"Ahh!" sigaw ko. Dahil sobrang sakit ng ulo. Peste! May hang over na naman ako! Sabay hilot sa akin noo. Gumalaw ako para bumangon mula sa aking pagkakahiga sa sofa. Subalit parang may nadama akong kaunting kirot sa aking perlas. Bakit parang namanhid yata ito? Ano bang ginawa ko kagabi? Kaya para makasiguro ay dali-dali akong tumayo para magpunta sa banyo. Agad kong tiningnan ang aking underwear. Baka magkakaroon na ako ng buwanang dalaw. Pero wala naman akong makita kahit kaunting dugo. Para mahind lang ito. Kaya naman nagdesisyon na lamang akong maligo. Para maalis ang aking hang over. My Gosh! Dalawang gabi na magkakasunod na panay ang inom ko. Ang masama pa'y wala man lang akong matandaan kung ano ang nangyari kagabi. Tinulugan ko pala si Mangkukulam dahil sa aking kalasingan. S