Chapter 29 - Touch of death

1836 Words

"Buhay siya!" rinig kong sigaw ni Clement kaya natigil ako bigla sa aking pagtakbo. Nakaita ko sa malayo na gumagalaw na nga si Clara. Bigla akong sumaya dahil dun. Para tuloy akong tanga na biglang bumalik sa kanila para lapitan ito. Nakita kong bukas na ang mga mata ni Clara. Nginitian niya ako kaya nginitian ko na rin siya. Nagpunas ako ng mga luha ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya at saka ko siya niyakap. "Kalma, okay na ako," sagot niya sa akin. "Akala ko iniwan mo na kami," saad ko habang patuloy na lumuluha. Ang saya-saya ko na nagbalik na talaga siya. Buhay si Clara at buo pa rin kami. "Pwede ba naman 'yun? Marami pa akong magagawa kaya hindi ako pwedeng mawala ng maaga," sagot niya habang natatawa pa. Inabutan siya ni Breena ng mga katas ng dahon na binigay ng Ama ni Clement.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD