Pawis Na Malapot 26

1610 Words

"Boss Zach, nakikita mo naman siguro na may dala akong tray, 'di ba? So, bakit nagtatanong ka pa?" asar na asar na sabi ko kay Mangkukulam. "Bilisan mo! Dahil gusto kong kumain ng tahong!" bulalas nito sa akin. "Okay, Boss Zach," tanging sagot ko na lamang sa lalaki. Para wala nang gulo at hindi na humaba pa ang usapan. Pagkatapos ay agad akong lumabas ng silid. Hindi rin naman ito umimik pa. Hanggang sa makarating ako sa kusina. "Manang Rose, tahong po yata ang gustong ulam ni boss Zach," pagbibigay alam ko rito. Nang makita ko ito. "Tahong? Sigurado ka ba, hija? Ang alam ko'y hindi iyon kumain ng tahong," sagot naman niya sa akin. At tila gulat na gulat. "Ha? Eh,'yun daw po ang gusto niyang kainin, Manang Rose. Mas maganda po siguro kung ibibili na lang siya ng gusto niyang ulam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD