CHAPTER 5

2300 Words
PALABAS NA NG bahay si Gianna nang makasalubong nya ang bunsong kapatid. Nang tingnan ito mula ulo hanggang paa, masasabi nyang kagigising lamang nito dahil sa gulo-gulo ang buhok at nakasando lang. "Geoff," tawag nya sa kapatid. Tiningnan lamang sya nito saglit tapos humakbang na muli palabas papasok pero agad nya itong hinawakan sa braso. Huminto ito at nang magsalubong ang kanilang tingin, napansin nyang namamaga pala ang mga nito at namumula. "Mag-usap tayo," aniya dahil tila kinurot ang kanyang puso. "Ate, kung sesermunan mo lang ako dahil sa pagiging bakla ko, please naman. Bukas na lang. Quotang-quota na ako kay mama," ani Geoff. Bahagyang pumiyok ang boses nitong malambot na ngayon. Ngayon lang nya narinig ang ganitong boses nito at doon na sya napaluha. Mabilis nya itong niyakap. Mahigpit. Ang bigat ng pakiramdam nya, hindi lang para sa kapatid. Dahil na rin siguro sa nararamdaman nya para sa kapwa babae. "A-ate," ani Geoff na halatang nagulat. "Mag-usap tayo, huwag kang mag-alala. Tanggap kita, Geoff. Tanggap ka ni ate." Sa sinabi nyang iyon, tila kinalabit ni Gianna ang gatilyo ng pagtitimpi ni Geoff na huwag maiyak. Naramdaman na lang din nyang umiiyak na ito at gumanti ng yakap. Mas mahigpit at tila sa kanya nilalabas ang lahat ng sama ng loob. Tinapik at hinagod nya ang likod ng kapatid para ito kumalma. Naluluha pa rin sya pero iba ang kay Geoff, hagulgol. "It's alright, Geoff. Labas mo lang iyan. Nandito si ate para makinig sa'yo," aniya rito. Awang-awa sya sa kapatid nya. Hindi nya alam kung paano mapapagaan ang loob nito kahit sinabi nya ritong tanggap nya ang pagkatao nito. "I'm sorry, ate. Hindi ko naman ginusto na maging bakla ako. I mean, eto na talaga ako. Wala na akong magawa at hindi ko naman mapipigil kung magmahal man ako ng kapwa ko lalaki," ani Geoffrey habang maluha-luhang nagsasabi sa kanya. Napagmasdan nya maigi ang kapatid. May iba nga rito sa paraan ng pagsasalita. Malambot at mahahalatang iniipit ang boses. Ngumiti sya saka marahang tumango. "Naiintindihan ko. Hayaan mo na lang muna si Mama." Awa ang nangingibabaw ngayon kay Gianna para bunsong kapatid. “Salamat, ate. Sa totoo lang, natatakot akong aminin `to kay mama dahil alam kong ayaw niya ng ganitong klaseng kasarian. She hates gays, you know that,” ani Geoffrey kaya napabuntong-hininga na lang siya. Tinapik niya ang likat nito saka niyakap ito ulit. “Don’t worry. I am here for you. Hindi ka nag-issa sa ganitong problema, okay? Kakausapin ko si mama para malinawan sya tungkol sa ganitong bagay.” Thank you so much, ate. Salamat kasi naiintiindihan mo ako. Si mama, halos siumpa at pandirihan ako kanina.” Muli na namanj itong umiyak. “Maybe because she was shocked, Geoff. But I know, she will understand your situation someday.” Hindi nya alam kung paano pakakalmahin ang kapatid. Kahit kasi sya ay awalang ideya pa sa ngayon kung paano mapapayag ang ina. "NANDITO NA ako," aniya nang makapasok sa bahay. Madilim na sa labas kaya bukas lahat ng ikaw sa condo nya. "Candy?" "I'm here!" sagot ng kaibigan nya habang kumakain ng strawberry flavored na yema. Natuon ang atensyon nya sa kinakain nito. Wala na kasi syang stock noon sa ref. Nakakatawa mang isipin, sa loob ng dalawang linggo na walang paramdam si Arisia, hindi sya bumili o tumikhim man lang nito. "Do you want some?" tanong ni Candy pero umiling lamang sya. "Himala!?" "Shower lang ako," aniya. Wala sya sa mood para makipagkulitan sa kaibigan. Masyadong na-drain ang utak nya sa rebelasyong nalaman tungkol sa kapatid nya. "Ayos ka lang?" tanong nito muli habang naglalakad pasunod sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad saka hinarap ang kaibigan. Naiinis sya pero alam nyang hindi tama na dito nya ibuntong ang inis na nararamdam. "Yes, I'm okay. Pasensya na, pagod kasi ako sa byahe tapos may problema pa sa bahay." "Bakit? Anong nangyari?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Naglakad ito papasok sa kwarto nya habang sya nanatili sa entrada ng pinto. "Geoffrey is gay," aniya saka nag-iwas ng tingin sa kaibigan. "For real?" "Yes." "Ay sayang! Ang gwapo pa naman ng kapatid mo na iyon! P'wedeng pang-Mr. Unirverse!" Hindi umangal doon si Gianna. Totoo naman kasi. Gwapo si Geoffrey. Maganda rin ang katawan. Sa unang tingin, hindi mo aakalain na binabae ito. Hindi kasi ito gaya ng ibang Gay na babae manamit at may pustura. Mabango rin tingnan ito kaya maraming nagkakagusto rito. "Ano nga pala sabi ni Tita? Oh my God! Nagalit?" Umupo sya sa tabi nito saka dahan-dahang inilapat ang likod sa kama. "Hindi lang basta nagalit. Mom was really shocked. Halos isumpa na nga ang kapatid ko." Lumapit si Candy sa kanya. Tiningnan nya ito. "Bakit?" "Kumusta si Geoffrey? For sure, nahihirapan sya ngayon." Bumangon sya saka tumayo. Naglakad sya papunta sa cabinet at humugot doon ng damit pantulog. "Iyak nang iyak. I was planning to ask him if he wants to stay here. You know, he's still my brother after all." "Ay oo. Dito na lang sya para naman marami tayo rito." "Yes, don't worry. I'll talk to him tomorrow." "Anyway, tumawag si Mitos. Tomorrow is her birthday remember? Mag-cecelebrate sya at invited tayo," ani Candy. "Oo nga pala, `no?" Nag-isip sya. "Teka, saan at anong klaseng celebration ba?" "Alam mo namang clubbing ang gusto ng kaibigan natin iyon," ani Candy na bakas sa mukha ang pagka-excite. "Ayoko yata sumama. Parang hindi ko magagawang magsaya habang may problema yung kapatid ko." Bigla syang sinipa ng kaibigan. "Hey! Ano ba yang pinagsasabi mo? Edi isama natin si Geoffrey. Saka huwag kang kill-joy!" "Candy, don't tell me gusto mo sumama to think that you're pregnant?" Nakapameywang nyang tanong. Ang pagkakangiti ng kaibigan ay unti-unting napalitan ng pag-nguso habang nag-puppy eyea pa. "Hindi naman ako iinom do'n. Juice lang. Promise!" "Kahit na. Mapapagod ka lang, bruha ka!" "Hala! Sige na. Punta na tayo. Saka mukhang masaya iyon. Namimiss ko na ang buhay dalaga ko," ani Candy habang nagmamaktol. "Hindi ka na dalaga. You're going to be a mom." "Gianna, look, maliit pa ang tyan ko. Gusto ko munang magsaya habang hindi pa halata itong baby bump ko. Please, punta na tayo." Huminga sya nang malalim bago nag-isip. It's Sunday tomorrow. Rest day nilang magkakaibigan at napaisip sya na siguro naman, she deserve to unwind. Isasama na lang nya ang kapatid para naman hindi sya ma-guilty. "Gianna, please..." "Oo na pero mag-behave ka roon. Huwag ka masyado gagalaw at huwag iinom. Sasabunutan kita roon!" Natawa silang magkaibigan dahil sa sinabi niya. "ATE, ARE YOU sure okay lang sa'yo na mag-stay muna ako sa condo mo? Hindi ba nakakahiya?" ani Geoffrey habang naglalakad sila papasok ng loob ng condominium. Bago sya sumagot, natuon ang paningin nya sa Clover Cakes and Pastries Shop. Mabilis na pinasada nya ng tingin ang buong kabuuan ng shop. Gaya pa rin ng dati, matao pa rin ang lugar na iyon. "Ate, nakikinig ka ba?" tanong ng kapatid nya habang hila-hila ang maleta nito. Ngumiti sya sa kapatid. "Oo naman. Welcome ka sa unit ko. Para kang sira! Let's go!" Umabrisyete sya ng kapit sa braso ng kapatid saka nagsimula silang pumasok sa elevator. Malapad ang ngiti ni Candy nang makapasok sila sa loob ng condo unit. May pagkain na rin na nakahanda sa mesa nila dahil tanghalian na. "Welcome home, Geoff!" sigaw pa ni Candy. Natawa lang si Geoffrey bago yumakap dito. Magkakilala ang dalawang ito dahil na rin sa tagal nilang magkaibigan. "Aba, nagluto ka yata!?" tanong nya sa kaibigan. "Oops! Hindi ako nagluto nyan. Umorder lang ako." Natawa pa ito saka nag-flip ng buhok. "Alam mo na wala akong talent sa kusina." "Maiiyak na sana ako rito, Ate Candy dahil nag-effort ka pa. Hindi naman pala ikaw ang nagluto." "Hoy, at least ako nag-ayos ng table tapos isipin nyo rin sana ang kasabihang 'It's the thought of count'. Mga bsiwit kayo!" Natawa ito sa biro sa kanila. Natawa rin sya pero doon biglang may umagaw ng atensyon nya. May paperbag ng Clover Cakes and Pastries Shop sa table. Naglakad sya palapit dito pero hindi pa man nya nahahawakan iyon ay nagsalita na si Candy. "Arisia gave those sweets kaya sakto, may desserts na rin tayo." "Who's Arisia?" tanong ni Geoffrey. Sumimangot sya. Nakaramdam sya ng inis para sa babaeng iyon. Pero bahagyang uminit ang puso nya dahil sa kaalamang nagpunta rito iyon. "Pinsan ko iyon. Sya may-ari ng pastry shop sa lobby." "Really?" "So anong oras daw tayo pupunta sa venue?" Pag-iiba nya ng usapan. Masama ang loob nya para sa babaeng iyon. Ewan ba nya. Wala naman syang karapatan na makaramdam nang ganoon pero hindi nya rin alam kung ano ang nangyayari sa kanya. "Venue?" nagtatakang tanong ni Geoffrey. "Hindi ba nabanggit ng ate mo na magbabar hoping tayo?" "Hindi pero talaga? Oh my God! I would love that idea! So marami bang boys?" "I hope so!" nakangising wika ni Candy. Natawa ang dalawa habang si Gianna, masama ang tingin sa dalawa. Pinaningkitan nya ang mga ito pero imbis na tumigil, mas lalo pang na-excite ang dalawa. "Hay, naku. Mga mukha kayong lalaki!" "Mukha ka namang babae!" ani Candy. Halatang nagbibiro pero tinaasan nya ito ng kilay. "Joke lang! Tara na nga. Kumain na tayo!" Nagsimula na silang kumain at halata sa kapatid ni Gianna na masaya ito. Lihim nyang pinapanalangin na sana ay palagi itong masaya at walang problema na dinadala. "WHAT DO YOU think I should wear? Itong red or blue dress?" tanong ni Candy habang hawak ang dalawang damit nitong mga naka-hanger. Muli sya humigop ng kape habang nakatingin sa mga iyon. "I prefer the blue one." "What? No. Ate Candy, red look more sexy. Iyan ang suotin mo," ani Geoffrey habang nagsusuot ng relo. Naka-poloshirt ito at maong pants. Ang gwapo nito kaso iyon nga lang, may pusong babae. "Geoff, she's pregnant." "So what, ate? Hindi pa naman halata ang tyan ni Ate Candy. I mean, look at her. Sexy pa rin kahit buntis." Nag-post pa si Candy na animo model. Well, hindi nya maitatanggi iyon. Sexy pa rin ang kaibigan nya at maganda rin ito. Bukas sa taglay nitong makinis na balat, hindi rin biro ang taas nito na animo isang modelo. "Thank you, Geoff," maarteng wika ng kaibigan nya. "But still, kailangan nya magsuot ng damit na maayos para hindi sya lapitan ng mga lalaki. Kayong dalawa, magbait kayo roon!" "What!?" sabay pa ang dalawa sa pagsabi noon. "Oh, bakit? Pupunta tayo roon kasi birthday ng kaibigan natin. Hindi para manglalaki!" aniya saka pumasok sa banyo para magbihis. Narinig pa nya ang pag-angal ng dalawa sa labas kaya napangiti sya at napailing. Hindi malayo ang restobar na pagdarausan ng birthday party ni Mitos. Malapit lang sa condo ni Gianna kaya agad silang nakarating doon. "Mabuti naman at nakarating kayo. Balita kasi nitong si Candy, wala ka raw plano!" ani Mitos na bahagyang malakas ang boses dahil sa lakas ng tugtog. "Yes, may problema kasi kami sa bahay pero huwag ka na mag-inarte dyan. Nandito na nga kami, oh!" aniya bago sumimsim ng cocktail drink. "Well, kungsabagay! Anyway, ang gwapo ng kapatid mo, ah!" "Bakit? Type mo ba?" Natawa lang ito saka umiling. "I know he's a gay." "Really? Paano mo nasabi?" "Look at him talking to Josh. Mukhang magkakasundo ang dalawang iyan." Doon nya pinagmasdan ang kapatid. Masaya ito habang nakikipag-usap kay Josh na isa pa nyang kaibigan. Tila iisa ang nasa utak ng mga ito habang nakamata sa ilang mga kalalakihan. Umiling na lang sya habang muling lumalagok sa hawak na kopita. "Where's Candy?" tanong ni Mitos sa kanya. Noon lang nya naalala ang kaibigan. Kanina pa ito wala sa tabi nya. Nagpaalam lang ito kanina sa kanya na pupunta sandali sa CR pero hindi pa rin bumalik. Bumangon ang pag-aalala nya para dito. Agad syang nag-excuse kay Mitos at lumapit sa kapatid. "Geoff, where's Candy?" "I don't know, ate. Kanina nakaupo lang sa tabi mo, e!" Hindi sila halos magkaintindihan dahil sa lakas ng tugtog. "Check ko lang sya sa rest room." Kaagad syang nagtungo sa lugar kung saan posibleng nandoon ang kaibigan. Madilim at iilan lamang ang liwanag ng ilaw ang nagtatanglaw sa daanan nya papunta roon pero pilit nyang nilinawan ang paningin. Mayamaya pa, nakarating na sya sa hallway papuntang rest room pero agad din syang napatigil nang makita nya roon si Candy. Kausap nito ang dating boyfriend nito at tila nagtatalo. Hindi nya marinig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero base sa mukha ni Candy, halatang galing ito sa pag-iyak. Humawak ang kamay nito sa magkabilaang braso ni Bryle pero laking gulat nya nang malakas nitong kinawala ang sarili sa pagkakahawak ni Candy. Dahilan upang muntik na matumba ang kaibigan nya. Nagsimula na umiyak si Candy pero umatras lang si Bryle. Kitang-kita ni Gianna kung paano habulin ng kanyang kaibigan ang ex nito at napamura na lang sya nang malakas nang itulak nito nang malakas si Candy. Pabalyang bumagsak sa sahig na tiles ang kaibigan nya kaya napatakbo sya. Umiiyak si Candy sa sobrang lakas ng pagkakasaldak nito. "Bryle! Let's talk!" "Candy, stop it! Tama na iyan. Nasaktan ka ba?" tanong nya habang inaalo ang kaibigan. "Sinabi kong tapos na sa atin ang lahat, Candy! Huwag kang makulit! Lubayan mo na ako!" ani Bryle saka tumalikod at basta na lamang silang iniwan. "No, Bryle!" "Candy, that's enough! Tama na—s**t!" Napamura na lamang si Gianna nang mawalan ng malay si Candy. Tinapik-tapik nya ang pisngi nito pero mas lalo sya nanigas sa kinauupuan nang makitang may pulang likido ang mayroon sa hita at binti nito. "f**k!" mura nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD