Chapter 2

1060 Words
"Part of every misery is, so to speak, the misery's shadow or reflection: the fact that you don't merely suffer but have to keep on thinking about the fact that you suffer. I not only live each endless day in grief, but live each day thinking about living each day in grief." — C. S. Lewis ~*~ Dalawang salita.  Naging seryoso ang mukha niya nang sabihin niya iyon na nagpatigil sa akin. Napadapo ang titig ko sa kanyang mga mata. Ang ganda ng mga ito na parang gusto kong magpakalunod sa kanyang tingin.  But then, how could I trust him kung sarili ko mismo 'di ko mapagkatiwalaan? "No," I answered. I only trust one person, and that's Liz. But she's gone. Si Jeremy na lang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon. "'No' means yes," aniya at ngumiti pa! Oo, may appeal siya pero nakakainis ang kanyang kanyang kapreskuhan! "Who the heck told you that 'no' means 'yes'?" I asked.  "Me?" sagot niya na parang hindi pa sigurado sa kanyang sagot. And for the second time around, I rolled my eyes. Sige papayag na ako, ayoko ng makipagdiskusyon pa sa taong 'to. "Oo, sige na! Payag na ako, pwede mo na ba akong bitiwan?" naiinis kong sabi. "Good," he said convinced. Tinanggal niya ang sarili sa pagkakayakap sa'kin at saka tumayo. "Give me your number." Inilabas niya ang kanyang smart phone sa bulsa niya at ibinigay sa'kin. "What?" I asked in disbelief. Did I just hear him right? 'Di kaya isa 'tong f*ckboy? Bakit ba kasi dumadami ang mga lalaking gano'n! "Ayoko, I don't give my cell phone number especially sa mga f*ckboy." At bigla na lang siyang tumawa ng malakas. As in tumawa talaga. Napahawak pa siya sa tiyan niya at napaupo pa. Mukha siyang ewan, seriously. "Just put your number in," natatawa pa niyang sabi. Hinablot ko sa kanya ang phone at saka mabilis na ni-type ang phone number ko. "Number mo talaga nilagay mo diyan, ah. I'm expecting replies kapag nag-text ako, clear?" anito. Aba! Who does he think he is?! He's getting on my nerves, ha! Sinamaan ko lang siya ng tingin at ibinalik na sa kanya ang phone. "Your name, Miss?" "Lia." Ni-save niya ang name and number ko sa phone niya pagkatapos ay tiningnan niya ako. "I'm Dane," pakilala niya and then he smiled at me. It was so refreshing to see.  Ngumiti siya sa'kin? What the heck is wrong with me? Bakit ako natutulala? "Again, I'm going to text you. And I'm expecting replies," aniya at biglang nawala ang spell. "You're such a bossy, weird creature alam mo 'yon?" asar kong sabi sa kanya. "You mean, bossy, handsome creature? Yes." Bago pa ako makasagot, hinila na niya ang kamay ko at pinababa ako sa roof deck, pagkatapos ay ni-lock niya ang pinto para 'di ako makalabas do'n ulit. He's so weird! Bago pa ako bumaba ay nakita ko si Jeremy sa ibaba ng hagdan sa 6th floor. "Lia!" tawag nito sa'kin. Bumaba naman ako agad. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "God! Where were you?! Pinag-alala mo ako!" Napakagat labi na lang ako. "Jer..." "Look at yourself! Mukha kang ni-rape!" sigaw nito. May mga dumadaan na estudyante na nakarinig sa kanya kaya naman hinila ko siya at inilapit sa'kin. "Ang ingay mo, akala tuloy nila na-rape talaga ako," bulong ko. Nakita ko 'yong mga estudyante na pasulyap-sulyap pa sa'min at nagbubulungan. "Totoo naman! Pumunta ka muna sa comfort room at mag-ayos, hihintayin kita." Hinila niya ako at dinala sa pintuan ng comfort room. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Pagkaharap ko sa salamin ay masasabi kong mukha nga akong ni-rape na binagyo pa. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na. Nakita kong naghihintay si Jeremy sa tapat ng comfort room. "Here, dala ko na ang bag mo. Maagang nagpa-dismiss si Sir. May binigay lang siyang report na gagawin next week," aniya. Kinuha ko ang bag ko sa kanya at tumango sa sinabi niya. "Jer," tawag ko habang nakanguso. Akala mo batang may ginawang kasalanan. "Oh?" wala sa mood niyang sagot. "'Pag nawala ba ako, iiyak ka?" "Hindi, tatawa ako," sarkastiko niyang sabi, "Malamang iiyak ako!" "Jer naman..." Bigla siyang naging seryoso, ayoko ng seryosong Jeremy. Nakakailang kase. Lalaki pa rin naman kasi siya kahit na best friend ko siya. "I will never forgive myself kapag may nangyaring masama sa'yo." Napayuko ako sa sinabi niya. He's just making things harder for me. "Jer..." "Lia, gutom na ako," pag-iiba niya ng tanong. I know he's done talking something negative. Kinuha niya ang bag ko at sinukbit sa balikat niya." "Tara na," wala sa mood na sabi niya.  Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya sa Cafeteria. Nang makaupo ay nakita ko na naman si Dane sa kabilang table malapit sa table namin ni Jer. He was just three tables away from ours. Nasa bandang kanan ang table nila while nasa gitna naman ang sa amin ni Jer. Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti na para bang nang-aasar. Kainis! Lalo tuloy nasisira 'yong araw ko. Pero siya 'yong rason kung bakit buhay pa din ako ngayon. Kung bakit nagkaroon ako ng isa pang rason para tulungan ang sarili ko. Kung hindi niya ako pinigilan, baka sinisisi na ni Jeremy ang sarili niya ngayon kung sakaling natuloy 'yong pagpapakamatay ko kanina. Naramdaman ko 'yong pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko. May nag-text from an unknown number. From: 0915*******  You look just fine now. Alam ko na kung kanino ang number na 'to. Tumingin ako sa gawi ni Dane at tama nga ako. Ni-wiggle niya ang dalawang kilay niya sa'kin. He's so weird. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan si Jer na kasalukuyang nakapila para bumili ng pagkain namin. Nag-vibrate na naman ang phone ko. Tiningnan ko ito. From: 0915******* Smile :) Napatingin agad ako sa gawi niya pero wala na siya pati na ang mga kasama niya. Dane, sino ka ba talaga? Tanong ko sa sarili ko. I'm starting to think kung bakit ako pa ang napagtrip-an niya. Pero ang tanong, pinagti-trip-an ba talaga niya ako? Honestly, hindi ko din alam. Ni-save ko ang number niya at ni-replyan siya. To: Dane Thank you for saving me earlier.  Gusto ko pa sanang dagdagan pero 'wag na lang. Mabait naman siguro siya at wala na sa kanya 'yon. Wala pang one minute nang mag-reply siya. From: Dane I don't accept "thank yous" What?! Another 2 messages from him. Meet me tomorrow. 7am At the Central Park Nag-text ako kung bakit at kung para saan at anong gagawin pero natapos ang buong araw na walang reply galing sa kanya. Nakauwi ako ng bahay na napapaisip pa din. Wala sila Mommy at Daddy dahil parehong nasa work. Hinanap ko kaagad ang notebook ko sa bag pero hindi ko makita. Nasaan na 'yon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD