Minsan sa Buhay Ko 2

2911 Words
Simula ng araw na 'yun, hindi niya na kelangang magpapansin pa dahil napapansin ko na talaga siya. Gano'n siguro kapag nalaman ng tao na may gusto ang ibang tao sa kanya. Noon ko na-realize na masaya pala talaga siyang kasama. Kahit korni ang mga biro niya, napapangiti naman ako kahit papano. Malambing din siya at maasikaso. Tuwing praktis, andyan siya para manuod. May baon pa siyang meryenda ko. At syempre, hindi nawawala 'yung napakatigas niyang cookies. Syempre, 'di ko yun kinakain. Kinukuha ko naman at iniuuwi. Ayun, naiipon doon sa isang kabinet sa kuwarto ko ang mga bigay niya. Dumaan ang mga buwan, mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Hindi ko na lang pinapansin ang mga malisyosong tingin ng mga estudyante sa tuwing nakikita nila kaming magkasama. Dahil kay Lhee, hindi ko na napapansin ang kakulangan sa buhay ko. Sa araw-araw na pagpasok ko, I'm always looking forward to seeing him. Nami-miss ko na rin sya tuwing weekends. My birthday came and unlike my previous birthday na itinulog ko lang, bumili ako ng mga pagkain. Pinapunta ko si Lhee sa condo ko at nag-movie marathon kami. Tuwang-tuwa nga ako sa irinegalo niyang collage ng mga pictures ko. Isinabit ko ang frame no'n sa taas ng headboard ng kama ko. "Lhee, thank you for making my birthday happy," nakangiti kong sabi sa kanya. "Bren, thank you for making the rest of my life happy." Tinaasan ko siya ng kilay. Masyado naman siyang advanced. "Lhee, mahal na ata kita," pabulong kong sabi. Tumitig ako sa kanyang mga mata. Nakita ko roon ang labis na saya. "Bren, mahal na kita. Noon pa." Bulong din niya habang titig na titig din sa aking mga mata. Nagkangitian kami at unti-unting naglapit ang aming mga katawan, ang aming mga mukha, ang aming mga ilong at ang aming mga labi. Nakapikit naming pinagsaluhan ang aming unang halik. Napakabilis ng mga sumunod na pangyayari. Bigla na lang na nasa kama na kami at parehong hubad. Pinaglalakbay ko ang aking mga labi sa hubad niyang dibdib, pababa sa kanyang impis na puson. Hindi ako nangiming dalhin ang simbolo ng kanyang p*********i sa loob ng aking bibig pagkatapos ko itong paliguan ng mumunting mga halik. Ungol siya nang ungol sa aking ginagawang pagpapaligaya sa kanyang katawan. Gulo-gulo na ang kobrekamang kinakapitan at sinasabunutan niya. Lahat ng praktisado kong paraan ng pagpapaligaya sa katawan ng isang tao, ginawa ko sa kanya. I'm not stupid. Nang mapansin ko na nahuhulog na ako sa kanya, inisip ko na ang posibilidad na makakarating kami sa mga ganitong pangyayari. My research has paid off. Kitang-kita ko sa bawat pagbaluktot ng kanyang katawan, sa bawat pagkawala ng kanyang hininga at paghingal niya, sa bawat pag-ungol niya at pagtawag sa aking pangalan ang ligayang kanyang tinatamasa. Akmang iibabaw na ako sa kanya ngunit mabilis niya akong itinulak pahiga. "Ako rin." Ngiti niya sa akin. Napaigtad ako nang sumipsip siya sa leeg ko. Pakagat-kagat na bumaba ang kanyang bibig sa aking dibdib. Tinudyo ng mga ngipin at dila niya ang matitigas at sensitibo kong mga dulo. Napaungol ako nang sadya pa niyang hilahin gamit ang kanyang ngipin ang isa sa mga ito. Nanginig ang mga tuhod ko nang maglaro ang dila niya sa aking p*********i. Sumipsip muna siya sa dulo bago niya ito tuluyang isinubo. Napaungol ako nang malakas nang magsimulang magtaas-baba ng kanyang bibig. Ramdam ko ang talim ng mga ngipin niya. Nakakakiliti ang mga ito. Muli kong binaliktad ang mga posisyon namin. I made sure that my fingers have prepared him thoroughly before I seeked entrance. Umingit siya. Obvious na nasasaktan siya nang labis sa bawat kilos ko. I tried soothing him with my kisses and words. "I love you, Lhee... I love you... I... love.... you..." paulit-ulit kong bulong sa kanya habang ipinapadama ko sa kanya ang kaligayahang aking nasumpungan sa kanya hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa emosyonal. Starting that day, lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa ni Lhee. Lagi kaming naghihintayan sa gate. Sabay maglalakad patungo sa building namin. Ihahatid ko siya sa klase niya tapos mag-aabang sa labas ng classroom niya para sabay din kaming mag-lunch. Ihahatid ko ulit siya sa room niya pagkatapos and since nauuna siyang lumabas kapag uwian na, siya naman ang maghihintay sa akin. Sasama kapag may practice game ako o 'di kaya ay tatambay sa tambayan namin habang hinihintay ang driver niya para sunduin siya. Minsan, pumupunta rin kami sa condo ko kapag miss na naming ipakita at ipadama sa isat' isa ang pagmamahalan namin sa pisikal na paraan. I've met his parents. Tanggap naman nila kami. I don't feel comfortable lang kasi everytime na nagkikita-kita kami lagi silang nagpapasalamat sa akin na tila ba utang na loob pa nila na minahal ko si Lhee. Ang isinasagot ko na lang, thank you sa kanila kasi ginawa nila si Lhee upang pasiyahin ako araw-araw. Masaya kami. Wala na sanang problema kundi lang nalaman ng mga magulang ko ang lahat. Nagsumbong na pala yung mga binabayaran nilang teachers para bantayan ako sa school. Isang gabi pagkauwi ko ay naabutan ko na silang naghihintay sa akin. "To whom do I owe you this visit?" malamig kong tanong sa kanila. "To your gay boyfriend!" galit na sagot ni Daddy. Saglit akong nagulat ngunit agad 'din na nakabawi. "Oh, to that gay boyfriend of mine who never for a minute forgets that I exist? You should be thankful to that gay boyfriend of mine 'coz I still attend school, I still haven't committed any crime that would put dirt to your oh so high and mighty name. You should kiss the grounds he walks on because he fills up the emptiness in my life whenever YOU forget that you have a child who still needs you." Nag-iwas ng tingin sa akin si Mommy ngunit hindi si Daddy. "What are you talking about? We are providing you with everything that you need. Naghihirap kami sa kakatrabaho para lang maibigay sa'yo ang lahat ng gusto mo!" panunumbat niya sa akin. "Hindi ang pera, ang kotse, ang condo at ang sikat na school ang kailangan ko! Kayo bilang magulang ko ang kailangan ko! Kailangan ko kayo upang mapagsabihan ng mga problema ko at kailangan ko ang atensyon at pagmamahal n'yo... ng pag-aaruga n'yo! Oo, malaki na ako. Pero kailangan ko kayo. Kailangan ko pa rin kayo. At si Lhee... Si Lhee ang laging nandyan para sa akin. Siya 'yung nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. Siya 'yung nakikinig sa mga hinanakit ko sa mundo. Siya 'yung andyan kapag kailangan ko ng lakas tuwing nanghihina ako. Siya 'yung nagpapalakas ng loob ko. Siya 'yung tumanggap sa akin ng buo at walang kuwestyon sa pagkatao ko!" "Ipagpapalit mo kami para sa baklang iyon?!" "Without a doubt I would, Dad. Kung hindi niyo siya matatanggap bilang parte ng buhay ko, wala na akong magagawa pa. Handa akong kalimutan kayo para sa kanya tutal matagal n'yo na namang kinalimutan na may anak pa kayo!" Patuloy kong panunumbat sa kanila. Umiiyak na si Mommy dahil sa pagsusumbatan namin ni Daddy. "Kung gayon, lumayas ka..." may babalang sabi ni Daddy. "No!" Napatingin kami kay Mommy na biglang sumigaw. "Hindi mo siya palalayasin! Hindi natin siya itatakwil, Johnny! Tama siya. Malaki ang pagkukulang natin sa kanya. Tama lang na sumbatan niya tayo. Pero anak, intindihin mo naman kami. Ginagawa namin ang lahat ng pagpapalago ng negosyo para sa'yo. Ikaw lang ang nag-iisang anak namin. Ang magdadala sa pangalan ng pamilya natin. Ang magmamana sa lahat ng pinaghirapan namin. Pero mag-isip ka naman. Marami naman dyang iba. Mga babae na magbibigay sa'yo ng pamilya..." Sinubukan akong yakapin ni Mommy ngunit mabilis akong umiwas. "Wala na akong dapat pang pag-isipan. Sapat na sa akin si Lhee. Kung itatakwil n'yo ako ay huwag dahil sa pagiging bakla niya. He doesn't deserve it. Itakwil n'yo ako dahil sa pagiging bakla ko." Tinalikuran ko na sila at pumasok na ako sa kuwarto ko. After an hour, nang matiyak ko na wala na sila ay tinawagan ko si Lhee. I asked him to sleep over at hindi naman niya ako tinanggihan. After making love with him, pinanuod ko lang siyang matulog. Laying here with him proves how he's taught me how to love. He made me experience how to feel love. At totoo ang sinabi ko sa mga magulang ko. I don't need their money nor their name. Si Lhee lang ay sapat na para mabuhay ako na masaya. "'Di ka pa rin natutulog?" naalimpungatang tanong niya. "Masyado ka kasing magandang pagmasdan kaya hindi ako inaantok." Hinaplos ko ang buhok niya habang sinasabi iyon. "Gusto mo patulugin kita?" paglalambing nya sa akin. "Susuntukin mo ako para makatulog na ako?" pagbibiro ko naman sa kanya. Sumimangot siya kaya natawa ako. "Kakantahan kita." "Sige na nga. Siguraduhin mo lang na nakakaantok yang kanta mo. Sige ka, kapag hindi ako nakatulog, hindi rin kita patutulugin." Hinila ko ang katawan nya at yinakap sya. As I lay me down to sleep This I pray That you will hold me dear Though I'm far away I'll whisper your name into the sky And I will wake up happy I fell asleep that night with a happy and contented smile on my face. Ilang buwan pa ang pinagsamahan namin ni Lhee na puno ng saya. Ngunit isang araw ay hindi siya pumasok ng school. Wala naman akong natanggap na tawag o text niya kung bakit wala siya. Tinatawagan at tini-text ko ang number niya ngunit wala siyang naging sagot. Binabalak ko na ang mag-absent sa panghapon na klase ko ngunit hindi ko na iyon itinuloy nang sa wakas ay makatanggap ako ng text mula kay Lhee. Maysakit daw siya kaya hindi siya makakapasok. Kinulit ko sya nang kinulit para sa address niya dahil hindi pa ako nakakapunta sa kanila pero sinabi niyang wag na raw akong mag-abala. Papasok na lang daw siya kapag magaling na siya. Nakakatampo man ngunit ayoko na siyang bigyan pa ng alalahanin kaya sinabi ko na lang na hihintayin ko ang paggaling niya. Ngunit lumipas na ang isang linggo ay hindi pa rin siya punapasok. Triple na ang pag-aalala ko ngunit kahit anong pilit ko sa kanya ay hindi niya sinabi kung saang ospital siya naka-confine kaya ang ginawa ko ay ginamit ko ang impluwensiya ko sa mga student-assistants na nasa Registrar's office at pinakuha ang home address ni Lhee. Hindi ko sinabi kay Lhee ang ginawa ko dahil balak ko ang sorpresahin siya. Nagtungo ako sa subdivision nila ngunit nang makarating ako sa bahay nila Lhee ay mga kasambahay nila ang naabutan ko roon. Laking pasasalamat ko nang sabihin nila kung saang ospital naka-confine si Lhee at tumungo ako kaagad doon. Nakuha ko naman sa isang kakilala kong nurse sa ospital na iyon ang room number niya. Kinakabahan ako habang kumakatok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Nananabik akong makita siya ngunit isang 'di maipaliwanag na takot ang nagpapabilis sa t***k ng puso ko. Pinagbuksan ako ng isang dalaga na kamukha ni Lhee. "Bren?" Napangiti ako nang bigkasin niya ang aking pangalan. "Ako nga. Dadalawin ko sana si Lhee." Nagtaka ako nang maglikot ang mga mata ng kapatid ng boyfriend ko. Tila pa nga ayaw niya akong papasukin sa loob ng kuwarto. "May problema ba?" tanong ko nang lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa rin niya tuluyang binubuksan ang pinto para makapasok ako. "Pwede bang ipaalam ko muna kay Lhee na naririto ka?" tanong niya at bago pa ako makasagot ay pinagsarhan na niya ako ng pinto. Wala na akong nagawa kundi ang maghintay at tumunganga sa harap nito. Sampung minuto mahigit ang lumipas nang muling bumukas ang pinto. "Pasok ka na raw," hindi tumitingin sa mga mata ko na sabi ng dalaga. Pumasok ako nang umatras siya para bigyan ako ng espasyo. Naglakad ako nang mabilis papunta sa hospital bed para lang manigas nang magkasalubong ang mga mata namin ni Lhee. Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong itsura niya ngayon. Napakapayat niya, impis na impis ang kanyang mga pisngi. Putlang-putla ang kanyang mukha at nanlalalim ang kanyang mga mata. At ang buhok niya, ang buhok niyang gustung-gusto kong haplusin at halik-halikan ay wala na. "L--Lhee...?" nangangapos ang hiningang tawag ko sa kanya. "Bren," paos niyang sagot. Hindi ko namalayan ang bigla na lang pagbuhos ng mga luha ko. Ano ang nangyari sa kanya? Isang linggo lang... isang linggo lang kaming hindi nagkita. "Bren, halika." Iniangat niya ang kanyang kamay kaya napatitig din ako roon. Napakapayat na niya! Hindi na ako nagdalawang-isip. Kahit nanginginig ang mga binti ko ay naglakad ako papalapit sa kanya. Wala sa loob na naupo ako sa isang monoblock na nasa tabi lang ng kamang hinihigaan niya. Titig na titig ako sa kanya. Ibang-iba ang itsura niya sa itsura niyang nakasanayan ko na. Wala ng sigla ang mga ngiti niya. Wala ng kislap ang mga mata niya. Hindi maipagkakailang lubos ang panghihina niya. Bakit? Bakit siya nagkakaganito? "Lhee..." "Stage 4 blood cancer." Napipilan ako sa pag-amin niya sa kalagayan niya. Namanhid ang buong katawan ko habang paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niya sa loob ng ulo ko. "P--pa-papano...? Ke--kelan...?" Maging ang dila ko ay nangangapal kaya naging pautal-utal ang pagsasalita ko. "Malala na ang sakit ko noong makilala kita, Bren. I'm sorry. Hindi ko sinabi sa'yo. Ang gusto ko lang naman noon ay makilala ka at maging kaibigan kahit na... kahit na alam ko na mahal na kita noong mga panahong iyon. Sinabi ko sa sarili ko na gusto kong sumaya sa huling mga buwan ng buhay ko kaya kahit hindi na pwede, pinilit ko ang mga parents ko na payagan akong pumasok sa school n'yo. Sabi ko sa kanila, basta makita kita araw-araw, sapat na." Pinilit niya ang ngumiti kahit na halatang nahihirapan siyang gawin iyon. "Pero hindi ko inakalang magiging malapit tayo sa isa't isa. Hindi ko inakala na mamahalin mo rin ako. Sorry. Sorry kung naging selfish ako. Akala ko, panandalian lang iyon. Akala ko, nakulitan ka lang sa akin..." "Lhee, bakit? Bakit hindi mo sinabi?" lumuluhang tanong ko sa kanya. "Nagsisisi ka na ba, Bren? Nagsisisi ka na bang minahal mo ako?" lumuluha na ring tanong niya. "No! Hinding-hindi ko pagsisisihan na minahal kita, Lhee! Nagsisisi ako kung bakit hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga nakikita kong signs na may dinaramdam ka. Nagsisisi ako na hindi ako nabigyan ng pagkakataon na tulungan ka sa kalagayan mo ngayon. Lhee, bakit naman biglaan? Bakit hindi mo man lang sinabi agad? Baka nakagawa pa ako ng paraan. Baka nakahingi pa ako ng tulong para maipagamot ang sakit mo. Baka... Lhee naman..." iyak na ako nang iyak habang paulit-ulit na hinahalikan ang payat niyang kamay. "Wala ka ng magagawa sa kondisyon ko, Bren. Nagawa mo na ang mga bagay na nagpasaya sa akin sa huling mga sandali ng buhay ko. Napasaya mo ako. Naipadama mo sa akin ang isang uri ng pagmamahal na gusto ko. Ang isang uri ng pagmamahal na pinapangarap ko lang noon. Ikaw ang sagot sa mga panalangin ko, Bren. At ngayon, handa na akong harapin ang Panginoon. You completed my life kahit sandaling panahon lang ang pinagsamahan natin." Mahina man ang kanyang boses ay naiintindihan ko ang mga sinasabi niya. "Ayoko pa, Lhee. Please, ayoko pa. Hindi pa ako handa." Hagulgol ko na ang umaalingawngaw sa buong silid. Masakit na masakit ang aking dibdib sa kaalamang ilang sandali na lang ang natitira para makasama ko ang taong nagpadama sa akin ng totoong pagmamahal. "I'm so sorry, Bren. Just be happy that my suffering will end soon. And thank you, thank you for making me happy for the rest of my life. Mahal na mahal kita, Bren." Lalo pang humina ang boses ni Lhee. Tuluyan na akong napasubsob sa gilid nang kama. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko sa napakatinding emosyon na nadarama ko sa mga sandaling iyon. "Mahal na mahal kita, Lhee. Mahal na mahal kita!" ... Hindi na ako umalis sa tabi ni Lhee pagkatapos ng aming pag-uusap. Naroon lang ako, nagbabantay. Tumulong din ako sa pag-aalaga sa kanya. Nakikiiyak ako sa kanya kapag sinusumpong siya ng matinding sakit. Kapag okay naman ang pakiramdam niya ay hawak ko ang kanyang kamay habang nakikipagtitigan ako sa kanya. Paulit-ulit ko ring sinasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung paano niya napaligaya ang buhay ko mula noong dumating siya. Nagkausap na rin kami ng mga magulang niya. Pinatunayan nila sa akin ang mga inilahad ni Lhee. Nagpasalamat sila sa akin sa pagbibigay ko ng saya sa kanilang anak sa natitirang mga araw nito sa mundo. At dumating na ang araw ng pagbabalik ni Lhee sa piling ng Panginoon. I was there when he took his last breath. We were looking at each with tears in our eyes. Hindi ko na nabilang kung ilang 'I love you' ang ibinulong ko sa kanya nang tuluyan na niyang hugutin ang kanyang huling hininga. I also died that day. Nawalan ng liwanag ang mundo ko dahil sa pagkawala ng taong nagparanas sa akin kung paano mahalin ng totoo. Lumipas ang mga araw, ang mga buwan at ang mga taon. Isa na akong magaling na painter ngayon. At ang mga tanging ipinipinta ko ay ang portrait ni Lhee at ang mga alaala naming dalawa. Tama sila sa sinabi nilang, time heals all wounds. Ngayon, tuluyan nang gumaling ang sakit ng pagkawala ni Lhee. Tanging ngiti at pasasalamat na lamang ang nadarama ko sa tuwing ipinipinta ko ang mukha niya at sa tuwing naaalala ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD