Madilim ang kabuuan ng paligid habang kami ay naglalakbay. Kahit pa nagbibigay ng liwanag ang buwan ay hindi pa rin ito sapat. Si Nox ang nauuna sa paglalakad habang nakalahad sa harap ang kanyang palad at gumagamit ng kapangyarihang apoy na magbibigay ng liwanag sa aming dinaraanan. Nakasunod naman ako sa kanya, at si Siria ay nasa likod ko habang hawak ang isang kahoy na ginamitan din ni Nox ng mahika upang lagyan ng apoy. “Pauminhin sa aking pagmamadali, mukhang mali ata ang aking desisyon na magpatuloy sa paglalakbay gayong madilim pa ang paligid,” saad ko habang naglalakad pa rin kami. “Naiintindihan namin, Elex, sa ‘yo na rin mismo nanggaling na hindi tayo dapat mag-aksaya ng oras,” sagot naman ni Siria. “At isa pa, hindi na balanse ang liwanag at dilim sa ating mundo. Paano kung