Kanina pa ako hindi mapakali dito sa tindahan habang hinihintay ang pagdating ni Jennifer. Halos mapudpod na ang aking mga kuko sa daliri dahil sa maya't maya kong pagkagat dito. Si Jennifer pa mismo ang nagtaboy sa akin palabas ng opisina ni Charles dahil may importante daw siyang sasabihin niya. "Ano ba't para kang hindi mapaanak d'ya--" "Ay, matandang kwago! S-Sorry po, Aling Tess. N-Nagulat lang po ako," agad akong humingi ng paumanhin habang nakahawak sa aking dibdib dahil nakita kong nagulat din si Aling Tess sa aking pagsigaw. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Pansin ko na masyado kang magugulatin. Tigilan mo na ang kaiinom ng kape, jusko kang bata ka." Napakamot sa ulo si Aling Tess at pinagbentahan ang isang customer na bumibili ng tocino. "Bihira lang naman po akong magkape dahil