Chapter 8

1066 Words
CHAPTER 8th GABRIEL POV ARAW ng pagkikita namin ngayon ni Andrea. Masayang masaya akong nagpitas ng santan na tanim ng kapitbahay namin para sa dalagang tinuturing ko ng kasintahan. Nakangiti ako habang inisa-isa pitasin ang mga bulaklak na alam kong magugustuhan ng dalagita. Sa pagiging simpleng babae ni Andrea, alam kong wala itong ibang ninanais kundi mga simpleng bagay lang tulad kong simpleng tao lang din. "Hoy,Gabriel!" Napalingon ako sa matinis na boses ng babae sa likuran ko. Walang iba kundi si Victoria. Pinagmasdan ko ito habang papalapit sa akin."Pasensiya na hindi ako nakapunta sa'yo kahapon. Gawa na pumunta ako ng mansyon pinuntahan ko si nanang." Pagbibigay alam nito sa akin. Napatayo ako ng tuwid ng marinig niya ko ang mansyon. Na alam kong pagmamay-ari nina Andrea,dahil doon nagtratrabaho ang nanang nito."O-okey naman ba mga tao d'on?" pagbabasakali king may malaman tungkol kay Andrea na 'di lingid sa kaalaman ng kaibigan ang may ugnayan na kaming dalawa.Nagkibit-balikat itong umiling-iling sa akin. "Ang alam ko maayos naman mga tao d'on. Ganoon pa rin mga matapobre pa rin lalo na 'yong prinsesita nila kong ituring. Ang alaga ni nanang," anito sa akin, si Agatha siguro ang tinutukoy nito na pinsang buo ni Andrea. Naghintay pa ako ng iba pang sasabihin nito baka patungkol na ito kay Andrea. Napatikhim ako ng wala na itong balak pang mag-kwento sa akin. "Aalis ka?" maya-maya tanong nitong nakatingin sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin, napataas kilay na napatingin sa hawak kong kumpon ng santan."Para kay nanang," pagsisinungaling ko sa nagtatakang tingin nito sa akin. Na kahit 'di nito direktang magtanong. Alam ko ang pahiwatig ng tingin ng kaibigan."Hindi naman kaarawan ni nanang,a." Anitong napaismid sa akin. Hindi na ako tumugon, hindi na nito kailangan ang paliwanag alam ko. Ang importante maibigay ko ito kay Andrea. At muling makita ang dalaga, sa pag-aalalang nararamdaman ko rito---pakiramdam ko may iba ng nangyari rito. At sana nagkamali lang ako. Dahil pag nangyari yon alam ko sa sarili kong wala ako magagawang iba para sa kaniya. Lalo pa't ang isang katulad ko ay hindi basta basta nakakapasok sa mansyon. Ngayon lihim akong nagbabasakali na sana dumating si Andrea sa madalas namin puntahan-- Dahil pag wala mas labis ang mararamdaman kong pangamba para sa dalaga. ANDREA POV NAUNANG akong dumating sa aming tagpuan ni Gabriel. Kanina ko pa ito hinihintay---sa unang pagkakataon yata ngayon lang ito nahuli sa oras ng usapan naming dalawa."Gabriel," halos ilang beses ko nang ibinulong sa sarili ko. Ang pangalan ng binatilyo, nakaramdam ako ng pag-aalala at wala pa rin ito-- kasabay ang lungkot na nararamdaman ko na baka hindi ito dumating sa tagpuan namin. Ilang araw na rin kami halos hindi nagkikita ni Gabriel dahil sa madalas ko rin nakakalimutan ang usapan namin--na hindi ko rin naiintindihan minsan kung ano nga ba ang nangyayari.  Ilang minuto pa ang lumipas ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Gabriel. Humahangos ito palapit sa kinatatayuan ko. "Gabriel,"bulong ko sa sarili-- hindi mawaglit ang tingin ko sa binatilyong papalapit sa akin."Pasensiya ka na pinaghintay kita," agad nitong hingi  ng paumanhin sa akin. Napangiti ako sa saya ng binaba ko ang tingin ko sa hawak nitong kumpon ng santan."Para sa'yo, Andrea." Nakangiti ko itong tinanggap."Salamat, Gabriel," aniya ko kay Gabriel. Kapwa kami napangiti sa isa't isa at makikita ko ang kaligayahan sa mga mata namin na kapwa nangungusap."Andrea, okey lang ba sa'yo kong aanyayahan kita sa bahay namin?" ilang sandali tanong sa akin ni Gabriel. Bahagya akong nakaramdam ng kaba. Hindi alam ang isasagot dito-- sa puso ko nakaramdam ako ng pag-aalangan. Paano kong jindi ako magustuhan ng magulang ni Gabriel? O, baka may ibang gusto ito para sa binata. "Ayos ka lang, Andrea?" ilang sandaling tanong nito sa akin, nang mapansin siguro nito ang pananahimik ko."Kung ayaw mo, naiintindihan ko. Hindi kita pililitin," dugtong pa nito sa akin. Muli pang inulit ni Gabriel ang tanong niya sa akin. Nakita ko ang sarili kong tumango, pumapayag sa gusto nitong mangyari na kung maaari ba akong sumama sa bahay nito sa karatig isla ng bayan na kinatitirikan ng mansyon namin. Napansin ko ang labis na tuwa sa mga mata ni Gabriel-animo para itong bata na natupad ang hiling nito."Talaga ba, Andrea?" tanong nito na may paninigurado. "Wala naman masama pag sumama ako sa bahay niyo hindi ba,  Gabriel?" sagot kong may dalang tanong sa kaniya.  Ramdam ko kasing hindi talaga siya makapaniwala sa pagsang-ayon ko. Isa pa gusto ko rin kasi makilala ang pamilya nito, lalo na ang nanang nito na madalas nitong ikwento sa akin. Ang taong lagi kong kahati sa santol na binibigay nito sa akin."Matutuwa si nanang pag dinala kita sa bahay para ipakilala sa kaniya," sambit nito sa akin. Tumango-tango akong nakangiti sa kaniya. Labis din ang tuwang mararamdaman ko pag natanggap ako ng pamilya nito para rito.  Naglatag muna kami ng banig sa damuhan at pinagsaluhan din namin ang ilang pagkain na dala ko galing mansyon---na gawa ng nanang ko para sa amin ni Gabriel. Chicken sandwich at fresh orange juice ang hinanda nito n'ong umagang yon para sa amin ni Gabriel. Kong kaya labis ang sayang naramdaman ko sa muli namin pagkikita."Pinag-alala mo ako, Andrea," aniya nito sa akin ilang sandali. Ang kaninang tuwa sa mata nito ay napalitan ng lungkot--pilit akong ngumiti sa kaniya. "Ayos lang ako, Gabriel. Nakatulog lang ako nagdaang gabi, pasensiya ka na kung hindi ko na nakuha pang magpaalam sa 'yo," hingi kong paumanhin dito.  Unti-unti itong muling napangiti sa akin. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya- hinati ang tinapay sa dalawa, sinubuan ako. Nahihiya akong tanggapin ito pero dahil na rin sa pagkakaroon naming ng ugnayan tinanggap ko itong nakangiti sa kaniya."Salamat,Gabriel." Sa gitna ng pagnguya ko. Hinawi nito sa mukha ko ang ilang gahiblang buhok na nasa pisngi ko. "Napakaganda mo, Andrea," puno ng pagpuring sinabi nito sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang nanatiling nasa pisngi ko."Para kang prinsesa," aniya pa nito. Binaba ko ang kamay nitong hindi inalis ang kamay ko."Maraming salamat sa paghangang nararamdaman mo sa akin, Gabriel. Tulad ko ganoon ka rin, kung pisikal lang ang pagbabasehan wala tayong pinagkaiba," tugon ko rito. Pinagdaup nito ang palad naming dalawa, tinaas nito dinala sa labi nito. Habang ang mga mata'y nanatiling nakatingin sa akin. Labis-labis ang sayang nararamdaman ko n'ong araw na iyon--- dahil alam kong sa puso ko mismo, na mahal ko na si Gabriel. Mahal na mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD