KABANATA 3

1324 Words
Third Person's POV Nakasimangot si katniss habang pabalik ng kusina, naiinis siya sa Mayor davi na yum dahil hindi man lang tinanggap ang nakalahad niyang kamay at bahagya pa siyang napahiya dahil sa kanya lamang ang atensyon ng vice mayor at ang ibang councilors na andun. Buti nalang talaga at di matagal ang pag lahad niya at nabawi niya agad ang kamay niya. "Oh anyare sayo? ba't naka busangot ang mukha mo?" Bungad agad sa kanya ni Ara, agad naman siyang bumalik sa kung saan ang mga pagkain na dadalhin niya ulit sa mesa ng mayor. "Antaray mo naman katniss, kahit naka busangot ang ganda mo parin, napaka unfair talaga ng mundo." Napapailing ng isang kasamahan nila na si shiela, kumukuha rin ito ng mga pagkain na sine-serve sa mga bata. "Kaya nga diba? oh bat ka nga nakasimangot jan?" Baling ulit ni Ara sa kanya. "Akala ko ba mabait ang mayor davi na yun?" Di parin mawala ang inis ni katniss habang abala naman siya sa paglalagay ng mga pagkain sa tray na dadalhin niya ulit doon, kung pwede nga lang ay hindi na siya ang mag hahatid ng pagkain. Pero dahil si Michelle na ang nagsabi na siya ay kailangan niyang sundin. "Oo mabait nga, anlaki kaya ng donation niya dito sa sunshine home..Bakit ano ba ang ginawa ni Mayor Davi sayo?" Pagmamalaki naman ni Ara, na halatang humahanga talaga sa kanilang mayor. "Nag congratulate lang naman ako sa kanya at makikipag kamay pero hindi niya man lang tinanggap yung kamay ko.." "Baka naman na starstruck sayo katniss.." Kinikilig pang sabat ni shiela, napa ismid naman siya sa sinabi nito. "Ano ako artista? para ma starstruck siya sa akin? tss.." Nang matapos na siya ay kinuha niya na ulit ang tray na may pagkain at dali daling naglakad papunta sa mesa kung saan ang mayor. Si Mayor Davi naman ay palihim paring nakatitig kay katniss habang nag se serve ito ng pagkain sa table nila hindi parin naman siya mapapansin na nakatitig dahil naka suot parin siya ng sunglasses. Mula ulo hanggang sa katawan nito ay napasadahan niya ng tingin lalo na ang sexy nitong balakang, napalunok na naman si Mayor Davi ng mapagmasdan ang makurba nitong balakang at sexy na pang upo nito kahit naka jeans lang ang suot nito ay napaka sexy parin nitong tingnan. Nilagok na lamang niya ang alak na nasa kanyang baso, binaling nalang ulit niya ang tingin sa napakagandang mukha nito habang ngumingiti ng matamis sa mga kasama niya, hindi rin siya tinatapunan ng tingin nito. Sigurado siya ay nainis ito sa ginawa niya kanina na hindi man lang niya inabot ang kamay nito, pero wala na siyang nagawa at pinanindigan nalang ang naging asal niya. "Sana mag enjoy kayo sa pagkain vice mayor at sa inyu din Mayor Davi.." Pagdating sa kanya ang seryoso ng tingin nito, tanging tango lang din ang nasagot niya. Sht! Bakit naging tahimik akong tao bigla?! dahil lang sa babaeng ito?? No fcking way! Not so me! Pagkastigo na naman ng kanyang isip. ABALA na si katniss sa pag aasikaso sa mga bata ngayon tinutulungan niya ang iba sa pagkain lalo na yung masyado pang mga bata, may 3 years old at 4 years old. "Ito, kainin niyo tong gulay ha..dahil masustansya ang gulay para inyong katawan.." Tumango naman ang mga bata sa kanya, kaya napangiti siya ng malawak. "Ate katniss.." Napalingon naman si katniss sa batang tumawag sa kanya, at may iniabot na isang bulaklak na sigurado siya na pinitas lang nito sa garden sa likod. Matamis naman siyang ngumiti sa batang lalaki at hinimas ang buhok nito. "Thank you, john.." "Pag lumaki na ako ate katniss, pakakasalan kita.." Sabi pa nito kaya natawa na si katniss rito at mas ginulo ang buhok nito, nasa 5 years old lang si john pero napakadaldal na bata. "Ok sige, kumain ka ng maraming gulay para mas mabilis kang lumaki ha, at hihintayin kita.." Nagtatalon naman ang bata at napatango, bumalik na din ito sa pagkain. HABANG nagsasalita ang kanilang vice mayor wala ang atensyon ni Mayor Davi sa mga kasamahan niya, tumango tango lamang siya pero ang mga mata niya ay sa isang babae lamang naka tutok ngayon. Kumikinang na naman ang makinis at maputi nitong balat dahil sa sinag ng araw at nililipad ang mahabang buhok nito sa hangin. Matamis itong nakangiti sa mga bata ngayon. Nakakagat ni mayor davi ang kanyang pang ibabang labi, gusto niyang wag tumingin rito pero parang may bumubulong sa kanya na tingnan ito at titigan ng maigi, at yun ay ang kagandahan nito ang humihila sa kanya na lingunin ito. "Right Mayor Davi?" "Huh?" Agad nabaling ang kanyang tingin sa nagsalita. "Mukhang malalim ang iniisip mo mayor?" Sabi pa ng isang city councilor sa kanya. Napangisi na lamang siya. "I'm sorry, my mind is occupied to someone.." "Baka gusto ng umuwi ni mayor dahil naghihintay na ang kanyang girlfriend?" Natawa naman siya sa sinabi nito, marami siyang babae pero wala siyang girlfriend. Napapailing na lamang siya. LUMIPAS ang isang oras ay natapos narin sa wakas ang program, isa isa narin nag si uwian ang mga councilors pati narin ang vice mayor. Si katniss naman ay nagmamadali dahil susunduin niya na ang kanyang anak sa school. "Mauna na po ako sa inyu ara, shiela.. Ma'am Michelle una na po ako.." Tumango naman ang mga ito at sinabihan siya na mag iingat sa pagmamaneho. Malapit na siya sa kanyang sasakyan ng makita ang lalaking nakasandal sa magarang kotse na katabi ng kotse niya. At napag tanto niya kung sino, parang may hinihintay ito. Napansin naman nito ang pressnsiya niya at napatuwid ng tayo. "Hi, Miss katniss.." Dumuko naman ng bahagya si katniss bilang pagtugon nito at akma na sana niyang bubuksan ang pinto ng kanyang kotse ng mag salita pa ito. "Look, i'm sorry about earlier..for not accepting your hand.." Lumapit ito sa kanya kaya napa atras siya ng konti. Napatingala pa siya rito dahil ngayon niya lang natitigan ang gwapong mukha ng mayor ang mata nito na kulay asul na halata mo talagang may lahi. Hindi niya ito nakita kanina dahil may suot na sunglasses, matangkad rin ito na parang height ng isang modelo, para naman talaga itong modelo hindi mukhang mayor. Makisig ang pangangatawan nito at mamahalin ang pabango nito na nanunuot ngayon sa ilong niya. "Ok lang po yun, Mayor Davi.." Tanging sagot niya lang pero seryoso ang kanyang mukha, parang hindi naman ito na satisfied sa sagot niya dahil hinarang pa nito ang kamay sa pinto ng kotse niya. Kumunot ang noo niya sa ginawa nito at tiningnan niya ito ng may pagtataka. "I'm not satisfied, gusto kong bumawi sayo katniss.." Napaisip si kantniss sa sinabi nito at bahagyang natawa, kahit sa pagtawag nito sa pangalan niya ay parang close na sila. "No need for that mayor davi.. it's not a big deal.." "But i want too.." Bahagyang napa hugot ng hininga si katniss dahil sa kakulitan nito, wala siyang oras para dito. "Look mayor davi, walang akong oras para makipag usap sayo ngayon. Nagmamadali po ako dahil susunduin ko pa ang anak ko sa school..kaya, baka pwedeng sa susunod nalang?" Kalmado at pakiusap niya rito. Nakita niyang sumilay ang ngiti nito sa labi, mukhang mali ata ang nasabi niya. "So? payag ka magkita tayo next time? para makabawi ako sayo.." Nakatitig lang ito sa mukha niya at hinihintay ang isasagot niya rito, napatingin pa siya ulit sa kanyang relong pambisig at konting oras na lang ay baka naghihintay na sa kanya ang kanyang anak. Huminga siya ng malalim para matapos na ito. "Ok Mayor Davi, next time.." Tinanggal na nga nito ang pagkakaharang sa pinto ng kotse niya kaya naka hinga siya ng maluwag, dali dali na siyang pumasok ng kotse at bago pa siya makaalis ay kitang kita niya pa ang pilyong ngiti nito sa labi. Walang next time dahil hindi na kami magkikita pang muli ng mayor na yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD