Habang bumebyahe si Mark pabalik ng Pilipinas, patungo namang Australia si Sm kasamang mga magulang na hindi lang disappointed kundi galit na galit pa sa kanya. Hindi nya alam kung sinong nagsabi sa mga magulang nya ng tungkol sa relasyon nila ni Mark. Alam nyang masama ang maglihim lalo nang magsinungaling sa mga magulang nya pero ginawa pa rin nya yun dahil sa labis na pagmamahal nya sa binata. Naiiyak sya, O mas tamang sabihin na nababaliw na sya sa kaiisip kung anuna ang mangyayari sa kanila ni Mark ngayong humahadlang sa pag iibigan nilang dalawa ang kanyang mga magulang. Napahikbi sya ng maalala ang nangyari kani kanina lang.
"Sm! Totoo ba na may karelasyon kang kaedad lang namin ng Papa mo ha?"
Namumula sa galit ang kanyang Mama ng komprontahin sya nito pagkapasok pa lang nya ng bahay galing school.
"Po! San nyo naman po nalaman yan Ma?"
Kinakabahang sabi nya habang pilit pinapakalma ang sarili dahil sa takot na lumulukob sa kanyang buong pagkatao.
"Subukan mong magsinungaling at itanggi samin ang ginagawa mong kalokohan."
May inilapag na isang envelope ang Papa nya sa mesita.
Nanginginig ang kamay nyang inabot ang envelope saka binuksan ito. Napaawang ang labi ni Sm ng tumambad sa paningin nyang mga larawan nila ni Mark. Bakit nasa mga magulang nya ang mga larawang ito? Sa pagkakatanda nya pinakatatago nyang mga ito sa damitan nya. Panu pa nya malulusutan ang problemang kinakaharap, bakit ngayon pa nangyayaring mga ito kung kelan wala si Mark dito sa Pilipinas?
"Sino ang lalaking yan Sm?" Napapiksi sya sa lakas ng pagkakasabi ng kanyang Ama.
"Ke bata bata mo pa! Hindi kana nahiyang malandi ka!" Sabay sampal ng Mama nya sa kanya.
Tahimik lang si Sm habang sapo ang nasaktang pisngi, hindi sya nagsalita para ipagtanggol ang relasyon nila ni Mark. Hindi nya ugaling sagot sagutin ang kanyang mga magulang. Nakayuko sya para itago sa mga ito ang kanyang pagluha.
"Pinapag aral ka namin sa mamahaling skwelahan, lahat ng gusto at luho mo ibinigay namin.. Tapos ngayon ang isusukli mo ay isang malaking kahihiyan?"
Galit na galit ang kanyang Papa, nanginginig na sya sa sobrang takot sa maaaring gawin nito sa kanya.
"Rosanaaa! Mag ayos kana para makaalis na kaagad tayo."
Napaangat bigla ang ulo ni Sm at tumingin sa Papa nyang nakapamewang habang humihithit ng tabako. Samantalang nagmamadali namang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ang kanyang Mama. Sa mga nangyayari ngayon alam na nyang kalalabasan ng love story nila ni Mark. Bumalik sa kasalukuyan ang diwa nya ng may tumapik sa kanyang balikat.
"Ayusin mo nga yang sarili mo Sm nakakairitang makita yang pag iyak iyak mo dyan. ilang minuto na lang lalapag ng eroplano hindi kapa rin tapos magdrama? Naiinis na naman ako sayo hmp." Sita ni Rosana sa anak nyang mugtong mugto ng mga mata.
Kaagad na pinunasan nyang mga luha saka sinuklay suklay ng mga daliri ang gusot gusot nyang buhok. Kahit na labag man sa loob nyang umalis ng Pilipinas wala syang nagawa ng kaladkarin syang palabas ng bahay at sapilitang isinama patungong Australia. Ni hindi man lang sya nakapag paalam kay Mark, ni hindi nya matawagan o itext man lang ito kasi kinuha ng Mama nya ang cellphone na pinaka iingatan nya. Ipinikit nyang namimigat na mga mata, gusto nyang ipahinga ang sarili pero ang isipan nya ay walang tigil kakaisip sa kasintahan.
'All that I want to do is to spend the rest of my life with you. I want to wake up in the morning right next to you. Eat breakfast with you, drink a cup of coffee with you. I want to hold your hands and watch movies with you. I want to send you cute and sweet long messages. Take a nap with you. I want to look into your eyes. Be with you at sunrise and sunset. Stay up all night staring at the night sky with you. Share our deepest thoughts under the moon. Walk in the rain with you. Be with you all summer, keep you warm through the winter. I can't think of a more perfect life, I need you Mark, so please save me!'
Matapos nyang hilingin sa kanyang isipan yun, unti unti na syang tinatangay ng kanyang diwa sa dako pa roon. Yun ng huling alaala nya bago sya tuluyang nawalan ng malay.
Sa hospital na nagising si Sm at sa pagdilat ng mga mata nya ang unang tumambad sa paningin nya ay ang Mama nyang umiiyak habang ang Papa naman nya ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.
'Bakit parang mas kinakabahan at natatakot ako ngayon? Ano kayang nangyari, bakit ako nandito sa hospital?'
"Mabuti naman at gising kana. Rosana, ikaw ng kumausap sa anak mo't baka di ako makapag pigil kung anupang magawa ko sa kanya."
Mabilis na lumabas ng private room ang Papa nya kaya napabaling ang tingin nya sa Mama nyang nagpupunas ng luha. Seryoso ito at sa nakikita nyang hitsura ng Mama nya ay may kutob syang hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya. Anuba to, bakit ba hindi matapos tapos ang problemang ito?
"Bakit mo nagawa samin ito Sm? San ba kami nagkulang ng Papa mo sayo? Mali ba ang paraan ng pagpapalaki at paggabay namin sayo kaya ka nagrerebelde ng ganito?"
Halatang paghihinagpis sa boses ng kanyang Mama na lalong ipinagtaka nya. Ang alam lang nyang naging kasalanan ay sa murang edad nagmahal sya ng mas matanda sa kanya, na kaedad lang ng mga magulang nya. Yun lang naman ang naging kasalanan nya kung kasalanan ngang matatawag ang magmahal ng sampong taon ang tanda sayo.
"Isang malaking kahihiyan itong ginawa mo Sm, hinding hindi ito mapapalampas ng Papa mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko maprotektahan lang kita sa galit ng Papa mo."
"Mama, anu po bang ikinababahala ninyo? Hindi naman po ako kabit, single pa po si Mark yun nga lang sampong taon ang tanda nya sakin. Saka patawarin nyo po ako Mama kung inilihim kong tungkol samin!"
Nakita nyang pagkalito at kasiyahan sa mukha ng Ina nya pero saglit lang yun dahil kaagad na napalitan yun ng pagkadismaya.
"Sm, menor de edad kapa at nag aaral, sa nangyaring ito sayo malaking kahihiyan ang kakaharapin at sasapitin natin."
Nagtatakang napabaling ang tingin ni Sm sa kanyang Mama. Hinihintay nya itong magsalita ulit pero tila nag aalinlangan itong sabihin ang dahilan ng pag aalalang napapansin nya dito kanina pa.
"A - Anong..."
"Sm, buntis ka!"
"Po!" Parang pinagsakloban ng langit at lupa si Sm, dahil sa samot saring nararamdaman nya, at dahil dun bigla na lang syang nawalan ulit ng malay.
"Nurse! Ang anak ko, tulungan nyo!" Natatarantang napatakbo palabas ng kwarto ang Mama nya para humingi ng saklolo.
?MahikaNiAyana