PROLOGUE

4389 Words
“Kriz, pengeng towel.” Tawag ko sa pinsan ko pagkarating ko sa pintuan ng sala. “Anyare na naman sa’yo?” Binitawan nito ang tinapay na hawak at kumaripas ng takbo patungo sa kwarto namin para kumuha ng malinis na towel. “The usual.” Tipid kong sagot nang makabalik agad ito. Ginamit ko ang towel sa pagpunas sa aking buhok, mukha at balikat. “Sino na namang bata sa kanto ang nambully sa’yo ha! Tang-inang yan, makakatikim na naman ng mura sa akin ang mga gagong rugby boys na yun!” “Hayaan mo na. Parang hindi ka naman sanay.” “Diyos ko naman sa’yo Mirasol, kung bakit naman kasi hinahayaan mo ang mga yung paglaruan ka.” “Masamang pumatol sa mga bata, Krizette.” Tumirik ang mata ng pinsan ko na nakapamewang sa aking harapan. “Sa susunod, ako na maghahatid ng mga patahi mo ha. O di kaya ay sasamahan kita. Makulit ka kasi, sabi ko sasama ako, pinagpipilitan mo talagang kaya mo. Kita mo nga nangyari sa’yo ngayon.” “Oo na. Oo na. didiretso na ako sa banyo. Maliligo na lang ulit ako. Bugok na itlog pa ata ang ginamit nilang pambato sa akin ngayon.” “Ang hindi ko naman kasi maintindihan sa’yo, binubully ka ng mga tao dahil diyan sa istilo ng pananamit mo. Daig mo pa mga nanay at mga lolang nagchi-chismisan sa kanto sa pananamit mong yan.” Tinanggal ko ang aking salamin sa mata dahil medyo lumabo ito. Pinunasan ko ang mga ito bago sinuot ulit. “Wag mong intindihin ang pananamit ko. Nakalakihan ko na. At kahit anong pilit mo sa aking magsuot ng mga damit na kagaya ng sa’yo, hindi ko gagawin. Maliban na lang kung bibigyan mo ako ng perang pantubos sa bahay at lupa natin. At hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang sa ikakasiya ng iba. Sa ganito ako masaya, sa ganito ako komportable, sa ganito ako pinaka-kampante. Kaya kung ayaw nila sa akin, manigas sila.” “At habang buhay mo na lang bang pagtitiisan ang pag-aabuso ng mga tao sa’yo, ganun? Okay lang ba talaga sa’yo na tawagin kang mangkukulam, masamang engkanto o sinaunang tao? Sinasabi ko ito para din sa ikakabuti mo.” “At tulad ng lagi kong sinasagot, wala akong pakialam.” “Hmmp. Maligo ka nga lang ulit. Ang bantot mo na.” “Paki-abot ng bihisan ko, ha. Pakilagay nalang sa labas ng pinto.” “Oo na.” Mabilis akong nagtungo sa payak naming banyo. Habang nag-huhubad ng damit ay impit na umiiyak ako. Ang hindi alam ng pinsan ko’y naapektuhan pa rin ako sa trato ng mga tao sa akin. Eh ano kung kulot ang buhok ko? Eh ano kung balot na balot ako palagi? Eh ano kung ang laki ng salamin ko sa mata? Eh, ano kung ang baduy kong manumit? Ito ang nakasanayan ko. Sa ganito ako komportable. Anong mapapala ko sa mga tao kung babaguhin ko ang nakasanayan ko? Di ba wala? Ang tao, may magawa ka mang kabutihan o wala, may masasabi at masasabi yan silang masama sa’yo. So, what’s the point? Bakit ba may mga taong mapagmata sa kapwa? Ganito na ba talaga ang mundo? Huhusgahan ka nila sa kung ano ang nakikita ng mga mata at hindi kung ano ang nasa iyong kalooban? Kahit gusto ko mang lumaban pero sa bandang huli, ako lang din naman ang magiging talunan. Siguro magpapasaway sila sa ngayon, pero makalipas ang ilang lingo, paniguradong balik na naman sila sa dati. Kaya nga, hinayaan ko na lang, Pasasaaan ba’t mapapagod din ang mga yan sa panunukso at pambubully sa akin. Pagkatapos kong maligo at magpatuyo ng buhok ay naisipan kong umidlip. Malayo-layo rin ang nilakad ko sa paghatid ng mga panahi kong kurtina. Ang tagal ko ring nakatayo sa paradahan ng tricycle, eh paano, walang may gustong isakay ako. Ang salbahe ng mga driver akala mo ang gagwapo, mukha namang mga unggoy. “Mira..” Kalabit ulit sa akin ng aking pinsan. “Ano ba, natutulog pa yung tao eh.” Sinubsob ko lamang ang aking mukha sa unan at hindi na nag-abala pang tignan ang pinsan ko. “Kung ayaw mong magising, edi wag. Mamaya wag mo akong sisihin kung bakit di kita ginising. Ako na lamang ang manonood sa jowa mong si Romano.” Romano? Napadilat ako sa aking mata at mabilis pa sa alas-kwatro na bumalikwas ako mula sa aking pagkakahiga. “Romano ba ang sabi mo?” Nanliiit ang mata ko dahil malabo siya sa aking paningin. Kinapa ko ang aking eyeglasses sa gilid ng aking kama. “Si Romano mylabs ba ang binanggit mo? Papanoorin mo siya? Saan?” Umikot ang mata ni Krizette habang nakakrus ang mga braso sa harapan. “Saan pa ba, e di sa telebisyon.” Tumulis ang nguso nito saka ako tinalikdan. Lumabas na ito sa aking kwarto. I was still groggy from lack of sleep but when it comes to Romano mylabs, gigising ako para sa kanya. Sa sala ay umupo ako sa luma naming sofa at agad na tinutok ang mata sa TV. I snorted when Romano and Trisha, one of the famous female singers in the country appeared on the screen. “Bagay sila.” Krizetted commented. She really knows how to push my beast mode button. At alam niyang pagdating sa idol ko, sensitive ako. Wag lang sana ngayon gayong ang gaan ng ulo ko. “Kung wala kang ibang sasabihin, isarado mo yang bunganga mo.” I scowled at her pero ang lukaret ay nginisihan lamang ako. “Tatahimik na po. Apaka-possessive. Jowa mo, jowa mo!?” “Oo jowa ko, bakit, may angal ka!” Humalakhak ito. “Hay nako, insan, bago mo pangarapin si Romano, baguhin mo muna yang ayos mo. Para kang taong naggaling pa sa unang siglo ng mundo. Manang na manang ka. Di ka mapapasin ni Romano kung ganyang para kang lola sa istilo ng pananamit mo.” Umusok ang ilong ko. Ayan na naman siya. Halos araw-araw ay lagi nitong bukambibig ang pagiging ‘manang’ ko. Kasalanan bang magsuot ng mga ganito eh dito ako mas komportable! Kinuha ko ang house slippers ko at binato ko iyon sa kanya. Napangisi lamang ang baliw kong pinsan. Inirapan ko ito at inayos ang natabingi kong salamin sa mata. Binalik ko ulit ang tingin sa TV screen. Oh, they’re going to sing together. Mukhang on the spot performance lang ata ito at pinagbibigyan lamang ang request ng host sa particular na TV Show kung saan ay guests silang dalawa. “Ang gwapo niya talaga.” Bulalas ni Krizette. “Shhh…kakanta na sila.” Saway ko. Hindi na niya kailangan pang ibulalas kung gaano kagwapo si Romano. Buong Pilipinas ay alam iyon at buong bansa ay nababaliw sa kanya. Dahil bukod sa gwapo ang lalake, sobrang ganda pa ng boses nito. He’s one of the top tier celebrities in the Philippines, if not, the best in the music industry. Kaya nga bukod sa ordinaryong fans na kagaya ko, kahit kapwa niya celebrities ay hindi mapigilang hangaan ang lalake. All of them are in awe of him. They’re dying to have a moment with him. Kahit makadaupang-palad lang ata ay masaya na sila. Napatingin ako kay Trisha. She was rumored to be Romano’s girlfriend. Ang lawak ng fandom nila. Yun nga lang sobrang toxic din. Kasi kung may ibang celebrity na naugnay kay Romano, inaaway ng shippers ng TRISHANO. Err. Hindi ko type ang name ng ship nila. Buti nalang talaga at hindi ako shipper. Fan ako na kontento lang na pinapanood ang idol ko sa TV. Okay na ako sa pabili-bili ng albums nito at ng Romano merchandises. Tumayo ang dalawang celebrities sa gitna. They both smiled at each other nang nag-play na ang kanta. For sure, they’re going to break the internet again. Wala sa loob na inabot ko ang throw pillow na nasa gilid ko at niyakap iyon. Lumundag ang puso ko nang ni-focus ng camera ang mukha ni Romano. Langya, walang ka pores-pores sa mukha. Ang gwapo talaga ng hinayupak. I see your face cloud over like a little girl's And your eyes have lost their shine You whisper something softly I'm not meant to hear Baby tell me what's on your mind I don't' care what people say About the two of us from different worlds I love you so much that it hurts inside Are you listening Please listen to me girl Can't we try just a little bit harder Can't we give just a little bit more Can't we try to understand That it's love we're fighting for Can't we try just a little more passion Can't we try just a little less pride I love you so much baby That it tears me up inside I hear you on the telephone With god knows who Spilling out your heart for free Everyone needs someone they can talk to Girls that someone should be me So many times I've tried to tell you You just turn away My life is changing so fast now Leaves me lonely and afraid Don't be afraid, no Can't we try just a little bit harder Can't we give just a little bit more Can't we try to understand That it's love we're fighting for Can't we try just a little more passion Can't we try just a little less pride I love you so much baby That it tears me up inside Don't let our love fade away (don’t let our love fade away) No matter what people say (no matter, no matter what they say) I need you more and more each day (don’t let our love fade away) No matter what people say (No matter, no matter what they say)   Can't we try just a little bit harder Can't we give just a little bit more Can't we try just a little bit harder Can't we give just a little bit more Can't we try just a little more passion Can't we try just a little less pride Love you so much baby Tears me up inside Literal na hindi ako huminga sa halos lagpas tatlong minuto na pag-awit ni Romano. Bakit kaya kapag kumakanta ang lalake ay tila ba ramdam na ramdam ng buong sistema ko? Tila ba sa akin ito nagsusumamo, nagmamakaawa. But I must commend Trisha too. She’s really a good singer. Hayss. May mga tao talagang pinagpala ng kagandahan/kagwapuhan at talento. Sila ata ang peyborit ni Lord. Ang mga kagaya kong walang katalent-talent at gandang maipagmamalaki ay tila sumpa sa sanlibutan. May kung anong tumama sa aking ulo kaya napabaling ako sa pinsan kong nanlalaki ang mata sa akin. “Bakit naiiyak ka dyan?” Ani nito. “Huh?” I touched my cheek at ganun na lamang ang pangilalas ko. “Eh? Hindi ako naiiyak, baliw. Mahapdi ang mata ako dahil hindi ako kumurap sa kakatitig sa TV. Iyak ka diyan.” Tinanggal ko nang tuluyan ang salamin sa aking mata. Gamit ang laylayan ng aking pambahay na daster ay nagpunas ako ng luha. Pinunasan ko na rin tuloy ang salamin. “Kung bakit naman kasi hindi mo pa palitan yang salamin mong niluma na ng panahon? Ang laki-laki pati halos sakupin na yang maliit mong mukha.” Reklamo nito. Matagal na ako kinukumbinsi nito na bumili ng bagong salamin sa mata pero matatag akong tumanggi. “Komportable ako sa salamin na’to. Tsaka alam mong nagititipid tayo. Ilang buwan nalang at mauubos na ang palugit na binigay sa atin. Saan tayo pupulutin kapag nagkataon?” Krizette contorted her pretty face. “Alam ko. Kayod kalabaw na nga tayo, parang wala pa rin tayong napapala. Hindi pa nangangalahati ang naipon nating pera. Hay buhay. Ang hirap talaga maging mahirap. “Kaya nga kumayod tayo hangga’t kaya pa ng katawan natin.” Inabot ko ang remote control at in-off na iyon. Wala na rin namang kwenta manood dahil natapos ang palabas pagkatapos ng performance nila Romano. “Sus. Ang sabihin mo, kumakayod ka ng todo dahil may bibilhin ka na namang bagong merch ni Romano.” Napangisi ako. “Kaligayahan ko yun kaya wag mo akong pakilaman. Hindi mo alam kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapag-ipon ng pambili.” Humalakhak si Kriz. “Mga linyahan mo talaga, Mira. Anyway, dahil sarado tayo mamayang gabi, may tinanggap akong raket.” Napatuwid ako ng upo at humarap sa kanya ng tuluyan. “Anong raket yan? Limpak-limpak na salapi ba ang makukuha natin diyan? Aabot ng milyon kaya?” “Tchh. Sana nga ganun kalaki. E di solve na sana problema natin. But anyway, may stag party mamayang gabi. So ayon….” She looked away. Hindi pa ito tapos magsalita ay tumalon ako sa kanya at sinabunutan ito. Ayokong-ayoko sa lahat ang ganyang exta service. “Alam mong hindi ako papayag sa ganyan, bruha ka.” “Array naman! Kakalbohin mo ba ako?!” “Oo! Makulit ka kasi!” “Ang laki ng offer, couz! Array! Hear me out first!” Nagdidilim ang paningin ko kay Krizette. Problema lang kasi ang dala ng ganyang service eh. Ilang beses na kaming napahamak kaya sinumpa ko talagang hinding-hindi na tatanggap ng ganyang booking kahit kailan! “One-hundred thousand ang offer, bakla.” She blurted out. Inayos nito ang buhok na nagulo. “Anong pakialam ko kung one-hundred….one hundred thousand?????” My eyes grew big. “Yes. Six figures, baby.” She smirked at me. Tila nakakita ng pag-asa mula sa aking reaksiyon. Napasandal ako sa sofa. One-hundred thousand? Ang laking bayad para sa isang gabi. I sighed. We need the money. Katangahan kung palagpasin namin ang ganitong pagkakataon. “Nakakasiguro ka bang pagsasayaw lang ang gagawin nyo d’yan? No hanky-panky? Siguraduhin mo lang talaga na ang entertainment eh hindi aabot sa kama.” “Hindi yan, couz. Tsaka, tingin ko naman desente at edukado yung naka-usap kong lalake na siyang organizer ng stag party na yun.  Ang gwapo pati at tiyak akong mataba ang gitna este ang bulsa.” I glared at her. “Okay lang lumandi, basta hindi aabot sa puntong ibubuka mo yang hita mo.”  Humagalpak ito sa tawa. “Nakakaloka ka talaga couz, hindi bagay sa hitsura mo ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. the way you dress and carry yourself, parang di ka makabasag-pinggan. Kabaligtaran sa pagiging prangka mo.” Niyupi ko ang aking tuhod at humarap sa kanya. “Wag mong pakialaman ang paraan ng pananamit ko. So, ilang babae daw ba kailangan?” “Tatlo lang.” Tumango ako. Hindi na ako mahihirapan. Kung costumes lang din naman ay meron na ako dito at konting ayos lang ang gagawin ko para sa kanila. “Arat na.” Bulalas ko and Krizette threw a fist in the air. “Yes!” Ngumungusong tumango lamang ako. Haysss. Sana lang ay walang dalang problema ang pagsang-ayon ko sa ganito. Kung hindi lang talaga kailangang-kailangan ng pera, nungka akong papayag sa ganitong service. Hindi iilang beses na nabastos sila. At pati ako na nakaantabay ay nadadamay din. Sana nga lang sa pagkakataong ito ay hindi problema ang ending. Niligid ko ang tingin sa buong bahay. Ilang buwan na lang at mawawala na sa amin ang lahat ng ito. Pinaghirapan itong ipundar ng aking ama ngunit nang mamatay ito, nagkanda leche-leche na ang buhay ko. Lingid sa aking kaalaman ay sinangla ni Mama ang bahay at lupa at nilisan ang lugar kasama ang kalaguyo nito. Hindi ko alam kung saang lupalop na ng bansa silang dalawa. Wala na rin akong balak na hanapin pa ito. Mas concern ko ang pagtubos ng bahay at lupa. Malaking bagay sa akin na nasa aking tabi si Krizette mula pa lang nung umpisa. Kaming dalawa ang magkasangga sa lahat ng bagay. Kaka-graduate ko lang din nitong nakaraang Marso. Sa ngayon ay naghahanap ako ng trabaho. Ang dami kong inaplayan pero ni isa ay wala pang tumatawag sa akin. Naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Sana mag-milagro ang Diyos. Sana mahabag Siya ng konti sa sitwasyon namin ngayon. Kung hihilingin ng pagkakataon na kumapit ako sa patalim, baka susunggaban ko iyon. Bahala na.   ********** Naunang umalis si Krizette sa akin dahil dadaan pa daw ito sa boypren niya. Ang usapan ay saktong alas sais ng gabi. Ang siyeste, na-late ako dahil naipit ako sa trapik. May bangggaan kasi sa may McKinley road. Ang bigat pa naman ng dala ko dahil kasama pati yung make-up bag. Nakakatawa nga eh. Marunong akong bihisan at pagandahin ang isang tao pero hindi ko iyon naa-apply sa sarili ko. Yan lang din talaga ang kaya kong ipagmalaki. Na kahit ganito lang ang hitsura ko, at least my binigay na talento ang Diyos sa akin. Naniniwala din naman ako na lahat ng bagay ay napag-aaralan kung matiyaga lang. Noong pumanaw si Papa pitong taon na ang nakakaraan, ang Tiya Lorna ang nagsilbing magulang ko. Wala naman akong maasahan sa aking ina dahil halos hindi ko naman iyon nakikita araw-araw. At kung umuuwi ng bahay ay kung hindi lasing, eh, bangag. Hindi ko alam bakit siya nagkaganun. Bago pa mamatay si Papa ay unti-unti na rin itong nagbabago. Pero kahit kailan ay hindi ko matandaang minahal ako ni Mama. Kay Papa ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Si Tiya Lorna, ina ni Krizette, ang sumalo sa responsibilidad ng ina ko sa akin. Dahil walang hilig si Kriz sa pananahi, ako ang naging alalay ni tiya sa tuwing may mga panahi ito. Dito na rin sila sa bahay nakatira mula nang mamatay si Papa. Isa rin sa mga rason kung bakit bihirang umuwi si Mama ay dahil sa kanila. Pero mas gugustuhin ko na rin na makasama silang mag-ina kesa sa tunay kong ina dahil ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. Si Mama, makita lang ang pagmumukha ko ay banas na banas ito kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Pinilig ko ang aking ulo. So much for the memory lane. Baka bigla na lang akong mapahagulhol dito dahil namimiss ko silang pareho. Nasa lift na ako ng particular na Phoenix Condominium. I pressed the 8th floor. Paniguradong galit na sa akin si Krizette at dalawa nitong kasama. Lowbat pa naman ang cellphone ko. tiyak akong kanina pa ito tumatawag sa akin. May oras pa naman ako. Alas otso naman daw uumpisahan ang pagtitipun-tipon ng grupo ng groom. Bale ang flat nito ay nasa 9th floor at nakikigamit kami sa flat ng organizer dito sa 8th floor. Bumungad agad sa akin ang nakaismid na muha ni Krizette pagbukas nito sa pintuan. Malamang ay sumilip ito sa peephole p**o ako pagbuksan. “Ang aga mo ha.” Sarkastikong sambit nito. “Trapik. Sorry naman.” Nilapag ko ang tarvelling bag kong dala at ang make-up bag sa sahig. Nangalay ako. Sa sobrang tipid ko kasi, nilakad ko lang ang distansiya mula sa babaan ng jeep patungo dito sa building. Halos kinse minutos din na lakaran iyon ha. “Wala kang dalang pagkain, Mir?” Si Kaye, isa sa mga dancer at kaibigan din namin. “Gugutom kami. Wala namang laman yung kitchen ni Mr. Pogi.” Bumusangot ang mukha ni Jona. “Akala ko daming foods dito, wala naman pala.” Singit ni Rutchell na sumalampak sa sofa. Kumakalam din ang sikmura ko at nakalimutan ko ring mag-tanghalian kanina. Nag-inat muna ako bago magsalita. “Bababa na lang ulit ako at bibili ng pagkain sa 7-11. Umpisahan nyo nang magbihis at mag-ayos ng buhok.” “Thank you, Mira!” Pakuro nilang sagot. “Bilisan mo ha. Baka kung saan-saan ka na naman magpunta.” “Sa baba lang eh. May 7-11 akong nadaaanan.” Sagot ko kay Krizette. Tumango lamang ang huli sa akin. Sinakbit ko ulit ang sling bag kong may lamang pera at cellphone. Mabilis akong lumabas para din sana makabalik agad. Papasok na ako sa loob ng lift nang may pumasok din na isang magandang babae. Kahit gabi na ay naka-dark shades ito. She’s also wearing a black haltered minidress. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha kasi nakayuko ito. sa kanyang kaliwang kamay ay may hawak itong black bag, sa kanan naman ay may hawak itong scarf na animal pattern. Umusog ako sa corner ng lift nang tila ay humihikbi ito. Inaliw ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid ng lift na akala mo ay isang magandang tanawin. I tried to hum para naman hindi awkward. Nang makarating kami sa ground floor ay nauna itong lumabas na may pagmamadali sa kanyang mga hakbang. May kinukuha ito sa kanyang bag at hindi nito napansin ang pagkalaglag ng scarf sa kamay nito. “Miss, yung scraf mo---” hindi ko natuloy ang nais kong sabihin dahil lakad takbo ang ginawa ng babae habang may kausap sa cellphone. Pinulot ko ang scarf at hinabol ito. Ngunit paglabas ko sa revolving door ay nakasakay na agad ito ng taxi! “Miss! Yung scarf mo! Miss!” Huli na ang lahat dahil mabilis nag pag-andar ng taxi. Inayos ko ang natabingi kong eyeglasses. Pambihira. Anong gagawin ko dito? Ibibigay ko nalang siguro sa security guard ng lobby. Pero hindi pa ako nakakakbang papasok sa entrance door ay tila may pamilyar na pigura ng babae akong namataan na nakikipag-usap sa guard. Mama? Namutla ako. Taon na ata ang lumipas mula  nang huli ko itong makausap. Humalakhak ito ng mahinhin sa guard. Kung pagtatabihin kaming dalawa ay mapagkakamalan akong katulong dahil sa paraan ng pananamit namin. She looks so expensive while I look like a rubbish. Unti-unti akong humakbang paatras. Ayokong magkaharap kaming dalawa. I hate it every time she looks me up and down. I hate to see the disgust in her eyes. Clutching the scraf in my chest, I turned around and faced the street. Mabilis akong naglakad paalis doon, ngunit hindi pa ako nakakalayo nang may tumigil na lalake sa harap ko. “Mariposa, this way po.” Napatigagal ako. Mariposa? Ako? Tumingin-tingin ako sa paligid. Walang ibang tao. Tumingin ako kay Manong. “Ako po ba?” “Mariposa, dito po.” He bowed his head as he led me the way. Sinundan ng mata ko ang tinuturo ni Manong. Napanganga ako. Limousine! Naunang maglakad si Manong at binuksan ang huling pintuan. “Male-late daw po si Boss ng dating. Pakihintay nalang daw siya sa penthouse.” Pinilig ko ang aking ulo. Sinong boss? “Mariposa, sakay na po kayo.” “Hindi ko po alam ang sinasabi nyo.” “Magagalit po si Boss kung dumating siya at wala pa kayo sa penthouse.” Medyo tensyonado na si Manong base na rin sa pagtagtak ng pawis sa kanyang mukha. I looked back to the entrance door at nang mamataan ang ina kong palabas doon ay agad na pumasok ako sa loob ng limousine. “Paandarin mo na, Manong!” Kumaripas ng takbo si Manong para pumwesto sa driver’s seat. Halos lumubog ako sa aking kinauupuan nang huminto si Mama sa labas ng mismong labas. I was more than glad to learn na tinted ang salamin. My mother shamelessly used the window as her mirror and took a selfie using her phone. I smirked bitterly. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating makaalis na ang limousine. Hindi naman ganon katagal ang biyahe dahil tumigil din ito sa harap ng isang mamahaling condominium. Pinagbuksan ako ni Manong. “Have a good night, Mariposa.” He smiled sincerely at gumanti rin ako ng ngiti sa kanya. Pumasok ako sa entrance at sinalubong ulit ako ng isang lalake. Pero kunot ang noo nitong nakatingin sa akin. he looked at me with scrutiny. His eyes roamed around my body at nagtagal sa aking mukha. He then glanced at the scarf I was holding. Tumikhim ako at wala sa loob na sinabit ang scrarf sa aking leeg. The middle-aged man sighed. “Please follow me, Mariposa.” Bakit ba Mariposa sila ng Mariposa? Mirasol ang pangalan ko, M-I-R-A-S-O-L. He led me to the lift at pinauna niya akong pinapasok. Nang makarating kami sa top floor, nauna ito sa akin at nagpalinga-linga lamang ako sa paligid habang nakasunod sa kanya. He swiped a card on the door at ipinagbukas ako. “Please make yourself comfortable while waiting for our boss. He’s on his way now.” I tilted my head sideways. “Okay, thank you po.” Pumasok ako sa loob at hindi ito sumunod. He closed the door himself. Wow! Ang gara naman ng bahay o condo o penthouse o kung anuman ang tawag ng mayayaman dito! The interior design is breathtaking! And oh, the huge chandelier in the middle of the living room is fascinating! Iniisa-isa kong tinignan ang mga cute na nakadisplay sa malawak na built-in cabinets. Iba’t ibang miniature cars ang nakahilera doon. Ang cute! Hindi ko napigilan ang hawakan ito at talagang nilapit ko ng husto sa aking mukha. Paano kaya to ginagawa eh ang liit-liit? I was so busy examining the piece when someone shut the door so loud my soul almost left my body. I turned towards the door and my breath was caught behind my throat, when the man who’s eyebrows were pulled down together, his lips were tight, his arms crossed on his chest while he’s leaning against the door, looked at me like I had a horn on my head. “Who the f**k are you?” His deep voice resonated through the huge living room that made my heart jump in fear. I could hear the loud beating of my heart. My gaze fixated at him. Is this really happening? Is my vision pulling a prank on me? Is Romano really in front of me? I wanted to run to him and hugged him. But I was nailed on the floor when his darkening eyes pierced through me. Napaatras ako. The man in front of me is dangerous, a far cry from the man I admire on TV….  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD