Chapter 26 - Giant Octopus

1817 Words

Medyo malayo-layo na ang nalalakad namin. Pawisan na kami dahil medyo tumataas na ang araw. Mabuti nalang at medyo lilim dahil sa mga kumpol-kumpol na mga punong nadadaanan namin. Habang naglalakad kami ay kanina ko pa napapansin na tila wala sa sarili si Frodo. Ilang beses ko siyang tinitignan pero talagang ganoon lang siya. Nag-aalala na ako kaya nilapitan ko siya. "Ayos ka lang ba Frodo? Kanina ka pa 'di mapakali riyan?" tanong ko. Bigla siyang nagulat sa tinanong ko kaya medyo ngumiti siya, pero alam kong peke lang 'yun. Isa pa, tumingin siya kay Ada kaya bigla akong nagtaka. "Siguro nga ay dapat ko nang sabihin sainyo," aniya na kinalito ko. Tama nga ko. May bumabagabag nga sa isipan niya. "Sige, sabihin mo sa amin kung ano ang pino-problema mo," sagot ko. Lahat kami ay napahinto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD