Dahil palubog na ang araw ay napagpasiyahan na naming magpahinga na lang muna. Lima na rin naman ang aming napapatay sa mga kalaban kaya kota na kami sa araw na ito. Gamit ang kapangyarihan ni Clement ay gumawa siya ng dalawang bahay na gawa sa halaman para maging tulugan namin ngayong gabi. Gumawa siya ng isa sa mga kakabaihan at isa naman sa kalalakihan. Nagpagawa rin ako ng mga clone ni Frodo para magbantay sa labas ng bahay nila. Syempre hindi rin puwede na walang magbabantay sa labas ng bahay namin kaya gumawa rin ako ng clone ko. Nagkalat na sila agad sa labas para bantayan kami. Mahirap na, baka mamaya, kapag natutulog kami ay saka sila umatake, maganda na 'yung siguradong ligtas kami. Napansin ko na kumakagat na ang dilim. Inaya ko saglit sa labas si Adara. Kailangan naming gumawa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books