Lumipas ang mahabang oras sa paglalaba ko ng manu-mano. Pakiramdam ko'y sobrang sakit ng aking likod. Pero kailangan kong tiisin para mawala na ang sumpa sa akin ni Zach Fuentebella. Pagkatapos kong isampay ang mga damit na nilabhan ko ay agad naman akong nagpahinga. Parang hapong-hapo rin ako. Medyo ipinikit ko pa nga ang aking mga mata para makapag relax ako. Hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Subalit bigla akong napabalikwas nang bangon nang maramdaman kong mayroon lumapat sa aking labi, 'di ko lang sure kung labi ba iyon. Pero sobrang bilis naman ng pangyayari. Wala naman tao rito sa likod bahay. At tanging ako lamang ang nandito. Habang nakahiga sa mahabang upuan. Bigla rin akong nagtaka kung bakit nakahiga na ako? Eh, samantalang nakaupo ako kanina. Baka bumag