Third Person's POV
At di nga nagkamali si katniss dahil kanina pa nagsimula ang program, naka upo narin ang mga bata sa upuan at nakahelera ang mga ito sa limang mataas na lamesa.
Tuluyan naring nakapasok si katniss sa loob ng bahay ampunan at dumeretcho sa kusina.
"Ba't ngayon ka lang katniss?"
Bungad sa kanya ni Ara na isa sa mga tumutulong din ka gaya niya dito sa sunshine home, magka edad lang din sila ng babae.
"Sobrang traffic kasi eh, buti na nga lang di pa na late si prince.."
Agad naman siyang tumulong sa pag prepare ng mga pagkain na ihahain para sa mga bata at sa mga opisyal lalo na ang bagong mayor dito sa Valencia city, medyo marami rin ang mga tao na narito.
Marami din naman sila sa loob ng kusina na mga kagaya niyang volunteer dito sa sunshine home.
"Sayang nga eh, di mo naabutan ang speech ni Mayor Davi, hay naku napakagwapo niya.."
Habang sinasabi iyon ni Ara ay nakatingin pa ito sa kawalan na para bang nananaginip ng gising o nagpapantasya.
Napapailing naman si katniss rito at natatawa na lamang, palibhasa ay hindi pa ito nagkakajowa sa edad na 27.
"Ok lang naman na hindi ko naabutan.."
Sagot niya na lamang rito.
"Hay naku, grabe talaga katniss..sobrang hot niya at napakatalino pa..hays nasa kanya na lahat ng hinahanap ko, sobra sobra pa nga eh.."
Natatawa na lamang si katniss sa kaibigan, wala naman kasi siyang masabi, sa larawan niya lang nakita ang bagong mayor. Gwapo nga ito pero wala naman ito sa kanya, hindi niya kailangan tumingin sa iba dahil may asawa na siya, kahit pa mas gwapo ito sa asawa niya ay di niya parin ipagpapalit ang asawa niya. Loyal siya at faithful sa asawa niya kahit malayo pa ito sa kanya at napatunayan niya iyon sa maghalos pitong taon na na hindi niya ito kasama, kahit pa may umaaligid sa kanya minsan ay hindi niya nalang ito pinapansin.
"Magtigil ka nga jan Ara, dalian mo nalang jan para maibigay na sa mga bata ang pagkain..nagugutom na sila."
Untag naman ng founder ng sunshine home kay Ara, kaya napatigil ito sa pagpapantasya. Napasimangot naman ito.
"Opo Ma'am Michelle.."
Binilisan naman nila ang pag prepare sa pagkain, nakita nilang bumalik si Michelle sa gawi nila kaya dali dali na silang kumilos.
"Katniss, ikaw na maghatid ng mga pagkain sa table nila Mayor davi, andoon din ang Vice mayor natin at ibang opisyal.."
Gusto mang tumanggi ni katniss pero di na siya naka angal pa ng umalis na din ang ginang sa harap niya.
Kinuha naman niya agad ang unang tray ng pagkain at naglakad na patungo sa gawi kung saan ang table ng bagong Mayor nila.
SA KABILANG banda naman ay nabaling ang tingin ni Mayor Davi sa isang babae na papalapit sa gawi nila at may dala itong tray ng pagkain,Naibaba niya ang kanyang sunglasses pero hanggang sa gitna lang ng kanyang ilong. Nang tuluyan na itong makalabas ng building ay kumikinang ang makinis at maputi nitong balat dahil sa sinag ng araw, nilipad din ng hangin ang medyo brown at mahaba nitong buhok.
It's like time stopped for a moment, at parang nag slow mo ito habang papalapit sa kanila, he couldn't help but be amazed at how beautiful she was, She has an innocent face, Maganda ang mga mata nito kahit medyo singkit na parang may lahing koreana it's even more adapted to the shape of her face, it was like an angel in his eyes, like a goddess, only now had he seen this kind of beauty.
Marami na siyang nakitang iba't ibang itsura ng babae, pero iba ito sa lahat.
Mayor davi bit his lower lip, staring at her intently. Kahit simple lang ang suot nito ay bumagay naman sa itsura nito dahil sa inosenteng mukha nito.
Hanggang sa tuluyan na nga itong nakalapit sa kanila, mas lalo lamang namangha ang mayor at di na maalis ang mga titig kay katniss, hindi din maman siya mahahalata na nakatitig siya rito dahil sa nakasuot siya ng sunglasses.
"Katniss, long time no see.."
Bati ng vice mayor kay katniss, mas lalo pa atang napamaang si Mayor davi ng tuluyan ng ngumiti ang babae sa harap nila, She has the most beautiful smile i've ever seen, what a sight! Pantay ang mapuputi nitong mga ngipin at may katamtaman lamang ang kapal ng mga labi nito at halata ang natural nitong kulay pula dahil tanging lip balm lang nakalagay rito.
"Kamusta po kayo vice.."
Nakipag kamay naman ang vice mayor kay katniss.
"Ito at naging vice mayor na din sa wakas.."
"Congratulations po ulit sa inyu vice.."
Nakangiting saad naman ni katniss.
Bigla namang napatikhim si Mayor davi ng bumaling sa kanya ang tingin ni Katniss at agad na nag iwas ng tingin.
"Congratulations din sa inyo Mayor Davi.."
Nakalahat ang mga kamay ni katniss sa kanya kaya nabaling ang tingin niya rito, tinitigan niya ang mukha nito pababa sa kamay na nakalahad nito, di niya tuloy maiwasang mapalunok.
fck! what the hell is happening to me??! this is fcking new to me!
"Thank you.."
Yun na lamang ang tanging nasagot niya pero di niya nagawang abutin ang kamay ni katniss dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
Para naman napahiya si katniss at agad niya nalang binawi ang kamay niya para hindi mas awkward sa side niya.
Tss! gwapo nga pero ampangit naman ng ugali!
Sa isip ni katniss.
"Hay naku katniss, sobrang ganda mo talagang bata ka!"
Nabaling naman ulit ang atensyon ni katniss sa vice mayor na ngayon ay pinupuri na naman siya.
"Hindi naman po vice.."
Medyo nahihiya na naman si katniss dahil ang atensyon ng lahat na kasama nito ay nasa kanya nakatingin.
"Ewan ko ba, gandang ganda talaga ako sayo, noon paman..kung naging lalaki lang ako eh matagal narin akong nagka gusto sayo.."
Nagtawanan naman ang mga kasama nito pati narin si katniss ay natatawa narin.
Kahit hindi derektang nakatingin si Mayor Davi pero kita niya parin si katniss sa gilid ng kanyang mata. Ang pagtawa nito ay naging masarap sa pandinig niya.
What about when she moan---fck! Davi! Damn it! are you fckign serious right now?!
Napamura na naman sa isip ang mayor dahil sa isipin na iyon.
"Diba mayor davi, ang ganda ni katniss?"
Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, buti nalang talaga ay di kita ang mga mata niya dahil sa sunglasses dahil kung hindi kitang kita ang pagkatulala niya ngayon.
"Yeah.."
She's damn beautiful and fcking hot! aargh!
Maikli niyang sagot, pero ang isip niya ay may mahabang sinabi.
"Sige po vice, kukunin ko pa ang ibang pagkain ng makakain na kayo, excuse me po.."
At tuluyan na ngang naglakad papalayo ang dalaga.
"Tss, sayang lang talaga si katniss.."
Nabaling naman ang tingin ni Mayor davi sa kanyang kaharap.
"Why??"
Tanong pa niya.
"She already married.."
Parang may sumaksak ng kung ano sa dibdib niya ng sabihin iyon ng vice mayor.
"Really?"
Hindi siya mapaniwala na kasal na pala ito, hindi din kasi halata dahil sa inosenteng mukha nito, batang bata pa kasing tingnan.
"Oo, pero ang malas niya sa asawa niya.."
This time at kumunot na ang noo niya bigla tuloy ang pag usbong ng kuryosidad niya para dito, tinanggal niya ang kanyang sunglasses at handa ng pakinggan ang sasabihin ng kaharap.
"Halos mag pi pitong taon na, hindi pa ito umuuwi sa kanya..duda nga ako na may babae ang asawa niya eh, pero dahil sobrang bait ni katniss ay wala siyang pagdududa sa kanyang asawa."
Ngayon niya lang na realize na isang marites pala ang kaharap niya.
Hmmm..interesting..
"Kung ako lang ang naging asawa ni katniss, ay hindi na ako aalis ng bahay, sino ba naman ang hindi aayaw sa ganoong ka ganda at sexing asawa.."
Sabi naman ng isang kasama nilang lalaki na isa ring city councilors.
Not you asshole! maybe me..
At sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi..