CHAPTER 11

2263 Words

Agad na napalabas si Randall nang makarinig ng ingay mula sa labas. Kasalukuyan siyang nasa kusina ng mga Olvidares at umiinom ng tubig nang marinig niya ang mga tinig ng wari ay mga nag-uusap. Mula sa kusina ay tinungo niya ang entrada ng bahay. Mula roon ay nakita niya ang security guard na akmang papasok pa lang. Sa maliit na gate ito dumaan at napapakamot pa ng ulo nang bumalik sa pwesto nito. Randall walked towards him. "Anong nangyari?" usisa niya pa dito. "Eh, Mr. Mondejar, si Ma'am Fiona ho kasi," alanganin nitong sabi sa kanya. "Why?" mariin niyang sabi dito. Agad na naging alerto ang kanyang diwa nang marinig ang pangalan ng dalaga. "Lumabas ho. Kasasakay lang ng taxi. Ang sabi ko nga ay hindi maaari kaso---" "Bakit hinayaan mo na makalabas?" bigla ay singhal niya dito. "Bu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD