I never thought that this day would come.
I have always been thinking of this scenario that one day, 'yong pinakapinagkakatiwalaan mo sa buhay mo ay mawawala. My best friend who's always there whenever I need him. I remember all those great things that we did together since the first year of college. He got other friends, you know. But he never forgets that I am his only BFF. Kinda gay for others dahil he goes with his male friends pero 'yong pinakamatalik niyang kaibigan ay babae. He was told that he should bang me 'cause this kind of friendship doesn't exist. What the heck, right? So, as his beloved best friend, I was always pushing him to go out with his male friends, like go to the club and meet girls out there or do sports with them. Pero mas gusto niyang kasama ako. Mas gusto niyang safe ako kaya kahit ayaw niya ng KDrama ay sinasabayan niya ako. At sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil ngayon ko na-realize na mahal niya nga ako. Ang tanga ko for thinking na he's just really nice. After the very first day na sinamahan niya akong manood ng KDrama kahit nahuhulog na yung ulo niya dahil sa antok, sobra kong na-appreciate yon dahil bukod kay Liz, wala nang gumawa noon kundi siya lang. That was the time na pinagkatiwalaan ko siya with all my heart. In-open ko lahat sa kanya. Yung tungkol sa nangyari kay Liz and my struggles after that incident. Pati na 'yong family problem ko, I told him everything. I thought he would just listen to reply-- which annoys me to death, but I was wrong. He listened and he understood. Since that same day, he would make sure that I'm okay. Hindi ko alam na may mag-eexist pa palang ganoon na tao.
Ngayon ko na-realize na sobrang selfish ko dahil kahit hindi naman ako aware ay parang I took him for granted, 'yong pagmamahal niya sa'kin bilang kaibigan ay higit pa sa kaibigan.
Kaya heto ako ngayon, crying like crazy dahil umalis na siya dahil sa heartache na ako ang may gawa. Double kill. He never told me, though. Not until the day he left for good. That's his problem.
I told him that I will wait for him, maybe... just maybe pwede? I'm not sure but... I want to wait for him to come back. I already miss the feeling of being safe when he's around. I miss my best friend already. I want to call him pero I know that would be unfair on his part. Kaya nga siya lumayo para makalimutan ang nararamdaman niya sa'kin and eventually have a life.
Maybe I should be doing something now. Yung may kabuluhan. Sure akong magagalit si Jer kapag nagmukmok ako.
That's what you're doing now, I told myself.
Great, I'm talking to myself again. Ugh. Nagpagulong gulong ako sa kama ko at niyakap ang unan ko.
It's been a week since he left.
At sa loob ng week na yon ang dami kong narealize. Ang sakit-sakit na ng ulo ko kakaisip at pati na ang mata ko kakaiyak. I look like a zombie na katulad sa Train to Busan. My gawd. I never left my room. Wala na si Jer. Mukmok all day. May one week pa naman bago magsimula ang second semester.
And that means, college life without Jer.
I sighed heavily.
I guess this Semester will be really tough.
Dumapa ako sa kama and then I opened my f*******: account. I browsed my Newsfeed and wala namang bago sa mga posts until I saw this post from Dane.
Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
That guy!
Nakalimutan ko na may ni-post pala siyang picture ko nung nasa Café kami. My gawd! Bakit ko nakalimutan 'yon?! Ang daming likes, like, one hundred fifty, dahil sa filter at angle ng pagkaka-capture niya.
Magaling palang mag-edit ang taong 'to.
'Hey, Lia! Ano ba! Galit ka sa kanya 'wag kang magpalinlang sa pag-edit niya sa picture! My gawd!'
Yeah, right! Ang romantic ng pagkaka-edit, and yes, cute, oo na! Nakakabwisit talaga 'yong taong 'yon. Bakit ba kasi ako pa ang pinagti-tripan niya?! Ang gulo-gulo na nga ng buhay ko sasali pa siya!
Inayos ko ang pagkakadapa ko at sinimulang i-search ang pangalan niya sa chatbox.
He's online! Good!
I clicked his name at nagsimulang mag-type. Sa sobrang bigat ng pagta-type ko ay pwede na sigurong magsisitanggal ang mga letters ng keyboard ko.
To: Dane
DANIEL MARIANO, WILL YOU DELETE THAT POST?
Yes, capslock para maramdaman niya na sobrang nanggagalaiti ako sa kanya.
Wala pang limang segundo nang mag-reply siya. Attentive.
From: Dane
Wow, you called me by full name. So sexy ;)
Which one, babe?
From: Me
BABE YOUR FACE! Yung kinuha mo sa cafe! Delete it now!
From: Dane
What if ayoko?
From: Me
What if suntukin ko ulit mukha mo?
From: Dane
You're so sweet, babe ;)
The heck? Anong problema ng taong 'to? My gawd! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa taong 'to!
Nagchat siya ulit.
From Dane:
Hindi ka na nga sumipot sa bahay, eh:(
What? I don't remember anything na kailangan kong pumunta sa kanila. What for? And hindi ko alam ang bahay niya, duh? Nag-iisip ba siya? I rolled my eyes tuloy.
I sighed. Here I am again. I mean, I don't know but, whenever I talk with this conceited person hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-roll eyes.
From: Me
What are you talking about?
From: Dane
My mom.
From: Me
Ohh.
From: Dane
Yun lang ang masasabi mo?
From: Me
What do you want me to say?
From: Dane
Bakit ka ba ganyan?
Wow, ako pa talaga ang tatanungin niya, eh, siya itong magulo! Nanggugulo siya sa buhay ko!
From: Me
Idk
Hindi ko kailangang mag-explain sa kanya. Kung tutuusin wala siyang lugar sa buhay ko. I'm too stressed para pansinin pa siya. Pero anong magagawa ko? Nasa kanya ang notebook ko na buong buhay ko ay nandoon.
From: Dane
Haha. Hindi mo ba alam na ang cute mo? ;)
The heck?
From: Me
Alam mo, wala akong panahon sa mga trip mo ha, kaya please lang, tigilan mo na ako. Delete mo yung post na yon at ibalik mo na ang notebook ko. Ano bang ginawa ko sayo ha? Bakit mo ba 'to ginagawa sakin? Madaming mga babae sa school maghanap ka na lang ng ibang mapagti-tripan, okay?
Nilalabas ko na ang katarayan na meron ako sa katawan ko kaya please lang tablahan ka na, please. I told myself.
Ine-expect ko na mag-re-reply siya ng mabilis pero dumaan ang twenty minutes, thirty, to almost one hour na pero wala. Pero online naman siya.
Binuksan ko ang profile niya. Baka kasi binura na niya ang post. Hanggang sa mapunta na ako sa end ng mga posts niya ay hindi ko na nakita 'yong picture ko.
Hay, salamat!
Nawala na 'yong konting kaba ko dahil naalis na 'yon. Maayos naman din pala siyang kausap
Kahit papaano.
Then, I typed Jer's name sa search box to see kung ano nang nangyayari sa kanya sa Canada.
Sadly, wala pa siyang post.
And hindi pa siya nag o-online since no'ng araw na umalis siya. Wala na akong balita sa kanya and it hurts. Ngayon ko lahat nararamdaman yung bigat sa pakiramdam.
I miss him so bad.
Bago ko pa man punasan ang luha ko ay may nagpop-up na notification sa'kin.
Pagkabukas ko, it's from Dane.
Ano na naman ito? Nararamdaman kong hindi ito maganda. Kahit ayaw kong makita, kusang ni-click ng kamay ko ang notification. At sana pala pinigilan ko ang kamay ko.
I think I'm going to explode.
As I read the post, I wanted to murder my laptop if posible man dahil sa sobrang inis.
Dane just posted that I'm in a relationship with him.
And I think that's bullcrap.