I was busy unwrapping the gifts I received yesterday with Doreen here in my room. Sa sobrang dami kong natanggap na regalo ay nangalay na ang mga daliri ko sa kakapunit sa mga wrapper. Mostly sa mga regalo na natanggap ko ay mga damit. They were not from some known brands, but I didn't mind.
Ang importante sa akin ay iyong nag-effort sila para lang may maibigay sa akin. Hindi naman kasi marangya ang buhay ng karamihan dito. They were thriving just to make ends meet.
Kinuha ko ang isang regalo na pa-square at binasa ang nakasulat sa card. Kinusog ko pa ito para sana magkaroon ng ideya kung ano ang laman ngunit wala akong narinig na tunog.
Nakangiti ko iyong binuksan ngunit kaagad rin na nabura ang mga ngiti ko. Naramdaman ko ang init sa mga pisngi ko dahil sa laman.
"Really?" Natatawa kong sabi habang nakatingin sa pangalan na nakasulat sa box.
Narinig ko ang malakas na halakhak ng kapatid ko. Hindi ko na rin kailangan buksan ang box para makita kung ano ang nasa loob dahil alam ko na. At alam na rin paniguradado ni Doreen kung ano.
"Sino ang nagbigay niyan?"
Muli kong tiningnan ang card na nakadikit sa wrapper.
"Lola Ester." Sabay kaming tumawa.
Siya iyong matanda naming kapit-bahay na madalas kaming ipagwalis ng bakuran. Anak rin niya ang nag-aasikaso ng mga gawaing bahay dito.
But damn! Bakit kaya niya ako naisipang regaluhan ng panty? Isang dosena pa talaga! Kung tutuusin ay pricey ito para sa kanya.
Maayos naman iyong mga undies ko, ah? O baka may nakikitang butas si Ate Cynthia kapag naglalaba siya tapos ikinwento niya sa mama niya? Gosh.
Naiiling kong itinabi ang box saka muling nagbukas ng iba pang regalo. Dinampot naman ni Doreen ang isang regalo na namumukod tanging maliit.
"Hmm... who is this from?" Tiningnan niya ang magkabilang side ng regalo. Siguro hinahanap niya kung kanino galing.
"Walang nakalagay?" Umiling ito.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at ipinagpatuloy ang pabubukas sa iba pang regalo. Iilan na lamang ang mga hindi namin nabubuksan. Ang kalat-kalat na nga sa sahig nitong kwarto dahil sa mga gift wrappers.
"Oh, my gosh! Aisla, look!" Excited na sabi ng kapatid ko.
Bahagyang umawang ang mga labi ko habang nakatingin sa hawak niyang box. Corn blue ang kulay no'n at pamilyar ang naka-engraved na pangalan sa box.
"Ariel... Gordon..." usal ko sa hindi makapaniwalang tinig. Medyo kumabog rin ang dibdib ko.
"Yes! And oh... a pair of earrings! Wow!" Inabot niya sa akin ang lalagyan na agad kong kinuha.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi nang makita ko ang disenyo ng mga 'yon. Kaagad kong kinapa ang singsing na ginawa kong pendat ng kwintas na suot ko dahil katulad nitong singsing, Love Knot rin ang disenyo.
Isang tao lang ang nabibigay sa akin ng alahas na may gano'ng disenyo. At sakto pa na parehong brand ang pinagbilhan. s**t! Kanino ba galing ang mga 'to?
"Walang nakalagay kung kanino galing?" Curious kong tanong at medyo kinakabahan na.
Muling kinuha ni Doreen ang pinunit na niyang wrapper saka sinuring mabuti.
"Wala, eh. Napaka-generous naman no'ng nagbigay niyan. Baka manliligaw mo na, ha?" Asar nito. Pilit akong ngumiti saka umiling.
Imposible namang sa kanya galing 'to? Eh, 'di sana, sinabi ni Terrence sa akin kung siya nga? Tsaka, paniguradong hindi naman iyon magsasayang ng oras para sa akin. Bakit ba siya ang unang pumasok sa isip ko? Tsk.
"I'll ask Kuya about this. Baka sa kanya inabot 'to kahapon."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at lumabas na ng kwarto. Hinanap ko si Terrence dito sa loob ngunit hindi ko siya makita kaya lumabas ako.
Agad akong lumapit sa kanya nang makita ko siyang sinusuri ang sasakyan niya habang naninigarilyo.
"Kuya," tawag pansin ko.
Lumingon ito sa akin nang may pagtatanong ngunit kaagad ring kumunot ang noo niya nang mapatingin sa mga paa ko.
"Where are your slippers, Aisla?" Tanong nito na parang napaka-big deal na wala akong suot na tsinelas ngayon.
"Do you know who this is from?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Itinaas ko rin ang hawak ko. Pati iyong wrapper ay dinala ko na rin baka sakaling matandaan niya kung kanino ito galing.
Kumunot ang noo nito saka umiling. "Walang pangalan?"
"Wala, eh." Kinagat-kagat ko ang inner cheek ko.
"I don't know. You got plenty of guests yesterday. I don't recall who gave that." Humithit pa ito sa sigarilyong bago itinapon. "Ano ba 'yan? Death threat?"
Napabusangot ako sa sinabi niya saka siya inirapan. Mahina naman itong tumawa saka kinuha sa akin ang hawak ko at masusing tiningnan.
Bumuka ang bibig nito at magsasalita na sana nang bigla naming marinig ang tinig ni Ate Cynthia.
"Ano'ng iluluto kong tanghalian niyo, Renzo? Ikaw, Aisla, baka may gusto kang ipaluto?"
"Ikaw na bahala, Ate," sagot ko.
"Kilala mo ba kung sino ang nagbigay nito kahapo, 'te?" Tanong ni Terrence kay Ate Cynthia. Ipinakita niya ang corn blue box.
"Ito 'yong wrapper niya." Ipinakita ko naman ang gift wrapper.
Sandaling nag-isip si Ate Cynthia na mukhang inaalala kung kanino ito galing.
"Ah, oo! 'Yan 'yong inabot sa akin no'ng anak ng kaibigan ng Dada mo kahapon. Pinapabigay daw sa'yo. Galing siguro sa mommy niya," sagot niya.
"Right! Sina Tita Melda. They were here yesterday. Hindi na nga lang nila kayo nahintay dumating kasi may pupuntahan pa daw sila," gatong ni Terrence saka ibinalik sa akin ang box.
Lihim akong napanguso saka tumango-tango.
Ewan ko ba kasi kung bakit naging big deal sa akin kung sino ang nagbigay ng mga hikaw! Qino is not the only one who knows about the Ariel Gordon brand! Ano ba ang pumasok sa utak ko?
Nagpaalam ako na babalik na sa kwarto. Inililigpit na ni Doreen ang mga kalat sa sahig pagpasok ko.
"Alam ni Kuya?" Usisa niya.
"Kay Tita Melda daw sabi ni Ate Cynthia." At hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng disappointment na hindi si Qino ang nagbigay nitong mga hikaw.
"Oh! Baka siya nga. Tita Melda is fond of branded jewelries. Remember when I passed the board exam? Binigyan niya ako ng watch from VCA?"
"Yeah." Pilit akong ngumiti saka lumapit sa kama. Itinabi ko rin ang box kung nasaan ang mga hikaw.
Inabot ko rin ang dalawang regalo na hindi pa nabubuksan at pagkatapos ay tinulungang magligpit ang kapatid ko.
Naiinis ako sa sarili ko! How can I go back there if I'm being like this? How can I show up if those simple earrings with a design like the ones he gave me made me paranoid? Jesus!
"By the way, Aisla..." Doreen trailed off. "Are you sure you want to spend some time with the Fontanillas? Will you be just fine going back there?" May himig ng pag-aalala ang tinig niya.
Nai-kwento ko kasi iyong pinag-usapan namin ni Dada kagabi. At dahil babalik na rin si Doreen sa syudad sa linggo, sasabay na ako sa kanya. Pero siyempre, sinabi ko man na pupunta na ako, may pag-aalangan pa talaga ako.
Sandali akong tumahimik habang nakatingin sa kanya.
"Truth is, ayoko naman talagang pumunta doon. I'm fine here. I'm doing good," amin ko.
"Then don't. Desisyon mo pa rin ang masusunod." Umiling pa ito at lumakad palapit sa akin saka humawak sa balikat ko.
"Yup. Ang kaso, alam na nila mommy na uuwi ako do'n. Sinabi ni Dada sa kanila na finally, makakapasyal na ako do'n." Bumuntonghinga ako saka tipid na ngumiti.
Kung hindi lang sana nasabi agad ng tatay ko, handa pa rin magbago ang isip ko. Kaso, 'yon nga. Alam na nila pero hindi lang sinabi ni Dada kung kailan.
Ayoko namang sabihin na hindi na ako matutuloy dahil tuwang-tuwa sila kagabi no'ng makausap ko sila. Nakakahiya naman sa kanila at nakaka-guilty dahil alam kong sabik sila na makita ako at makasama.
"Aisla..." sambit niya. May konting pag-aalangan rin ang tinig niya.
Siguro ay hindi rin siya pabor na umuwi ako doon dahil nando'n siya sa coffee house noong ipahiya ako ng lola ni Qino at ibinulgar pa ang tungkol sa naging relasyon ko sa kanya.
"Don't worry, hindi naman ako magtatagal do'n." Ngumiti ako. Iyon nga lang, hindi rin ako gano'n kasigurado kung hindi nga ba ako magtatagal doon.
Ngumiti ito nang hindi litaw ang mga ngipin ngunit naroon pa rin iyong pag-aalinlangan. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi lang niya alam kung papaano niya sisimulan.
"I have to tell you something about... about Qino," mungkahi niya makaraan ang ilang sandali.
Nakaramdam ako ng kaba ngunit ikinubli ko iyon sa pamamagitan ng isang ngiti.
"Sure! What is it?"
Handa naman na akong malaman ang kung anumang tungkol sa kanya. Naihanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng naging kaganapan sa buhay niya. Wala namang problema sa akin kung may girlfriend na siya.
"Qino's dating one of our officemates. They were dating for like almost a year now. Architect 'yong girl and bago lang sa company."
Tumango ako, hindi nagpalabas ng kahit anumang emosyon sa mukha.
"They were just being... low key. You know, maraming interesado sa kung ano ang mga nangyayari sa buhay ni Qino ngayon."
Muli akong tumango at handa pang makinig sa mga sasabihin niya ngunit hindi na siya nagsalita.
"That's good for him," wika ko.
"Mhmm. I just thought I have to tell you this para hindi ka na masyadong magulat kapag nandoon ka na."
Humalakhak ako saka umiling. Magulat? Baka ang ibig talaga niyang sabihin doon ay masaktan. Pero magugulat talaga ako kung hanggang ngayon, ako pa rin.
"Ang tagal bago siya naka-move on sa akin, ha," biro ko at pareho kaming natawa.
Hindi na ulit namin napag-usapan si Qino ngunit hindi kaagad nabura iyong sinabi niya sa isip ko. Kaya siguro kahit na maraming nali-link na babae sa kanya na nababasa ko sa mga online news, wala siyang pinabulaanan. Pero hindi rin niya sinabi na wala pa siyang girlfriend. Iyon na 'yon siguro.
Hindi man niya inamin na may girlfriend na siya, wala rin naman siyang sinabi na wala pa.
Pero magaling talaga siyang magtago, huh. Wala rin kasi akong nakikitang ibang babae kapag may bonding sila ng mga pinsan namin. Now I wonder kung kilala ba nila ang girlfriend ni Qino? I'm sure naging detective na naman si Rianne kung hindi pa ipinakilala ni Qino 'yong babae sa kanila.
At saka, nagiging maingat na siguro siya ngayon para na rin maprotektahan 'yong babae sa publiko.
Pagsapit ng hapon ay inaya kami ni Terrence na pumunta sa bukid para maghatid ng meryenda sa mga kaibigan niyang nagta-trabaho doon. Sinakyan namin ang off road wrangler dahil maputik ang daan tungo doon.
Dinama ko ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko habang nagba-byahe kami. Pareho kaming nakatayo ni Doreen sa likuran. Open naman kasi ang likuran nitong sasakyan.
Tahimik ang kapaligiran dito. Wala kang makikitang malalaking sasakyan na dumadaan. Umiingay lang dito kapag may okasyon tulad ng fiesta.
At malaki ang naitulong sa akin nitong lugar sa mga naging problema ko. Pero minsan, nagiging problema ko rin ang katahimikan dahil hindi ko maiwasan ang pag-iisip no'n. It took me years to overcome the homesick feeling.
Nang makarating kami sa may bukid ay inalalayan kami ni Terrence pababa. Agad naman kaming sinalubong ng isa sa mga kaibigan niya para kunin ang basket kung saan nakalagay ang magiging meryenda nila.
"Congrats, Aisla! Pasensya ka na, hindi ako nakapunta kahapon," ani Matt nang makarating kami sa may kubo na gawa sa kawayan kung saan sila nagpapahinga.
"Oo nga, ba't wala ka kahapon?" Curious kong tanong habang umuupo.
Iyong iba naman ay naging abala na sa pagkain ng palabok na dala namin.
"Hinahanap mo ba ako?" Tanong pa niya saka nagkamot ng ulo.
Nakita ko ang pagngiwi ni Terrence habang nakatingin kay Matt.
"Matteo... kumain ka na lang," utos ni Terrence.
Minsan hindi ko maiwasang maalala si Qino kapag ganito si Terrence. Medyo may pagka-overprotective rin siya. Kahit na sabihing kaibigan niya ang mga 'to, naglalagay pa rin siya ng boundaries.
Akala nga ng iba noong bago pa lang ako dito, asawa niya ako. Halos masuka kaming pareho noon.
"Uh, hindi naman," sagot ko kay Matt. Kung hindi nga lang niya sinabi na hindi siya nakapunta kahapon, hindi ko maaalala na hindi ko nga pala siya nakita.
"Sabi ko sa'yo, Matty boy, kumain ka na lang, eh," naiiling na saad ni Terrence habang nakangisi. Tumawa ang mga kasama namin dito, pati na rin si Doreen.
Bahagya akong napanguso nang makita ang disappointment sa mukha ni Matteo. Hindi pa naman ako masyadong ginawang manhid ng mga pinagdaanan ko para hindi maramdaman ang kakaibang pakikitungo niya sa akin kapag nakakasama ko siya.
Noong ipakilala ako ni Terrence sa kanila, alam kong may iba na sa tingin niya pero hindi ko na lang pinansin. At saka magsasalita pa lang siya, binabara na siya ng kapatid ko. Isa pa, mga kuya lang ang tingin ko sa kanila.
"Graduate na si Aisla, boss. Pwede na siyang mag-boyfriend," biro ni Jom habang itinataas-baba ang mga kilay.
"Sinabi ko bang hindi pa siya pwede?" Masungit na balik tanong ng kapatid ko.
"Bakit ako ang topic niyo?" Itinuro ko ang sarili ko. Wala namang pumansin sa akin.
"Payagan mo na si Matteo na ligawan si Aisla. Na-love at first sight 'yan, boss. Tsaka, parang hindi mo kaibigan, oh," pahayag ni Kuya Ando, ang masasabi kong pinakamatanda sa kanilang magkakaibigan.
Nilingon ko si Matteo na halos mailuwa ang pagkain na nasa bibig niya. Tinawanan siya ng mga kaibigan niya dahil do'n. Halatang nag-e-enjoy naman si Doreen sa mga naririnig. Pakiramdam ko ay kaya akong ipagkanulo nitong babaeng 'to.
"Iyon nga ang problema, boss, eh. Kaibigan ko siya kaya alam ko ang baho niya." Pumalatak si Terrence saka nilingon si Matteo na halata ang hiya sa mukha.
"Shut up, guys. Hindi makakain nang maayos si Matt sa inyo," bawal ko sa normal lang na tinig.
Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkailang sa ganitong usapan. Siguro dahil hindi naman ako interesado sa kahit na kaninong lalaki.
"Kausapin mo si Dad, Matt. Tapos, kausapin mo rin 'yong isa pang Dad ni Aisla. Kung ayaw kang payagan ni Kuya, baka sila, payagan ka," ani Doreen habang matamis na nakangiti.
Siniko ko siya saka inirapan. Ipagkakanulo talaga ako nito.
"S-sige. Sige."
Laglag ang panga ko nang ibaling ko ang ulo ko sa direksyon ni Matteo. Malakas naman na nagtawanan ang mga kasama namin dito.
Mukhang seseryosohin niya iyong sinabi ni Doreen, ah?