Maaga akong ginising nila Adara at Breena para sumabak na sa unang araw ng aking training.Tulog pa ang ilan nang mag umpisa ako. Nag-jogging muna ako sa hardin bago ang lahat. Kalahating oras akong nagtatakbo doon kaya tagaktak agad ang pawis ko sa buo kong katawan. Ang weird lang dahil hindi manlang ako nakaramdam ng pagod. Kahit anong gawin kong takbo ay malakas parin ako. Matapos nun ay pinagbuhat naman ako ng mga mabibigat na bato na gawa ng kapangyarihan ni Frodo. Sa pagbubuhat ko ng mga bato ay medyo nakaramdam na ako ng pagod. Simula sa maliit hanggang sa papalaking bato ang binubuhat ko. Hirap na hirap ako, pero kinakaya ko naman. Sa huli, ganun pa rin wala manlang akong pagod na nararamdaman. Kung mayroon man ay saglit lang at bumabalik din kaagad ang lakas ko. Puro ganoon lang