IRON POV "Xenon, ikaw na lang ang maghatid kay Iron ha? Aalis na ako," kumaripas ng takbo si Cream at tila may hinahabol. Tumayo na rin ako para maiwasan ang hindi kanais-nais na maaaring mangyari. Baka hindi pa ako makagalaw. "Iron," sambit ni Xenon. Patuloy lang akong naglalakad palabas ng cafeteria. Bakit feeling ko naging malayo ang cafeteria sa main gate? "Iron, ihahatid na kita," sabi niya. "Hindi na." "Ihahatid na kita." "Hindi na nga." "Narinig mo naman 'yung sabi ni Cream 'di ba? Ako na ang maghahatid sayo." "Umuwi ka na at hindi mo na kailangan pang ihatid ako sa amin." Isa pa, hindi kami close. Ang natatandaan ko, huli kaming nag-usap nung tungkol doon sa bayad sa kotse ko. "Tsk. 'Wag ng makulit." Nakalabas na ako ng main gate. Huminto ako para sumakay ng taxi. "Ir