Hanggang sa makarating kami sa mansyon ay tahimik parin ako. Nandun parin ang hiya na nararamdaman ko. "Pumasok ka na sa loob, iuuwi ko na muna sa bahay namin ang truck na ito. Babalik nalang ako mamaya," wika ni Clement ng ibaba na niya ako sa tapat ng mansyon namin. "Salamat ulit," tumango siya at saka umalis. Hinatid ko muna siya ng tingin bago ako tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. Sinalubong ako ni Majnu at Adara nang pumasok na ako sa loob. "Maligayang pagbabalik, Majesty," bati nilang pareho. Hanggang ngayon ay 'di parin ako masanay na tinatawag nila akong majesty. Ang lakas maka-reyna sa palasyo ng pangtawag nila sa akin. Pinipigilan ko naman sila pero ayaw nilang pumayag na Kalina lang ang tawag sa akin, majesty daw talaga dahil ako raw ang panginoon nila. Wala na rin akong m