Chapter 7

1178 Words
ANDREA POV  "NANANG, paano mo po mapaparamdam sa isang taong mahal mo siya?" inosenteng tanong ko sa nanang ko. Nilingon ako nitong may pagtataka sa mga mata. Lumabi ako rito nagpapahiwatig na gusto niyang sagutin nito ang tanong ko. "Ano ang pumasok sa isip mo't natanong mo 'yan, anak?" nagtatakang tanong nito sa akin.  Matanda na s'ya kung kaya't mas marami s'yang alam sa mga ganitong bagay. Umayos ako ng upo sa sariling swivel chair sa silid ko, habang nagtutupi ito ng ilang damit sa kama kong personal nitong nilabhan. Hindi ko naman masabi sa aking Mama at siguradong ikagagalit n'ya. Alam kong mahal n'ya ako pero iba pa rin ang usaping puso. ."Gusto ko lang po malaman, Nang. Paano ba natin ipaparamdam na mahal natin ang isang tao? Paano niya ba masisiguradong siya lang ang mamahalin natin at wala ng iba pa," muli kong tanong dito, lumapit ito sa gawi ko. Tiningnan ako ng mariin sa mga mata sinalubong ako ng tingin na hindi nito maitatanggi ang sayang meron ako. "May ugnayan na ba kayo ni,  Gabriel?" tanong nito pagkadaka, napayuko akong nakangiti. Diretso ang tanong ni Nanang at walang paligoy ligoy.  Maya-maya muling nagtaas ng tingin ko---tumango-tango. Kilala lo ang nanang ko--- alam kong mapagkakatiwalaan ko ito na hindi ako nito ipapahamak kahit na ano pa ang mangyari. Lalo na sa ugnayan na mayroon kami ni Gabriel na hindi ko itatanggi rito. Na hindi ko itatago rito maliban sa aking sariling pamilya. S'ya lang ang tanging makakaunawa sa akin at kung anuman ang mayroon kami ng mahal ko. "Pag binigay mo na ang sarili mo sa kan'ya. Iyon ang magiging dahilan na wala nang makakapaghiwalay sa inyong dalawa," makabuluhang sagot nito sa akin ng mapagkakatiwalaang kong tao sa loob ng mansyon. Kung bakit n'ya sinabi ang mga katagang 'yon ay hindi ko alam. Gusto kong ipagwalang bahala at alalahanin na lang ang masasaya naming pagsasama ng mahal ko. Normal ang magkaroon ng agam agam pero ang pusong nagmamahal ay hindi marunong sumuko. Dapat ay malakas ang loob at may paninindigan. Mag iisang oras na akong nakatungo sa sarili kong awditibo. Hinihintay ko ang tawag ni Gabriel, tulad ng pinangako nitong tatawagan ako, tulad ng nakasanayan naming dalawa. Hindi pa rin tumutunog ang telepono ko.  "Okey lang kaya siya?" tanong ko sa sarili. Sa gitna ng labis na pagtataka kung bakit wala pa ring tawag ang binatilyo sa akin. "Miss na kita, Gabriel," aniya ko sa sarili. Hindi mabilang kung ilang beses na ba siyang tumingin sa relong pambisig ko.Nakaramdam ako ng biglang pagsakit ng ulo. Impit na daing ang pinakawalan ko, bahagyang ipinikit ang mga mata sa nararamdamang 'di maintindihan. Ilang sandali muli kong dinilat ang paningin. Kunot-nuo akong napatingin sa bagay na hawak-hawak ko. "Sino nga ba ang tatawagan ko?" Nagugulumihan niyang tanong sa sarili sa 'di maalalang tatawagan kong kaya't hawak niya ang sariling telepono. Humigit siya ng buntong-hininga. Nilapag ang cellphone niya, tinungo ang malambot niyang kama para ipahinga ang pakiramdam niyang pagod na katawan. Muling napakunot nuo sa 'di maalalang taong nais niyang kausapin. GABRIEL POV     KANINA pa siya nakaabang sa labas ng munting bahay nila. Kanina niya pa hinihintay ang kababatang si Veronica para makahirap siya sa cellphone nito para tawagan si Andrea. Alam niyang tulad niya nasasabik na rin itong makausap siya't hinihintay siya tulad nang madalas nilang makagawian. Magdadapit-hapon na wala pa ring Veronica siyang natutunghayan sa madalas nitong daanan papunta sa kanila. "Sana okey ka lang, Andrea." bulong niya sa sarili para sa babaeng tinuturing niya nang kasintahan.  Mula nang aminin nito sa kaniya ang nararamdaman nitong pagtangi sa kan'ya.Dumaan pa ang ilang minuto wala pa rin ang kababata niya. Naramdaman niya na wala nang pag-asa pang darating ito. Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot ng maalalang linggo nga pala kinabukasan. Walang Andrea, na hihintayin niya, walang Andrea na sisipot sa kanilang tagpuan dahil ito ay linggo. Araw ng buong pamilya ng dalaga sa mansyon, tiyak alam niyang 'di ito makalalabas para magkita't mag-usap sila.   MATAMLAY na umaga ang sumalubong kay Andrea. Araw ng buong mag-anak nila ngayon. Tyak na hindi siya makakalabas sa bahay nila. "Magandang umaga anak," nakangiting bungad ng yaya Trining niya sa kan'ya pagkabukas nito ng pinto. Nalipat ang tingin niya sa dala-dala nitong tray na puno ng prutas. May mangga,mansanas, ubas at ang paborito niyang abokado. "Magandang nanang, gising na ba sina mama at papa?" tanong niya dito matapos nito ilapag ang nasabing bagay sa lamesa sa gilid ng higaan niya. "Kanina pa nasa veranda lahat sila kasama si Agatha. Kanina ka pa nga nila tinatanong sa akin kong gising ka na, hija." Sagot nito sa kan'ya sa gitna ng pagliligpit ng mga gamit niya sa mahaba niyang lamesa kong nasaan nandoon lahat ng libro niya gamit sa eskwela. "Magpapasukan na sa susunod na linggo,malapit na rin ang ikalabing-walo mong kaarawan, Andrea. Magiging ganap ka nang dalaga." Nakangiti nitong 'ika sa kaniya. Gumanti siya ng ngiti dito, umupo sa kama niya't sinandal ang katawan sa headboard nito. "Nasasabik na ako sa aking kaarawan, nanang." aniyang nakangiti. Ang tingin niya'y nasa may malaking kwadro ng larawan niya sa silid niya. Kuha iyon n'ong nagdaang taong kaarawan niya sa mansyon. "Gising ka na pala!" Sabay sila napatingin sa pinto kasabay ng biglang pagpasok ng mama at papa niya. Kapwa naka-pajama pa ang mga ito. Walang emosyon ng lapitan siya para halikan sa pisngi. "Goodmorning princess," bati ng mama niya sa kaniya.Gumanti siya ng yakap dito nang yakapin siya nito. "I miss you so much, honey." bulas nito sa kan'ya nang kumuwala ito ng yakap.  "I miss you too, ma." ganting tugon niya sa mama niya. Liningon niya ang papa niyang nanatiling nakatayo sa may pinto ng silid niya. "Magtatanghali na nakahiga ka pa rin!" Aniya ng papa niya sa kaniya. Naramdaman niyang hinawakan siya ng mama niya sa kamay niya. Ang aking ama ay maaga laging gumising kaya gusto n'ya ay ganoon din kaming lahat sa bahay. Bawal ang hihila hilata. "Luis,  wala naman pasok ang anak mo ngayon." Pagtatangkang ipagtanggol siya nito sa tatay niya. "Babangon na po,pa." Pagpigil niya sa ilan pang sasabihin ng mama niya para ipagtanggol siya dito. "Mag-aayos lang ako ng sarili, ma. Susunod na po ako sa baba." Nakangiti niyang sabi sa mama niya, habang ang mga mata nito'y nakikitaan niya ng lungkot. "Sumunod ka agad, ha. Ayaw ng papa mong pinaghihintay ang pagkain." aniya sa kaniya habang nakatingin ito sa asawa. Tumango-tango siya't tumayo kasabay ng mama niyang pumunta sa gawi ng ama niya. "Susunod po ako, Pa. Sandali lang po ako." Magalang niyang paalam dito nanatili itong may malamig na tingin sa kaniya. Istrikto ang Papa pagdating sa oras.  Walang paalam na tumalikod ito tuloy-tuloy na lumabas kasunod ang mama niyang nilingon siya ng may pangungusap na mga mata.  Napasinghap siya ng hangin ng makitang sinirado na ng mga ito ang pinto ng silid niya. Tyaka niya lang naalala na nasa ilalim pa rin pala ng hipnostimo ang mama niya sa papa niya.  Ang pagiging sunod-sunuran nito ang isang bagay na kinalulungkot niya sa sitwasyon ng kanilang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD