Chapter 2 - The breakup

1972 Words
“Suntukan na lang tayo, dali!” paghahamon ko sa kanya. Tinawanan niya ko. “Sige bal hawakan ko itl0g!” Singit ni Thirdy. “Tig iisa tayo, bal.” saad naman niya kay Dos. “Gago! Magisa ka! Kadiri kang hayop ka.” palag naman ni Dos. Tawang-tawa naman si Uno at si Uriel. Nagbawi ng tingin si Uriel at binalik sa kausap niyang babae, bahagya siyang yumuko at may binulong rito, namula yung babae, I rolled my eyes, ang harut talaga ng demonyo. Yung babae nag twinkle-twinkle little stars muli ang mga mata, 'di ko alam kung anong nagustuhan nila sa gago, may itsura nga, apaka sama naman ng ugali, apaka tarantado at apaka hayop, nakakabwesit. Kung lalaki ako mas hamak na gwapo ako kesa sa kanya, gentleman pa ko. He slid his finger under the girl’s chin, bahagya niya tong pinatingala, he smiled as she stared at her in the eyes, bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa gilid ng baywang ng babae at marahang pinisil, bago niya to pinagapang sa likuran ng babae sabay hapit nito palapit sa kanya, nagdikit ang katawan nilang dalawa, bahagyang umarko ang katawan ng babae, inikot ang dalawang braso sa likod ng leeeg niya, dahan-dahan namang bumaba ang labi niya rito, nag-iwas ako ng tingin sabay nasusuka ng papakin nito ang labi ng kaharutan. “Ang aga pa tol!” saway ni Uno. “Magiging future engineer ka na niyan?” segunda naman ni Dos. “Future single dad kamo!” kantyaw naman ni Thirdy. "Aga-aga ang harot!" sabay na napalingon kaming apat ng marinig ang boses ni Lee, kasama nito sina Ian, Rain at Kiro. "Uriel! Uwagan!" ang pangit talaga ng accent ni Ian sa bisaya. Nagbakasyon kasi sila sa Cebu ng isang linggo kaya pagbalik may baon ng bagong salita. "Hoy Uriel! Tatlo na kayong nakatayo." kantyaw naman ni Kiro. Nang ibaling ko pabalik ang tingin sa kanya ay nagpaalam na ang babae. Nang tumalikod ito sa kanya ay hinabol pa niya ng hampas ang pwet nito. Nanlaki ang mata ng babaeng nilingon siya pabalik ngunit imbes na magalit ay kinilig pa, shuta, gustong-gusto rin. Lumapit ang demonyo sa amin. Naki highfive sa mga kakambal ko at mga tropa namin. ‘Di ko siya pinansin. "Anong u-wa u-wa-gan?" nahirapan pa si Lee i pronounce yung word pati ako nga 'di ko mabigkas kahit sa isip lang. "Bisaya ng maharut." agad namang sagot ni Ian. “Ay bagay!” saad ni Lee "Oo nga uwagan nga!" "Nahiya naman ako sa inyo, ang babait at lilinis niyong mga hinayupak kayo!” huminto ang tingin niya sa akin, masama ko siyang tinignan, tinaasan ko siya muli ng kilay. “Ang cute mo Juana Felisse!” hinampas o ang kamay niya ng balak nitong pisilin ang pisngi ko. “Aga-aga nakasimangot ka na naman, may dalaw na naman-” umilag ito ng lumipad ang kamao ko. Tinawanan niya ako. “Ba’t ang init ng dugo mo sa akin.” “Yung pagmumukha mo nakakabwesit.” saad ko sabay talikod. “Sandali bal, san ka punta?” “Sa classroom na ko tatambay, magpapalamig ako, init rito sa pugad ng demonyo.” “Sabay na tayo.” rinig kong saad ni Uno. Hinabol pa niya ako sabay akbay sa akin. Nakisabay na rin ang lahat, rinig ko silang nagkwekwentuhan sa likod ko. “Guys may tanong ako!” rinig kong saad ni Thirdy. “Kabulastugan na naman yan.” saad naman ni Ian. “Anong hayop ang bumubusina?” “Aga-aga Theodore!” saway ni Lee. “C’mon! Wag na KJ! Ano nga!” saad ni Thirdy. “Walang may alam no? Kahiya kayo!” “Hindi! Walang may pake!” nagtawanan sila ng sumingit si Uno. “Ako na lang! Edi Baka! Bakit?” siya lang rin lang sumagot sa tanong niya, walang sumagot, natahimik bigla. “Ako na lang muli dahil mga bobo kayo. Baka dahil beef! Beef!” pero mga barkada ko ang a-ayop walang umimik pero ramdam ko pagpipigil nilang matawa. “Mautot sana kayo, mga ayop kayo!” “Tapos na naman midterm, A’choholic tayo maya?” rinig kong saad ni Kiro. “In ako!” sagot ni Lee. “Game.” segunda ni Ian. Sunod-sunod na sumang-ayon yung iba pa. “Ikaw Juana!” rinig kong tanong ng demonyo. ‘Di ko siya sinagot. Hinayupak na to! Yung porma ko lakas makagwapo, tapos tatawagin akong Juana, I love my lola’s name pero nakakawala ng angas. “Juana!” “Isa pang tawag, sasapakin kita!” “Juan-” nahinto ito ng huminto rin ako at nilingon ko siya. “Dominic! Theodore! Zachary! Maya, ha?” patuloy niya. Nagbawi ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. “Juana!” “Bal, hawak na namin, dali sapak na!” paglingon ko hawak na nga ni Thirdy at Dos si Uriel sa magkabilang braso, napangiti ako. Natatawang nagpupumiglas si Uriel ngunit walang panama ang lakas niya sa dalawa. Si Kiro pumwesto sa likod at nilagay sa may leeg nito ang braso. “Bitawan niyo ko! Shuta kayo! Child abuse, to!” pagpupumiglas nito. “Dali, itl0gan mo na!” saad naman ni Dos. “Hoy! Shuta puhunan ko yan!” palag ni Uriel Kay bilis kong nakalapit, sinapak ko isang beses. “Isa lang?” saad ni Thirdy. “Damihan mo na!” “Oo nga!” segunda ni Kiro. “At ang hina!” saad ni Ian. “Lakasan mo pa.” saad naman ni Dos. “Oo yung sa lakas hahalo yung parietal lobe ng brain sa frontal lobe tapos yung thalamus at Hypothalamus.” heto na naman si Rain. Shuta yung talino, sagad. "Ano yun?" natawa ako sa tanong ni Uno. “Uwi na tayo. Nararamdaman ko pagkabobo ko rito.” saad ni Thirdy. “Ako rin sinampal ako ng kabobohan ko.” singit naman ni Kiro. I was already inside my classroom, I sat on my chair. Since wala pa ang proof ay kinuha ko muna mula sa bulsa ang cellphone to check if nagreply ba si Lalaine. She’s a Tourism student. ‘We need to talk. Playlist’s Cafe at 11.’ Napatitig ako sa chat message niya, napapaisip. May idea na ako kung anong pag-uusapan naming dalawa pero sana nga mali ako, may kirot, syempre, minahal ko eh. ‘I’ll be there. See you, babe.” I replied. She knew my sched, alam niyang pagkatapos ng 11 a.m subject ko 2 p.m na ang susunod. Pagkatapos nga ng dalawang subject ay pinuntahan ko si Lalaine sa Playlist Cafe katabi ng Playlist Resto Bar. I was still outside the Cafe but I already saw her from the glass wall, nakaupo sa isa sa mga chairs sa loob ng store, nakangiti, ang saya niya, she’s in love while looking at her cell phone screen. She was texting or chatting, obviously hindi ako, it must be somebody else, tangina! Kirot lang kanina ngunit ngayon ramdam ko na ang sakit. Napanguso ako at mapait na ngumiti. Napabuga muna ako ng hangin bago nagpatuloy sa paghakbang papasok ng Cafe. Nakatalikod siya sa gawi ko. I went closer, huminto ako sa likuran niya, I bent down and kissed her cheek. “Hi babe!” hindi sinadyang napatingin ako sa screen ng cellphone niya at nahagip ng mata ko ang pangalang ‘U Spenx’ bago pa man niya naitago ang phone. Ramdam ko ang pagkagitla niya at pagkataranta. Isa lang naman ang kilala kong ganun ang screen name sa Instabook, yung demonyo. I sat in front of her. She already ordered for the both of us, pagkaupo ko ay ang pagdating naman ng inorder niya. “I want to go straight to the point-” “You’re breaking up with me?” putol ko sa sasabihin niya. Napatitig siya sa mga mata ko, I saw the guilt in those hazel brown eyes. “I’m sorry, Fifth.” “Bakit? May pagkukulang ba ko?” I felt the bitterness of my voice. “Wala-” mahinang saad niya, nag-iwas siya ng tingin, napayuko, ‘di ko siya nilubayan ng titig. Tangina, ang sakit! Bwesit! “Kung ganun, bakit?” “Sawa na ko sa halik lang, Fifth.” mahinang saad niya, napapasulyap ito sa paligid, sinisigurong walang makakarinig, napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. “You can’t give me good s3x. May pangangailangan ako and you can’t give it to me-” “Kaya naghanap ka sa lalaki and worst, sa tropa ko pa. Tangina!” napatitig siya sa akin, mas lalong lumitaw sa mga mata niya yung guilt. “I’m sorry.” Domuble ang naramdamang inis ko kay Uriel, hindi, galit ako. Hindi kami magkasundo pero tropa kami ba’t nagawa niya sa aking ahasin ako. Lalaine broke up with me just like I expected. Ang hindi ko lang inexpect ay ang pangaahas sa akin ni Uriel. Pagkatapos ng isang subject umuwi ako ng condo, nawalan na ko ng ganang pumasok, buti na lang katatapos lang ng midterm. Nag-grab lamang ako since I didn’t bring with me my car, kay Uno gamit namin. Pinipigilan kong wag ma iyak ngunit ng nasa loob na ako ng elevator basta na lamang nagpaligsahan yung mga luha ko sa pisngi ko. Inis na pinunasan ko mga iyon. The lift opened. Lumabas ako, napahinto ako saglit ng makita ko si Uriel sa labas ng unit nito. Oo sa kasamaang palad magkapitbahay kaming dalawa, magkatabi pa ng unit. He wasn’t alone, he was with someone else, they were kissing aggressively, nagmamadali, tila may naghahabol, kung saan-saan na dumako ang mga kamay ng isa’t-isa, yung babae halos hubaran niya na, ‘di ma pindot-pindot nito ang passcode dahil inuna ang harutan. Sinalya nito ang babae, he pinned her on his door, umikot ang mga binti ng kahalikan nito sa balakang niya, ang mga braso sa leeeg niya, nalihis ang suot nitong maikling palda, diniin niya ang ibang katawan sa babae while continue kissing her aggressively, his one hand on the back of her, ang isa nama’y sa pisngi ng babae upang mas mahalikan ito ng mariin. Para na talaga silang nagse-s3x kung wala lang talaga silang saplut pareho. Napakuyom ang kamao ko ng mapagsino ang kahalikan nito, nagtaas baba ang dibdib ko sa makahalong galit at sakit, yung babae? None other than the girl who broke my heart an hour ago. Kay laki ng mga hakbang kong nilapitan ang dalawa. “Uriel!” They both stopped. Dahan-dahan na nilingon ako ni Uriel, awang ang mga labi, bakas ang pagkabitin ngunit ‘di makitaan ng pagsisisi at pagkagulat sa ginawang kahayupan. Kay bilis na kumawala ni Lalaine mula sa pagkapulupot kay Uriel, bumaba at inayos ang sarili. Hinarapa ako ni Uriel. “Juana Felisse, alam ba nina tita nag cut class ka-” ‘di na nito natapos ang sasabihin ng kumawala ang suntok ko sa pisngi niya, tumabingi lamang ang mukha nito. Narinig ko ang pagsinghap ni Lalaine. Hinaplus lang ng demonyo yung bahagi ng pisngi nitong tinamaan ng kamao ko, ni ‘di nasaktan. “Hayop ka! Tropa kita! Tangina mo!” Tinulak ko siya gamit dalawang kamay ko. Bahagya itong napaatras. Gusto ng tumulo ng luha ko ngunit pinigilan ko, ayokong makita isa sa kanila kahinaan ko, na nasasaktan ako. Tinignan niya ko, sa dalawang mga mata ko, mariin, hindi ko alam ngunit nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, kung simpatya iyon, gago siya! “Can’t you see, she’s not even worth it.” nagitla ako sa lumabas mula sa bibig niya. Napaawang naman ang mga labi ni Lalaine, hindi makapaniwala sa narinig. “You’re investing and wasting your time to a wh0re.” “What the fvck!” nanlaki ang mga mata ko ng lumagapak ang palad ni Lalaine sa pisngi ni Uriel. “Go to hell, asshole!” galit na saad nito sabay walk out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD