Six

978 Words
"I won’t get tired of saying how much I love you. I won’t get tired of saying how much I miss you cause I really do. I can’t get enough of you. I want to see you, now. I miss you so bad. I want to see your beautiful eyes, I want to smell your scent. I miss your smile. I miss everything about you. I can’t wait to see you baby girl. I want to hug you so tight and whisper to your ear that I love you and I need you." Nasa misyon sya ngayon sa Thailand pero heto nakuha nya pang tawagan si Sm habang nagreready silang lahat sa pag rescue kay Princess Tamara. "To love you is the most romantic feeling i could feel right now and for my entire life. Oh how I wish I could hold your hand and hug you so tight and feel the warmth of my love. How I wish I can whisper to your ears the every words, every sweet words i want to tell you. On how much I am so happy to be with you and to be your everything until forever. I know these wishes will come true. Distance may between us, but not my heart who is sincerely loving you. I love you Baby girl mwah mwah" Ngiting ngiti si Mark at napakindat pa sa papadaang si Prince. "Bakit labis kitang mahal ♪ ♪.." Pahapyaw na kanta ni Prince ng madaanan si Mark at marinig nyang kausap nito sa cellphone si Sm. " Hoy Marrkkk! Boladas pa moooree... hahaha." Sigaw ni Gaelan saka tinakbo ang pader at sumampa paakyat para makapasok sa loob ng Villa Silva. Deadma lang sa mga kasama si Mark, bago sya kumilos para sundan ang kapwa assassin agents, isang hirit ng sweet words pang binitawan nya kay Sm. "Thank you for always making me happy Baby girl, Love you mwah. Bye, see you soon." Matapos i off ang cellphone kaagad nyang ibinulsa yun at inilagay ang earpiece, tinakbo na nyang pader at mabilis na inakyat,, at ng makasampa sa pinakatuktok ng pader nilundag na nyang baba, pagkalapat ng mga paa nya sa lupa nakita pa nya si Prick na may ibinabaon sa mga halamanan. Lilihis na sana sya ng daan ng may mapansing kakaiba sa malaking puno. Umikot sya sa kabila para tiyakin kung tama ang hinala nya. 'Gotcha! Patay ka ngayon sakin Count Vernon Silva.' Walang ingay ang bawat hakbang nya palapit sa lalaking nakakubli sa puno at may hawak itong baril na naka asinta kay Prince na abalang nakikipaglaban sa limang kalalakihang nakapaibot dito. Hinila nyang dalawang katana na nakasukbit sa kanyang likuran at mahigpit na hinawakan. Saktong distansya lang saka iwinasiwas nyang katana kay Count Vernon na akmang kakalabitin na sanang gatilyo ng baril. Unang tinamaan ng katana nya ay yung braso nitong may hawak sa baril. "Ahhhh." Sigaw ni Vernon ng maputol ang kanang braso nito at nalaglag sa lapag. Nanlilisik ang mga mata nitong bumaling kay Mark na nakangisi. Susugorin na sana nito ang binata ng sa pag angat ng isang kamay ni Mark sabay sa paghampas nito ng katana ay ang pagkaputol ng ulo ni Vernon. Malayong pinagtalsikan ng ulo nito sa lakas ng pagkakaputol dito ni Mark. "Hey! Mark, are you done?" Narinig nyang sigaw ni Prick. "Yeah! And you?" "Everything's settled, so let's go! Hurry up Bro." Mabilis nyang sinundan ang daang tinahak ni Prick. Bahagya pa lang syang nakakalayo ng may biglang sumabog sa kanyang likuran at bahagyang yumanig ang lupang kanyang inaapakan. "f**k!" Naririnig nyang usapan ni Keros at Prick sa kanyang earpiece pero wala ng attention nya dun, kumaripas na sya ng takbo palabas ng Villa. lalo na ng marinig ang sinabi ni Aeris. "Agents, wag nyu ng alalahanin si Princess Tamara, nakaalis na sila ng pinsan ni Blaire, kaya tara ng umalis, si Prick ng bahala sa disposal ng Villa." "Kengina naman Aeris, sana kanina mo pa kami ininform. eh di sana nakaalis na kami ditong hayop ka." Naiinis na singhal ni Griffin sa tracker nila. "Wala namang nagtanong sa inyo eh. hahaha." Bigla silang nakarinig ng sabay sabay na pagsabog kasabay nun ang pagyanig ng paligid. "f**k! Prick wait! Dipa nga kami nakakalabas ng Villa nagpapasabog kana." Reklamo ni Eruto. "Sorry guys, my wife called. I need to go home asap, so hurry up before all the places explode." Kasunod nun ang malalakas na pagsabog ulit. Lahat sila kumakaripas ng takbo palabas ng gate ng Villa Silva, humahangos lahat habang minumura si Prick na pinaka huling nakalabas ng gate. "Hahaha masaya bang pa party ni Prick sa inyo?" Nang aasar na bungad na tanong sa kanila ni Aeris. Habang lahat silang nanggaling sa loob ng Villa ay napaupo na lang sa semento at yung iba ay napahiga na habang habol habol ang paghinga. "Pakshet, napaka pangit ng exit natin sa Villa Silva na yan." Naiinis na reklamo ni Prince habang ginugulong dating magulo ng buhok. "Bakit ganyan kana ngayon Prick? dika na cool gaya ng dati." Nakasimangot namang sabi ni Pyre habang pinapagpagan ang pantalong puno ng buhangin at alikabok. Habang nagtatalo talo ang mga kaibigan nya lumilipad naman ang isip ni Mark. Napangiti sya ng maalala ang maamong mukha ng kasintahan. Huhugutin sana nyang cellphone sa bulsa ng pantalon para tawagan ito ng marinig ang sigaw ni Griffin na nakaupo sa manibela. "Mga bugok, magsisakay na kayong lahat. Bilisan nyo na baka maabutan pa tayo dito ng mga pulis, mahirap na't secret mission pa naman ito, kapag tayo natiklo dito hindi tayo sasagipin ng Hainsha, alam nyu yan kaya galaw galaw naaaa. " Natatawang tumayo mula sa pagkakasalampak sa semento si Mark saka sumakay sa itim na Van. Hindi na sya makapaghintay na makabalik agad ng Pilipinas para mayakap at mahagkan ang kanyang pinakamamahal na Baby girl. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD