Maganda ang aking gising nang sumunod na araw. Maganda rin at mataas ang sikat ng araw na siyang napakagaan sa pakiramdam. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi sa kadahilanang natutulog na akong muli sa aking silid at sa aking sariling higaan, ang silid at higaan na siyang aking ginamit sa napakatagal na panahon at aking kinalakihan. Sa katunayan ay hindi pa rin ako makapaniwalang tapos na ang aking misyon sa kagubatan ng Majica, sadyang nakakataba rin ng puso ang mga papuri na natanggap namin sa maraming nilalang na naninirahan sa aming mundo. “Magandang umaga, Niyebe,” ang nakangiting bati ko sa aking gabay, halos sabay lang kaming nagising, siguro ay nauna lamang ako ng kaunting segundo. Mabilis naman na tumalon si Niyebe patungko sa aking kaliwang balikat at kumapit sa aking kaliwa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books