Ang daming nilutong almusal ni Clement. Ginawa niyang special ang breakfast namin dahil alam niyang isang mahaba-habang paglalakbay ang pupuntahan namin. Lahat ng niluto niya ay masasarap. Lahat tuloy kami ay masaya at maganang kumain ng almusal dahil sa mga ginawa niya. Kuhang-kuha na ang kiliti ng panlasana namin ni Clement. Sana lang ay 'di niya ito ginagamitan ng kapangyarihan niya kaya't masarap siyang magluto. Pero, ayos lang naman 'yun, ang mahalaga ay 'di naman kami nalalason. "Napakaswerte ng pangangasawa ni Clement," buska ni Ada. Umagang umaga e, nasa mood agad siyang manura. At dahil nasa mood rin akong makipag-asaran today ay lumaban ako. "Kaya ikaw, galingan mo rin ang pagsasanay sa pagluluto para kapag naging kayo ni Frodo ay suwertehin din siya sa'yo," sagot ko kay Ada ka