Chapter 4- Takbo

1420 Words
Kinagabihan ay nagyaya na ang mga ayop gumala gaya ng napagkasunduan kaninang umaga. Ang destinasyon? Lalayo pa ba kami sa A'choholic? Nandun na iba naming tropa, nauna na sa amin. Sina Rafa, Zap, Kiera at Amber. "Thirdy, tabi tayo!" saad ni Shine sa kapatid ko. Tawang tawa. Kasalukuyang binabagtas namin ang hallway patungong elevator. "Mahal ko pa buhay ko, shuta ka! Lumayo-layo ka sa akin, nagdidilim pa paningin ko sayo. Paborito ko pa naman yung polo na yun." "'Di bale pre, bagay na bagay naman sayo T- Shirt ko. Ingatan mo yan, galing UK pa yan." Saad naman ng demonyo. "UK? Ukay ka mo? Kaya pala amoy nasa baol!" "Yabang mo ah! Mukha ka namang sinaunang tao! Homo sapiens!" kahit nakakatawa yung sinabi ng demonyo ay 'di ko magawang matawa pero yung tropa ko dumadagundong yung tawanan sa hallway. "Homo erectus!" ganti ni Thirdy sa kanya, ayaw rin patalo. "Homo habilis!" ganti muli ni Uriel. "Tama na pre, parang tanga na si Rafiki oh kakatawa!" Doon na ako natawa ng tinuro ni Thirdy si Kiro. Si Rafiki yung unggoy sa lion king. "Tangina Rafiki!" magkaakbay sina Dos, Ian, Thirdy at Uriel. Pinagkaisahan si Kiro. Huminto pa ang apat para lang tawanan si Kiro. Nauna na si Uno sa may elevator, nakabukas na rin ito hinihintay kaming makapasok. Sumunod ako, si Shine, si Lee pero ang gago na si Kiro malakas na kinatok ang isa sa mga pintuan sabay takbo, naiwan si Dos, Rain, Uriel at Thirdy, nakita ko ang paglaki ng mga mata ng apat, natigil sa pagtawa, namutla bigla. Kay bilis na pinindot ni Kiro yung close button ng elevator ng makapasok sa loob. "Bilisan mo Homo Habilis!" Tawang-tawang sigaw ni Kiro. "Hoy gago!" sigaw ni Thirdy na halos 'di na sumayad ang paa sa lupa. "Tawa pa more!" Sigaw ni Uno. "Tanginang hayop na to!" Sigaw rin ni Uriel. Nasisitakbo silang apat. Yan kasi ang babagal maglakad. Tawang-tawa kami sa apat, ang malas pa dahil 'di nila naabutan ang elevator. "Hoy! Siraulo to anak ni Kevin! Humanda kang ayop ka!" Sigaw naman ni Rain. Bago sila makalapit nakasara na ito. Halos 'di makahinga si Uno at Kiro kakatawa. 'Di ko maimagine itsura ng apat. Saan na kaya ang mga iyon. Napapailing na lamang ako sa kabalbalan ng mga katropa ko. "Hoy Kiro, 'di ka na naawa sa apat." saad naman ni Lee. "Yaan mo yun, malalaki na mga yun. Part yin ng growing up." Nakipag-apir pa ito kay Uni. Tawang tawa pa rin kami hanggang sa magbukas ang elevator. Nagulat pa kami at napatigil dahil nasa harapan na namin sila, mas nauna pa nga sa amin ang apat. Nakahawak pareho ang mga ito sa magkabilang tuhod nila, hinihingal, malala. "O! Anyari sa inyo?" Natatawa pa ring saad ni Kiro. "Tangina kang ayop ka! Yung sampung baitang ginawa naming dalawa! Si Thirdy kung pwede dumiretso sa ground floor ginawa na!" hinihingal na saad ni Uriel, tagaktak ang pawis sa katawan. "Napakahayop mong yawa ka! 'Di ka na naawa! Sarap mong ibaon! Shuta ka! Ang sakit ng balakang ko, ayop mo!" hinihingal na saad ni Thirdy. "Ikaw lang ba! Ako rin! Yung totoo pre, galit ka ba dahil sinira ko polo mo? Bakit mo ko tinulak, hayop ka! Gumulong tuloy tayo pareho!" reklamo ni Rain. Si Dos, hinihingal ngunit 'di mapigilan tumawa.Napatingin kami sa kanya, nadadala kami sa tawa nito, halos 'di na ito makahinga, Sumabay ang hingal at tawa. "Si Thirdy at Rain, gumulong sa hagdanan. Naguunahan kasi makababa." tumawa muli si Dos. " Yung gumulong na nga pero naguunahan pa rin tumayo at makababa. Akala mo talaga magnanakaw na hinabol." Iisang sasakyan lang gamit naming lahat. Nagsisiksikan kami sa kotse ni Uno. Ofcourse si Uno yung driver, si Dos naman katabi niya sa shotgun seat. Sa likod nina Uno ay ako, sumunod si Ian kandong niya si Thirdy, sumunod si Rain. Sa likod naman namin ay si Kiro, kandong niya si Lee, sumunod si Shine at Uriel. "Tangina pre, may luslos ka ba, ang bigat mo shuta ka!" reklamo ni Ian. "Ali ka nga dito, payakap nga sa leeg!" at pabiro ngang niyakap ni Thirdy si Ian sa leeg. "Tangina pre, ano yung tumusok sa pwét ko? Yawa, nalilibugan ka sa 'kin- Aray!" sabay kaming natawa ng biglang napapreno si Uno, si Thirdy napunta bigla sa front seat. "Oy, Bal, 'di mo naman sinabi gusto mong humalili magdrive." natawang saad ni Uno. "Isa ka rin, eh! Sarap mong hampasin ng kambyo! Parang 'di pamilya yawa ka! Yung balakang ko, shuta. Na-dislocate na yata mga kabutohan ko." —------ “Kuya Jon! Kuya Bogs!” Nakihighfive si Ian sa mga bouncers na nakaassign sa main entrance. “Maghahasik na naman kayo ng lagim!” game na game namang nakapag-highfive ang dalawang bouncer kay Ian. “Grabe naman! Is Kuya Caleb around?” “Oo nasa shop niya may chikas nagpatattoo.” “Anong kulay ng karayom gamit Kuya?” pilyong tanong ni Ian sa bouncer. “Malamang pagkatapos ng itim yung puti naman!” sagot ni Dos. “Magtatanong ka pa, kilala mo namang tirador yung Kuya mo.” segunda naman ni Rain. Isa-isa kaming pumasok sa loob ng A’choholic, nakikihighfive rin kami. Kilala na kami ng mga staff ng bar, maliban sa tropa namin ang may ari ay halos araw-araw laman kami ng A'choholic. Dito na yata kami lumaki. Pagpasok namin ay dumiretso kami sa nakareserbang table para sa buong tropa . Nandoon na nga yung ibang tropa namin, may mga nakalatag na rin na inumin sa table. Nakioaghighfive kaming lahat kina Zap, Rafa, Kiera at Amber. Ilang saglit lang nagsimula na kaming maginuman lahat. Maingay na yung musik sa loob ng bar ngunit nasasapawan pa rin ito sa halakhakan ng mga tropa ko. "Tol! Ganda oh." Napalingon kami sa tinuro ni Rain. Maganda nga, para siyang barbie. "Oo nga. Diskartehan ko. Sandali." mayabang na saad ng demonyo. "Hindi ka type niyan, ang lagkit ng pagkakatitig sa akin." Saad naman ni Thirdy. "Pustahan?" alok ni Thirdy. "50 bucks!" saad ni Uriel. "Game!" Nilapitan ni Uriel ang katabing table. “Miss, nakikipagsex ka ba sa unang kita?” napaawang ang labi namin ng marinig ang sinabi nito. Apaka demonyo talaga. “Of course not!" buti hindi nagalit yung babae. Tumanggi nga ito ngunit nakangiti naman. “Sige balikan kita bukas.” saad nito sa babae. Napatitig sa kanya yung babae, na amaze yata sa banat ng demonyo o di pa nag sink in sa utak nito ang banat. “Gago!" "Ayop!" Sunod-sunod na mura ng mga tropa kong lalaki. "Gaano ka kataas?" napatigil yung mga tropa ko ng marinig ang tanong ng babae kay Uriel. "6'2" mayabang na sagot ni Uriel. "Matigas na o malabot pa?" mapangakit na tanong ng babae. "Ooh!" Sabay-sabay na bulalas ng mga tropa ko. Napangisi yung loko, yung ngising demonyo. "Come check it. It's taller." saad ni Uriel sabay hawak sa kamay ng babae at hila nito palabas ng A'choholic, nagpatianod naman yung babae, halatang gustong-gusto rin. Napataas ang kilay ko, maypa of course not pa pero kilig na kilig araruhin. "Hoy! bumalik ka rito!" sigaw ni Dos ngunit tuloy-tuloy na paghakbang ni Uriel palayo sa amin, tigas na tigas na siguro ni 'di na kami nilingon pabalik. I rolled my eyes, napailing. Ilang saglit lang nag aya na ang iba umakyat sa dancefloor upang mahimasmasan sa naramdamang hilo. Maging ako ma'y ramdam ko na rin. Kay bilis kong lumayo ng makaramdam na may humawak sa baywang ko. Paglingon ko nakita ko ang pagngisi ng demonyo. Masama ko siyang tinignan. Tinalikuran ko siya at bumaba ng stage. Kay sarap pa naman ng mood ko sinira na naman ng kampon ni santanas. "Oh! Bad mood yata." pansin ni Rain sa akin. Bumuka ito ng usok pataas mula sa hinithit nitong vape. "Pahithit ako, naiwan yung akin sa condo." walang pagdadalawang isip na inabot sa akin ni Rain ang vape nito. I took it from him. Hinithit sabay buga ng usok pataas. "Balita ko hiwalay na daw kayo ni Lalaine?" he asked. "Yeah." saad ko at muling himithit sa vape at buga ng usok pataas. "Sawa na daw siya sa halik lang, shuta." "Mag-explore ka kasi. Watch porn." tangina at tinuruan pa nga ako. "Or you can have a tutor. I volunteer myself." Napatingala ako kay Uriel. He sat beside me. Hindi ako nakapalag ng kinuha niya mula sa kamay ko ang vape ni Rain. Humithit siya mula dito sabay buga pataas. Then he looked at me. “Let me show you what you’ve missed.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD