Minsan sa Buhay ko 1

1769 Words
Isa na namang boring na klase ang kasalukuyang kinakalaban ng aking mga inaantok na mga mata. Kanina pa salita nang salita si Miss Maynes sa harap ng klase ngunit kahit anong gawin ko, inaantok pa rin ako sa boses niya. Ilang ulit na nga akong naghikab at ilang ulit na rin niya akong binigyan ng matatalim na tingin dahil sa ingay na aking nililikha. Tss. Magpasalamat na lang siya at um-attend pa ako ng klase niya. Kung hindi ko lang iniisip na ida-drop niya ako kapag um-absent pa ako ngayon, andoon sana ako ngayon sa ilalim ng mayayabong na mga puno sa likuran ng building. Nagsa-soundtrip o natutulog. Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kahit i-drop niya ako. Ang may pakialam ako ay yung ipapatawag pa ng dean ang mga magulang ko. Ewan ko ba sa mga 'yun. Basta ipinatawag na ng school tungkol sa mga kalokohan ko, ora-oradang paparito. Sa bahay naman, dinadaan-daanan lang ako. Basta naibigay na nila ang allowance ko, bahala na ako sa buhay ko. Bahala na ang mga katulong na mag-asikaso ng mga pangangailangan ko. Hmm. Siguro kaya lang sila concern at pumupunta rito ay dahil may latin honors sila nung gr-um-aduate sila rito. Siguro ayaw lang nilang madagdagan pa ang mga kahihiyang dulot ko sa kanila. They would apologize on my behalf, donate a certain amount and presto, solved na ang mga kaso ko sa school. Oo na, mayaman kami. Parehong magagaling sa businesses ang mga magulang ko. Nagtataka nga sila kung napaano raw ako noong bata pa ako dahil 'di ko raw namana ang katalinuhan nila. Hindi raw ako kasing tino nila noong nag-aaral daw sila rito. Tss. May gana pa silang magtanong. Bakit kaya 'di nila subukang maging isang tunay na magulang muna bago nila kuwestiyunin kung bakit ako nagkakaganito? Kulang talaga ako sa pansin. Bata pa lang ako, nakita ko na kung paano hangaan ng tao ang mga magulang ko. Sinubukan ko namang gumaya sa kanila. Matalino rin naman ako kahit papano. Pero napagtanto ko na kahit gaano karaming medalya ang makuha ko, balewala naman din sa kanila. Nakakasawa at nakakahiya na kung sinu-sinong teacher na lang ang tinatawag para magsabit ng medalya sa akin tuwing Recognition Day. Kaya nga noong Grade Six ako, habang isinasabit ng principal ang medal sa akin bilang Salutatorian, nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako tatayo sa stage at sasabitan ng medalya ng kung sinu-sino. Nung nag-high school ako, mas naging abala pa ako sa pakikipagbarkada kesa sa pag-aaral ko. Tutal no pansin naman pa rin sa akin ang parents ko kaya mas lalo akong nalulong sa barkada at sa huli, sa bisyo. Noong huling taon ko sa high school, napa-trouble ako. Lasing kami noon ng barkada ko at nakipagrambulan kami sa isang bar. Isa sa mga nasuntok ko ang nabaldado. Galit na galit ang parents ko nang malaman nila ang nangyari. Pero sa huli, binayaran nila ng malaki yung pamilya ng nadisgrasya ko para maabsuwelto ako sa kaso. Kinausap nila ako noon nang masinsinan pero para sa akin, huli na ang lahat. Naging ganitong klaseng tao na ako dahil sa kanila. They've decided to send me here in St. Dominic kung saan nga sila nag-aral ng kolehiyo. My old man wanted me to take up Architecture but I took up Fine Arts just to spite him. Huli na nang malaman nila iyon. Kalahati na ng sem. Paano, ihinambalos ko ang canvass ko sa pagmumukha ng isa kong kaklase na pinagtawanan ang nude painting na ginawa ko dahil mas malaki pa ang boobs kesa sa katawan ng babaeng iginuhit ko. Ayun. Tumama tuloy yung boobs sa pagmumukha niya. From that day on, takot na ang mga estudyante sa akin. Masyado silang judgmental. Porke, ginantihan ko lang iyong nagtawa sa gawa ko, bully na raw ako. Porke, wala akong kinakausap at tahimik lang ako, weird na raw ako. Pero nang makita naman nila ang galing ko sa larangan ng basketball at maipanalo ko ang school namin sa ilang basketball tournaments, aba, hero na ang turing nila sa akin. Kulang na lang ay ipagpatayo nila ako ng monumento rito sa school. Marami na rin ang nakikipagkaibigan sa akin. Kahit nga matignan ko lang sila, ipagyayabang na nila na friends daw kami. Sila ata ang mga bully at weird eh. Naging sikat tuloy ako rito sa school. Meron pa nga raw akong fans club like duh... aanhin ko naman 'yun? Mabubusog ba ako no'n? Yayaman ba ako roon? "Okay, class. I'll see you tomorrow." Iyan lang ang pumasok sa tenga ko at naintindihan ko sa lahat ng sinabi ni Miss Maynes. Hinintay ko munang maubos ang mga kaklase ko bago ako tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng classroom. "Bren!" May tumawag sa pangalan ko kaya natural na lumingon ako. Napatakip ako sa mga mata ko nang masilaw ako sa nakakabulag na flash ng camera. Nang mawala ang sakit ay galit kong tinignan ang may gawa no'n. "H-hi, Bren." Natatakot na bati ng tao na walang paalam na kumuha ng larawan ko. I rolled my eyes. Siya na naman. "Alam mo bang nakakabulag sa mata ang sobrang exposure mula sa flash ng camera?!" nanggigigil na bulyaw ko sa kanya. Dagli namang naglaho ang ngiti sa mga labi niya at sobrang namutla siya sa takot o 'di kaya ay sa pagkakapahiya dahil marami na ang nanunuod sa eksenang aming ginagawa. "Sorry," mahinang paumanhin niya. Nagyuko siya ng ulo and sulked. Kung ibang tao lang siya, kanina ko pa sana isinapak sa mukha niya iyong malaking camera na nakasabit sa leeg niya. Pero dahil unti-unti na akong nasasanay sa pamemeste niya sa akin sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, tinalikuran ko na lang siya. Napailing ako nang marinig ko ang mga yapak niyang sumusunod sa akin. "Bren, saan ka pupunta?" "Bren, uuwi ka na ba?" "Bren, magmemeryenda ka ba?" "Bren, may praktis ba kayo?" "Bren, pwede bang sumama kung saan ka pupunta?" As usual, nariyan na naman ang sunud-sunod na tanong niya habang tila aninong sumusunod sa likuran ko. And as usual, hindi ako sasagot pero tila balewala iyon sa kanya. Parang makasabay lang ako sa paglalakad, masayang-masaya na siya. Siya si Lhee. Transferee. Kumukuha rin ng Fine Arts. Ewan ko kung bakit Fine Arts pa ang napili niyang kurso. Minsan, ipinakita niya sa akin iyong drawing niya ng parrot. Gusto kong pagpunit-punitin iyon sa harap niya dahil hindi naman mukhang parrot yung drinowing niya kundi mukhang malnourished na manok na baliktad pa ang mga balahibo. Pero noong makita ko na proud na proud niyang ikinukwento kung paano niya pinag-combine iyong mga kulay ng orange, red, pink at violet sa drawing niya, ibinalik ko na lang iyong canvass sa kanya. Mula noong pumasok na siya rito sa school, wala na siyang ibang inatupag kundi ang pestehin ako. Nagpapapansin, nagpapa-cute kahit anong snob ang gawin ko sa kanya. Madalas, napipikon talaga ako sa kanya. Biruin mo ba naman, rinegaluhan ako ng cookies. Nung kinagat ko, damn para akong binato ng bakal sa bibig sa sobrang tigas ng ipinagmamalaki niyang cookies na gawa niya. Masasapak ko na sana siya eh pero nung lumabas yung mga dimples niya dahil ngiting-ngiti niyang tinanong kung masarap daw ba 'yung ginawa niya, 'di ko na itinuloy. Minsan, ipinagluto nya ako ng adobo. Pero ang labas, naging tapa dahil sa sobrang asim at tigas. As usual, inilabas na naman 'yung dimples niya kaya hindi ko na itinuloy na ibuhos sa ulo niya 'yung ipinagmamalaki niyang adobo. Naglakad ako patungo sa tambayan ko kasunod si Lhee. Umupo ako sa isang bench doon at inilabas ang isang kaha ng sigarilyo. Kumuha ako ng isa at nagsindi. Nakita ko na bahagyang lumayo si Lhee mula sa akin upang 'di niya malanghap ang usok ng sigarilyo. "Hindi ka pa ba nagsasawang kumuha ng mga larawan ko?" hindi tumitinging tanong ko sa kanya. "Hindi ka pa ba nagsasawang humithit ng nakakakanser na sigarilyong iyan?" balik-tanong niya sa akin. Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. Isang inosenteng ngiti naman ang ibinalik niya. "Lumayo ka na nga sa akin. Nakakasira ka na ng araw eh," naiinis kong sikmat sa kanya. "Ayoko nga. Ikaw ang bumubuo ng araw ko, eh," nakangiti pa ring sagot niya. "Aminin mo nga. May gusto ka sa akin, 'no?" Nakita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa itinanong ko. Ang pag-iwas ng mukha niya sa mga mata ko. Napangisi ako. Sa wakas, nanahimik na siya. "Oo, Bren. Gusto kita. Gustung-gusto kita," mahina ngunit klarong sabi niya. Nakangangang napatulala ako sa kanya. "Actually, ikaw ang dahilan kaya narito ako sa school na ito. Ikaw ang dahilan kaya Fine Arts ang kinuha kong kurso kahit na ni bulaklak ay hindi ko mai-drawing nang maayos. Ikaw 'yung nagpapasaya sa akin araw-araw kaya palagi kitang kinukulit. Kaya kita kinukuhanan ng pictures araw-araw kasi tinitignan ko sila nang paulit-ulit during weekends and during..." "Basta, gusto ko araw-araw nakikita kita." Nahihiya man sa pag-amin niya, nakita kong masaya naman siya sa ginawa niya. "Hindi ako bakla." Nakita ko ang pagtamlay ng ngiti niya sa tatlong salita na isinagot ko sa mga sinabi niya. "Alam ko, makita lang kita sa araw-araw ay masaya na ako," determinado niyang saad. Pagkuwan ay tumingin siya sa malayo. Pinagmasdan ko siya. Maputi sya o mas tamang sabihin na maputla ang pagkaputi niya. Matangos din ang kanyang ilong. Manipis ang kanyang mga labi. Cute ang pagkakasungki ng isang ngipin niya. May ibang dating nga iyon kapag ngumingiti na siya. Isa pa 'yung magkabilaang dimples niya. Kundi lang siya lalamya-lamya, maraming babae sa school ang magkakagusto sa kanya. "Bakit mo ako nagustuhan? Marami namang ibang lalaki dyan o 'di kaya ay babae," curious kong tanong sa kanya. "Napanuod ko 'yung isang laro n'yo. Nung natambakan kayo, akala ng lahat ng nanunuod, siguradong matatalo na kayo sa game n'yo na 'yun. Nakita ko ring pati 'yung mga kasama mo, alam na nilang matatalo na kayo. Aaminin ko, pati ako inakala na wala na kayong pag-asang manalo." Bumunting-hininga siya at pagkatapos ay nakangiting tumitig sa mga mata ko. "Pero noong maglaro ka na, you changed the game. You changed our minds. You changed the fate of your team. Naaalala ko, tuwing nakaka-shoot ka ay napapasigaw ako sa tuwa. At ang ending, nanalo kayo. Dahil sa'yo nanalo kayo. Nakita ko ang determinasyon mo. Hindi ka nagpatalo sa mga problemang kinaharap mo sa game n'yo na 'yun. Simula noon, humanga na ako sa'yo. 'Di ka na naalis sa isip ko. Kaya naman, ginawa ko ang lahat para malaman ang lahat ng tungkol sa'yo. So, here I am," masaya niyang pagkukuwento. Napailing na lang ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD