Kinabukasan maaga akong nagising para sa pagpunta sa bahay ni Fuentebella. Katakot-takot na pagsisinungalin ang nagawa ko. Hindi ko kasi puwedeng sabihin na pupunta ako sa bahay ng isang lalaki para maging katulong. Dahil sumpa nito. Baka hambalusin lamang ako ni tila Mel. At sure akong kapag nalaman nito ang aking plano ay katakot-takot na sermon ang abutin ko rito. Kaya ang tanging palusot ko lang ay magbabakasyon ako upang marelax ang utak ko. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa harap ng bahay ni Zach Fuentebella. Medyo naiinis ako dahil sa trapik. Nag-iisip pa nga ako kung magdo-door bell ba ako, oh, babalik na lang pauwi sa amin? Nakakainis naman kasi gagawin pa akong katulong ng letseng lalaking iyon. Mayamaya pa'y biglang bumukas ang gate at nakita kong binuk