mo na." "Yes, Sir." tugon ng dalawa. "Bakit silang dalawa lang ang kinuha mo?" tanong ko sabay tingin kila Andrej at Arthur. "Hindi pwedeng makahalata ang mga bisita na may nangyaring kaganapan dito sa labas kaya sila lang ang nadampot ko. Hayaan mo na, kaya naman nila eh." sagot ni Gab. Tumango ako. "Kaya mo ba? Umuwi