Chapter 5- Daddy Frog

1334 Words
Chapter 5 "Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo! Kadiri kang ayop ka!" narinig ko ang pagtawa ni Rain. Umilag ito ng batuhin siya ng takip ng beer ni Uriel. "Galingan mo pa diskarte mong ayop ka." kantiyaw ni Rain sa kanya. Tila may laman ang sinabi nito. Hindi naman siya pinansin na ni Uriel. "Why not give it a try, Felisse." saad muli nito. Humithit muli mula sa vape sabay buga ng usok pataas. "I promise, they gonna stick with you after learning the third base." nilapit nito ang mukha sa akin, masyadong halatang nakipagflirt. Tadyakan ko kaya to sa mukha ng tigilan niya ako. "Harot mo, pre!" kantyaw ni Rain sa kanya. "Lumayo-layo ka sa akin baka masapak kitang ayop ka!" banta ko sa kanya. "Bakit ba kumukulo dugo mo sa 'kin?" untag niya sa akin. "Bobo ka ba o tanga ka lang? Sa mga pinaggagawa mo sinong 'di kukulo dugo sayo? Sarap mong hambalusin!" saad ko sabay tungga ng hawak kong beer. "What if nagpapanggap ka lang na tomboy pero may lihim ka pa lang pagtingin sa akin." Sabay pa kaming nasamid sa ininom naming alak ni Rain ng marinig ang nakakabobong tanong ni Uriel. Sarkastikong natawa ako, maging si Rain natawa rin sa kagaguhan ng kaibigan. "What if akala mo may utak ka nga pero wala naman?" mas lalong natawa si Rain ng marinig ang banat ki. "Ouch! Third degree burn! Lustay na lustay, tol." Natatawang saad ni Rain. Tinaas nito ang isang kamay upang makipaghigh-five sa akin. Mapaglarong nakipag-apir naman ako sa kanya. "'Di yan, sa apoy kaya yan nakatira." banat ko muli. "Ano kala mo sa akin, demonyo?" "Sayo galing yan, 'di nga ba?" "Pinangalanan pa akong Anghel ng mga magulang ko, gagawin mo lang pa la akong demonyo." "Yun nga pinagtataka ko, 'di kaya ampon ka? Magoverthink ka na." "Ouch! Taman na Fifth, iiyak na patungo." "Shuta kayo! Pinagkaisahan niyo ko, ah." Tinungga muli ni Rain ang hawak nitong beer, nakatawa pa rin. Aliw na aliw sa mga banat ko ang loko. Inangat ko rin ang bitbit kong beer sabay tungga, nakadalawang lagok pa lang ako ng malipat muli ang tingin ko kay Rain ng mapatayo ito bigla, na para bang may nakita na agad nakaagaw sa pansin nito. Magkasalubong ang kilay nitong mariing napatitig sa kung sino sa malayo. Sinundan ko ng tingin ang direksyon ng mga mata niya. Nahagip ng tingin ko ang isang babaeng maganda, pamilyar sa akin ang mukha ngunit 'di ko lang matandaan kung saan ko ito nakita. "Alex?" rinig kong sambit nito. Naalala ko na! Oo nga kamukha niya ni Alex yung kasambahay nina Rain na bigla na lamang naglaho na parang bula nalipat ang tingin ko kay Rain ng binalak nitong lapitan ang babae ngunit paglingon ko pagbalik sa kamukha ni Alex ay 'di ko na ito nakita pang muli. She really looks like Alex ang kaibahan nga lang ay napakasimple ni Alex habang puno naman ng kolorete ang mukha nung kamukha ni Alex. "Fûck!" Rain cursed. 'Di na ito nakapagpaalam sa aming dalawa, kay laki ng mga hakbang nitong nilapitan yung pwesto kung saan nakatayo kanina yung kamukha ni Alex. "Mukha natamaan yata." saad ni Uriel. Kami na lamang dalawa ang naiwan sa couch. Nailang ako bigla. Ayokong makasama siya kaya tumayo ako ngunit laking gulat ko ng hawakan nito ang braso ko sabay hila sa kin paupo pabalik sa couch. "Saglit." "Bitawan mo ko kung ayaw mong ipukpuk ko tong bote sa ulo mo." "Kailan ka pa natutong maging basagulero?" "Ngayon kapag 'di mo ko binitawan." "Sorry." napatigil ako ng bigla itong sumeryoso. "Wala naman akong balak sulutin jowa mo, siya unang nag-chat sa akin, sinakyan ko lang. Sinadya kong mahuli mo kami para matauhan ka na niloloko ka ng babaeng yun." "Utuin mo na lahat, wag ako. Bitaw!" "Kung ayaw mong maniwala bahala ka. I'm just concern okay." "I don't need it, especially it came from you." "Sabi niya nabobored siya sa relasyon niyong dalawa. She wanted you to touch her body ngunit daig mo pa daw estatwa but you're a good kisser sabi niya, I don't believe her unless I tried it myself." Sinubukan ko muling bawiin ang braso kong hawak niya ngunit sadyang kay lakas niya. "Bitaw!" I warned him. "Totoo! I wasn't just inventing a story." "As if I care! Idiot" "You're a good kisser it just you don't know how to play. I wanted to help if you just allow me, walang malisya, tropa tayo 'diba." "No!" may diin kong saad sa kanya sabay bawi ng braso kong hawak niya. Tumayo ako at iniwan siya. "Think twice, Felisse." rinig ko pang sigaw niya. I raised my middle finger without looking back at him. Saturday. Excited kaming magkakapatid. Uwian muli kasi sa Mansion de Fernandez. Ang lalaki na namin pero naeexcite pa rin kami sa tuwing umuuwi kami sa mga magulang namin. Nakakamiss talaga ang pag-aalaga ni mommy at ang pagpapatawa ni Daddy. 'Di pa nga nakaparadang matino si Uno ay binuksan ko na ang pintuan ng kotse. "Mommy! Daddy!" Sigaw ko. Tinaas ko ang dalawang kamay. "My princess! And my four frog prince!" Sigaw din ni Daddy. Kay bilis nitong nakarating sa main entrance ng mansion kay lapad ng ngiti nito, bakas ang ningning sa mga mata niya. Tumakbo ito upang salubungin ako, tuwang-tuwang makita ako, katulad ko'y nakataas rin sideways ang magkabilang kamay nito ngunit bigla akong napahinto ng madapa si Daddy. "Oh God! MOO! Dahan-dahan lang para ka namang isang dekadang 'di binisita ng mga anak mo." Tarantang dinaluhan ni mommy si Daddy ng makitang nakahandusay sa lupa si Daddy. Di ko alam kong maaawa o matatawa sa kanya, lumapit din ako ngunit di ko mabuhat-buhat si daddy 'di ko na napigilan tawa ko. Kay bilis na nagsibabaan mga kapatid kong lalaki upang tulungang makabangon si Daddy. "Daddy frog!" mas lalong natawa ako ng marinig ko ang pagtawag ni Thirdy kay Daddy, in a british accent. "The water is there, why did you dive here, your a frog not a carabao." "Lokong batang to! Tulungan mo ko." sunod-sunod na dumalo ang mga kapatid ko ngunit katulad ko'y nahirapan ang mga itong tulungan si Daddy dahil mas nauna pa ang tawa. Si Uno napapailing habang nakaluhod sa lupa, tinatago ang pulang-pulang mukha nito. Si Thirdy kay laki ng bunganga parang hindi tatay namin yung pinagtatawanan. Nakailang hila sila kay daddy ngunit di nila ito maangat-angat dahil panay ang tawa nila. "Sigi magtawanan muna tayo. Mga batang to, mga anak ko ba talaga kayo. Aguy, yung balakang ko." dumapa si Daddy. Natawa muli ako ng biglang mag otso-otso ito. "Ang sagwa dad, shuta." natatawang saad ni Dos, binitiwan na nito si Daddy napaupo sa lupa, nagpatuloy sa pagtawa. Lumayo ako at si mommy hinayaan namin sina uno na alalayan si Daddy ng matigil ang mga ito sa pagtawa. Si uno nakaalalay sa kaliwang braso ni daddy, sa kanang braso naman si Dos, si Thirdy sa kanang hita habang si Fourth sa kaliwang hita. Binuhat nila si Daddy papasuk ng mansion. Natawa ako sa itsura ni Daddy parang magbabarkada lang talaga eh sa kakulitan. "Ho! Ho! Ho! Ho! Ho! Ho!" mas lalo pa nga akong natawa ng mag tunog unggoy si daddy. Si mommy napahilot sa sintindo niya ngunit may ngiti naman sa labi niya. "Hoy saan niyo ko dadalhin!" Reklamo ni daddy ng dumiretso sila sa back door papuntang swimming pool. "Zachary, Dominic, Theodore, Forester! Put me down!" Dumadagundong ang tinig ni Daddy. Sumeryoso ito bigla. Tila parang sundalo naman ang apat na maingat na nilapag si Daddy sa gilid ng swimming pool. Inayos ni Daddy ang suot nitong polo, nalingat yung apat huli na ng mapigilan nila si Daddy, isaisa silang tinulak ni Daddy sa pool. Tawang-tawa ako ngunit napatigil bigla ng tinignan ako ni Daddy, alam ko na agad nasa utak nito. Sinubukan kong tumakbo ngunit kay bilis na nahapit ako ni Daddy sa baywang ko. "Oh no! No! No! No!" napatili na lamang ako ng sabay kaming lumubog dalawa sa pool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD