Chapter 1

2121 Words
"Caps off to all of you, Graduates!" I was grinning form ear to ear as I hear those words. Gusto kong maiyak sa tuwa because finally, our stressful college days has officially ended today! I am now a degree holder, at hindi ko akalain na kakayanin ko ang mga huling buwan ko sa kolehiyo. Then, I remember that I have dealt with bigger problems in my life that I thought I wouldn't be able to make it... but I did. Pagkatapos ng graduation ceremony ay kaagad akong dinaluhan ni Dada at Doreen. Pareho nila akong sinalubong ng yakap. They looked so proud of me. Proud rin naman ako sa sarili ko dahil sa kabila ng mga problemang dumating sa akin, nagawa ko pa ring igapang ang sarili ko. "We're so proud of you, and feel so honored to have been given the opportunity to be with you in a big event like this in your life." Malapad akong ngumiti at mahigpit na yumakap sa ama ko. Akala ko noon, hindi ko matatanggap na siya ang tatay ko kahit na sumama ako sa kanya. Ilang taon rin ang itinagal bago nawala iyong pagkailang ko sa kanya -- bago ako nasanay sa kanya. I may have been calling him Da, pero nandoon pa noon iyong pag-aatubili at pag-aalinlangan. Ngunit ngayon, okay na ako sa kanya. Nasanay na ako sa kanya. Pero siyempre, may mga pagkakataon pa rin na iyong kinalakihan kong ama ang hinahanap ko minsan. Hindi na siguro talaga mawawala sa akin ang gano'n dahil sa kanila ako lumaki. At alam kong naiintindihan naman iyon ni Dada. "Let's go to the stage! Picture-an ko kayo ni Dad!" Masiglang wika ni Doreen. Nagtungo kami sa entablado para makuhanan niya kami ng larawan habang hawak ko ang diploma ko. Halos mapunit na ang bibig ko sa sobrang lapad ng ngiti ko sa mga sandaling ito. Medyo nakakapanghinayang lang dahil hindi nakapunta sina mommy dito. Bukod kasi sa malayo, may nira-rush daw na trabaho si Daddy. Tsaka, ngayon rin ang graduation day nina Rianne at Ivette. Well, wala namang kaso sa akin iyon. Naiintindihan ko naman sila. Alam ko naman na kung makakapunta lang sila, pupunta sila. Nagkataon lang na nagkasabay-sabay. Alam na rin nila kung nasaan ako. Nakakausap ko na rin ang mga pinsan ko doon at maayos na kami. Hindi na sila galit sa akin dahil sa ginawa kong pag-alis. Apat na taon na ang lumipas. Hindi ko masasabi na tuluyan nang naghilom iyong mga sugat, ngunit masasabi ko na natanggap ko na. Wala naman rin akong choice kung hindi ang tanggapin iyong katotohanan. Masaya na rin naman ako sa buhay ko ngayon. Nawala na rin iyong pagsisisi ko na lumayo sa kanila. "Magpapaalam lang po ako sa mga kaibigan ko, Da," pahayag ko nang matapos naming mag-picture-an sa stage. Alam ko rin na kailangan na naming umuwi dahil may mga bisita sa bahay na mga kapit-bahay lang namin. Nagpaluto rin kasi si Dada. Talagang pinaghandaan niya itong graduation ko. At si Terrence ang naiwan do'n sa bahay at iyong mga kinuhang magluluto sa mga ihahanda. "Aisla! Congrats sa atin!" Masayang salubong sa akin ni Elma nang mamataan niya akong palapit sa kanya. "Girls! Finally!" Tumatakbong hiyaw naman ni Monica na palapit sa amin. "Sulit 'yong stress natin sa thesis!" "I'm glad we made it!" Halakhak ko. Nag-group hug kaming tatlo habang tumatalon-talon sa sobrang tuwa. I never thought I'd be able to make new friends here. Inilalayo ko kasi ang sarili ko sa ibang tao noon dahil nga hindi pa ako sanay. Natakot rin ako na baka husgahan nila ako kapag nalaman nila iyong tungkol sa akin. Pero ngayon, may masasabi ako na talagang kaibigan ko dito. Hindi man sila gano'n karami katulad ng mga kaibigan ko dati, at least, mayroon pa rin. Alam rin nila na may dalawa akong pamilya dahil noong unang pasok ko dito sa universtiy, Fontanilla pa ang ginagamit kong apelyido. Pero ngayon, Velasco na. I am now Aisla Deneese Velasco. Nagdesisyon ako na palitan na ang surname ko at isunod iyon sa totoo kong ama. Ipinaalam ko naman ang tungkol doon kay mommy at daddy. Nalungkot sila, oo. Pero di-kalaunan naman ay sumang-ayon rin sila. "Hindi na tayo magkikita araw-araw!" Medyo lumungkot ang tinig ko. "Ayos lang 'yon! Nagsasawa na rin naman ako sa mga mukha niyo!" Biro ni Monica. Agad siyang kinutusan ni Elma. Lumapit sa amin si Dada at Doreen. Kinuhanan rin kami ng ilang larawan ng kapatid ko at pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na kami. Pagdating namin sa bahay ay marami nang bisita. Naka-ayos ang front yard at may iba't ibang putahe ng pagkain ang nakahapag sa ibabaw ng pahabang lamesa. May isa ring lamesa at napuno iyon ng mga regalo. "Congratulations! Finally, I don't have to wake up early to take you to school!" Salubong kaagad sa akin ni Terrence pagbaba ko ng sasakyan. Yumakap ito sa akin at halos buhatin ako. Malakas naman akong tumawa dahil doon sa sinabi niya. Siya kasi talaga iyong napaparusahan dahil siya ang naghahatid at nagsusundo sa akin. Kahit noong nag-o-OJT ako. Pudpod na nga yata 'yong gulong ng sasakyan niya, eh. "Thank you, Kuya!" Nakangiti kong sinabi. Binati rin ako ng mga bisita nang makita ako. Saglit rin akong nakipag-usap sa kanila kahit na hindi ko matandaan kung sino sila. Buong barangay yata ay inimbitahan ni Dada dito sa bahay. Halos kasi kilala sila rito sa lugar na 'to. Maraming lupain si Dada at may cattle ranch pa siya. Si Terrence ang may hawak sa mga lupa at doon sa rancho. Nang magga-gabi na ay ang mga kaibigan na lamang ni Terrence ang natira sa mga bisita. Nakihalubilo kami ni Doreen sa kanila habang nag-iinuman. Maraming kaibigan dito si Terrence na naging ka-close ko na. Puro sila mga lalaki at nagtatrabaho sila kay Dada. Iyong iba ay doon sa rancho at iyong iba naman ay sa lupang pinagtataniman ng palay at mais kaya magaganda iyong mga katawan nila. Tan rin ang kulay ng mga balat nila dahil nabibilad sila sa araw. Si Terrence rin ay gano'n. Crush nga yata ng bayan ang kapatid ko dito, eh. "Ngayon rin pala ang graduation nila Rianne?" Usal ni Doreen. Tumingin ako sa kanya. Ipinakita naman niya ang screen ng phone niya. Ngumiti ako at tumango nang makita ang group picture ng mga Fontanilla. Halos nandoon silang lahat maliban kay Qino. O baka hindi lang siya sumali sa picture na ito. Mukhang nasa isang high-end restaurant sila para i-celebrate ang pagtatapos ni Rianne at Ivette. Hinihintay ko rin na makaramdam ako ng kurot sa dibdib o di kaya ay inggit ngunit wala akong naramdaman. Tanggap ko na siguro talaga ang katotohanan. Napag-usapan namin ni Doreen ang tungkol sa mga Fontanilla. Open naman na ako sa topic na 'yon. Hindi katulad noon na parang pinipilipit ang puso ko sa tuwing mababanggit sila. Pero sa loob ng apat na taon ay hindi pa rin ako umuwi do'n. Hindi pa ako bumisita sa kanila kahit na nakikiusap na sina mommy at daddy. Kahit nga noong kasal ni Diana ay hindi ako um-attend kahit na isa ako sa mga bride's maid niya. Tanggap ko na pero ayaw ko na talagang pumunta pa doon. Hindi pa ako handang pumunta doon. "Bakit hindi mo nagustuhan si Yosef noon?" Asar ko sa kapatid ko. Ngumiwi ito saka umiling. "I'm not into playing some dumb games. Napaka-babaero no'n, 'di ba?" Tumawa ako saka tumango. "Ibang klase talaga 'tong Qino Fontanilla na 'to, 'no? Gwapo na magaling pa sa karera. Ang dami sigurong babae nito at saka pera." Pareho kaming napatingin ni Doreen sa isa sa mga kaibigan ni Terrence na kasama namin dito sa mesa dahil sa pangalan na binanggit niya. Nakita ko naman ang pagsulyap ng tingin sa akin ni Terrence. Malapad akong ngumiti. Qino is kind of famous now as a racer. Kung dati ay sa touring cars siya, ngayon ay sa sports car na. At natutuwa ako para sa kanya -- sa mga na-achieve niya. Akala ko nga dati hindi na niya itutuloy ang pagiging racer niya dahil doon sa aksidente. Akala ko ay nagka-trauma siya pero hindi. Nagulat na lang ako nang sabihin ni Ivette sa akin ang tungkol sa kanya. He is now known as one of the best racers in the country kahit na hindi siya gano'n ka-focus sa racing. Minsan, natatalo siya competition pero madalas, nananalo siya. Isa na rin siyang licensed engineer at kasama niya si Doreen sa trabaho sa isang construction firm. Sobrang proud sa kanya nila mommy at daddy. Pati na rin ako, siyempre. Hindi ko na rin siya nakausap pagkatapos no'ng huli naming pag-uusap. Hindi na siya ulit tumawag doon sa account na 'yon. Kahit sa bago kong social media account ngayon, hindi siya nagpaparamdam. But that's okay. Ako naman mismo ang nagsabi sa kanya na huwag na niya akong kontakin kahit kailan. At tinupad naman niya iyon. Tsaka siguro ngayon, nakalimutan na niya iyong nararamdaman niya sa akin. Sa tagal na ng panahon at sa dami na ng mga nakasalamuha niyang babae, imposibleng ako pa rin. Naging public rin ang buhay niya ngayon kaya hindi mahirap mangalap ng balita tungkol sa kanya lalo na sa love life niya. Maraming nali-link na babae sa kanya. "'Di lang 'yon! Ang ganda pa ng sasakyan niya." Gatong naman ng isa. "Naiinggit na naman 'tong mga 'to." Pumalatak si Terrence saka napailing sa mga kaibigan. "Hindi sa gano'n, boss. Iba lang talaga ang dating ng isang 'to. Magaling talaga." Talaga! Gusto ko sanang isingit ngunit hindi ko na lang ginawa. Hindi naman nila alam na kilala ko ang lalaking pinag-uusapan nila ngayon. Ang alam lang nila tungkol sa akin ay bukod kina Terrence, may iba pa akong pamilya. Pero wala silang ideya kung sino. "Aisla..." tawag sa akin ng isang tinig. Mabilis akong lumingon sa may front door ng bahay. "Yes, Da?" Nakangiti kong sabi sa tatay ko. "Can I talk to you for a minute? Are you drinking?" "Lagot, Aisla!" Asar ni Jom. Nginiwian ko lang siya saka na in-excuse ang sarili para puntahan si Dada. "Ano po 'yon?" Tanong ko. Sumunod ako nang lakad sakanya patungo sa sofa saka umupo. "Your mom called just a while ago," panimula niya. I nodded my head. Hindi na bago sa akin iyon. Hindi na rin nakakapagtaka. "Ano pong sabi?" "Tinatanong nila kung ayaw mo bang umuwi muna sa kanila? Tapos na rin naman ang graduation mo." Tumaas ang dalawang kilay ko at marahang umiling para matapos na itong pag-uusap namin. Alam ko na hindi naman niya ako pipilitin kapag sinabi kong ayoko. Hindi ko na talaga binalak na umuwi pa doon. Sabihin na ng iba na wala akong utang na loob pero ayoko na talaga. Natatakot na akong pumunta doon. "Anak... don't you think it's time for you to visit them? To spend some time with them? It's been four years." "Yes. Pero wala pa po kasi sa isip ko na pumunta doon, eh." Pilit akong ngumiti. Bumuntonghininga ito sa tumango. "You know I wont force you, right? But I also don't want them to think that I'm the one who doesn't want you to go there. I know I have the right to, pero pamilya mo rin sila. You should visit them at least. If you don't want to stay in their house, you can stay with your grandma's. Gusto ka rin namang makasama ng lola mo," mahabang pahayag nito. "Kahit isang araw lang, Aisla. They were not asking for too much." Kinagat ko ang inner lip ko at tumingin sa kung saan-saan. "I will think about it," wika ko. Muling napabuntonghininga ang tatay ko dahil alam na niya ang ibig sabihin no'ng sinabi ko. "Alright. If you really don't want to go there, sasabihin ko na lang na may mga aasikasuhin ka pa," pagsuko niya. Ako naman ang bumuntonghininga. Kailangan niya laging gumawa ng excuses para sa akin dahil hindi naman niya kayang sabihin na ayoko. Hindi ko rin naman kayang sabihin kila mommy na ayoko. Pero siguro, tama siya. Kailangan ko na nga sigurong pumunta doon kahit isang araw lang. Para rin naman matuwa sila mommy na apat na taon na akong pinipilit na umuwi do'n o kahit pumasyal lang. Sa apat na taon na 'yon, napakarami nang excuses ang nasabi ng tatay ko. "No need, Da. Sige po, pupunta na ako do'n," pagpayag ko. Ngumiti siya sa akin saka tinapik ang balikat ko. Hindi niya alam na kaya ayoko nang pumunta doon ay dahil natatakot ako. Apat na taon akong nagtiis hanggang sa masanay ako. Apat na taon akong tumatanggi na pumunta doon dahil sa takot na baka hindi na ulit ako bumalik dito at piliin na lang na manatili ulit doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD