Chapter 1- Pamilya Fernandez

2067 Words
Monday. Naitakip ko ang unan sa tenga ko ng marinig ko ang pagkalampag ng cymbals ni Thirdy kasabay ang pagtatalon ni Uno sa kama ko at pagtatambol ng drum ni Dos. "Jesus Christ!" Those instruments they used were way back in high school. "Gising na Juana!" Bwesit na mga kapatid to! Kay sarap pa naman ng tulog ko. "Guys! Stop it! You're too noisy!" It was Fourth voice. Napangiti ako, mabuti na lang talaga at may isang matino sa aming lahat. "She's going to be late for her class bro." Saad naman ni Dos. "You don't need to be noisy just to wake her up." "Sige nga paano mo gisingin yan, eh tulog mantika yan?" "Simple!" napatili ako ng biglang umangat ako mula sa kama ko, I was wearing my pajamas. Fourth carried me. "What the hell are you doing Fourth!" 'di niya ko sinagot, tuloy-tuloy lamang ang mga hakbang nito. Pumasok kami sa bathroom, ninais kong kumawala sa kanya ng magkaroon ako ng idea ng gagawin nito ngunit kahit anong paglingkis ko 'di niya ko pinakawalan. Kay lakas ng tili ko basta niya lamang ako nilubog sa bathtub. Shutangina ang lamig! Humiwalay yata kaluluwa ko sa katawan. "Yan! I guess you are already wide awake." malamig nitong tugon. "Shuta! Talino mo talaga Alien!" palatak ni Thirdy. "Apir!" Tinaas ni Thirdy ang kamay nito sa ere ngunit nilagpasan lamang siya ni Fourth ni ang tignan ang kamay niya ay 'di nito ginawa. Napaawang ang bibig ni Thirdy na sinundan ng tingin si Fourth palabas ng banyo ko. "KJ talaga ng alien!" Siya na lang ang nakipag-apir sa sarili niya."High five!" saad nito sa sarili ngunit bago pa dumapo angbisnag kamay nito sa isa pa niyang kamay ay kay bilis niya itong dinala sa kanyang baba. "Wowowin!" napailing na lamang ako. Ano bang mga kapatid meron ako, yung isa Alien habang yung isa sinto-sinto. "I hate you, Fourth! I hate all of you! Bwesit kayo!" sigaw ko. "You take a bath princess, we'll wait for you downstairs." saad naman ni Uno. "Pinagtutulungan niyo na naman prinsesa ko." I heard my dad's voice. Tila nakahanap ako ng kakampi. "Daddy!" Iyak ko. I am always a daddy's girl. "Hala hala hala! Ang arte! Pasiga-siga ka pa sa school tapos ang arte mo." saad naman ni Thirdy. Pumasok si Daddy sa banyo ko. "Aga mo namang nagswimming anak. " "Fourth did this." pagsusumbong ko. "Ang lamig pa." "May kawali sa ibaba, mainit na, gusto mo lumipat dun." "Daddy naman eh!" "Sino ulit may gawa niyan sayo?" "Yung Alien!" "Sana maaga mo sinabi, lumipad na patungong Mars." "I heard you dad!" biglang sabat ni Fourth. "Ay! Nandyan ka pala anak. Na late ka sa flight?" "Anong Flight?" "Yung UFO na sasakyan mo." "Seriously daddy?" 'di maipinta mukha ni Fourth. Habang yung tatlo tawang-tawa. "Biro lang nak." "'Di mo sila pagagalitan?" untag ko kay Daddy. "Uno! Dos! Tres! Quatro!" "Yes dad!" sabay-sabay na sumagot mga kapatid ko. "Wala, nagbibilang lang ako. Lumabas na kayo, hinihintay na kayo ng mommy niyo at ikaw maligo ka na, umaalingasaw ka na." saad ni daddy sa akin. Minsan 'di ko alam kung kakampi ko ba siya o kalaban, nakikikantyaw rin. "I hate you dad!" "I love you princess!" saad nito sabay labas ng banyo at sinarado. Inis na naligo ako. Buti na lang talaga at college students na kaming lahat at 'di ko na kailangan magsuot ng uniform naming skirt sa high school. Nabwebwesit talaga ako nakakawala ng angas. Nasa iisang school lang kaming lahat sa St. Luke University. I and Fourth take up architecture while Dos and Thirdy take up Civil Engineering at Si Uno Business Ad naman since siya ang tagapagmana ng position ni daddy. We already have our own condo units pero nasa mansion kaming lahat dahil sunday kahapon, it was our family day at dito na kami sa mansion natulog. After I dressed myself up, I went downstairs. Basta ko na lamang nilugay ang lagpas balikat at basa kong buhok. Nakita kong nasa hapag na silang lahat. They didn't start eating, they waited for me. "Good morning mommy!" Lumapit ako kay mommy at hinalikan ang pisngi nito bago ako umupo sa tabi niya. "Oh God Juana Felisse! Hindi mo na naman tinuyo yung buhok mo, magkakapulmonya ka niyan." Tinipon nito ang buhok ko at itinaas. "Moo, can you please get a towel and a blower sa room natin." "Of course my love! Basta ikaw, nanginginig pa." agad namang tumalima si daddy. Napaismid ako sa kabaduyan ni daddy. Halatang-halata na in love eh. "Naol!" nagkasabay pa si Thirdy, Uno at Dos. "Thank you, I love you." saad naman ni mommy. "I love you more, mahal ko." "Umay- aray naman dad!" natawa kami ng batukan ni daddy si Thirdy ng dumaan si daddy sa pwesto ni Thirdy. "Aray! Aray!" sunod-sunod na impit ni Thirdy ng gumatong ng sapak si Uno at Dos sa magkabilang gilid niya. "Mommy o!" "Uno, Dos, nasa hapag tayo." "Tinawag mo kami 'my o nagbibilang ka-" napatigil si Uno ng seryosong tinignan siya ni mommy. "Sorry mom." sabay yuko. Tiklop talaga lahat pagdating kay mommy. Binatukan muli nito si Thirdy ng tawanan siya. Maya-maya ay dumating na si Daddy ang pinapakuha ni mommy. Nilagay muna ni mommy ang towel sa likuran ko upang wag dumikit ang buhok sa damit ko. "Sino na maglelead ng prayer?" saad ni Mommy. "Ako po 'my." saad ni Thirdy. "Si Thirdy 'my." sabay naming apat. Thirdy lead the prayer, pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain lahat. Nauna si mommy natapos kumain at habang kumakain ako ay pinapatuyo naman ni mommy ang buhok ko gamit ang blower. Ganadong-ganado kaming lahat kumain lalo't si mommy ang nagluto. Sobrang sarap, this is what I always miss at home. Ang luto ni mommy at ang pagaalaga at pagmamahal ng mga magulang namin. We have all grown up but for our parents, we are still their babies. We kissed our parent's cheeks as we bid goodbyes. Isang linggo na naman ang dadaan na wala sa piling ng mga magulang namin. I'm going to miss them, especially mommy. I hugged mommy so tight, naramdaman ko ng halikan nito ang buhok ko sa gilid ng ulo. "You take care, my princess." naiinis ako sa tuwing may tumatawag sa akin ng buong pangalan ko o kaya'y pangalan na nakakapagalala sa aking babae ako pero kapag isa sa kanila ni mommy at daddy ay 'di ako makaramdam ng inis bagkus ay pagmamahal. Whenever I look at them, I always think how lucky I am and that I am always so grateful to God for giving me such kind and loving parents. Nasa loob na kaming lahat ng sasakyan napalingon kami pabalik sa gawi nina mommy at daddy. May kanya-kanya kaming mga sasakyan but when we go home we always used Uno's car. "Mom looks like she 's gonna cry again." rinig naming saad ni Thirdy. He sat in the backseat. together with Dos and Fourth. Oo nga, nahabag tuloy ang puso ko habang pinagmamasdan si mommy na yakap ni daddy mula sa likuran. Nakatingin amg dalawa sa gawi namin hinihintay ang aming pag-alis. "Her eyes are sad." segunda naman ni Dos. Nakita na lamang namin ang mga sariling bumaba ulit ng sasakyan at sabay-sabay na niyakap ang mga magulang. "Oh God! My babies…" 'Di napigilan ni mommy ang umiyak. "How will I ever move on? When will I accept that you guys are no longer babies anymore?" "It's okay mahal ko, gawa nalang tayo bagong babies." sabay na napaismid kaming lahat. "Oh gross!" saad ni Fourth. "Ingat dad, yung tuhod." kantyaw ni Uno. "Yung balakang dad." singit naman ni Dos "Yung skelan mo para sa rayuma." natatawang saad ni Thirdy. "Shuta kayo, kaya ko pa gang lima, two hours lang. Magsilayas na nga kayo!" Pinarada ni Uno ang sasakyan sa parking space ng university. Nasa loob pa nga lang mga kapatid ko. Nagkanda haba-haba na ang leeg ng mga babaeng estudyante. Excited na masilayan ang kani-kanilang crush sa isa sa mga kapatid ko. Kahit magkakamukha lang naman ang apat. At nang isa-isa na ngang bumaba silang apat halus mangisay sa kilig yung mga estudyante. We are already getting used to it. Nasa second year college na kaming lima, kahit pa noong grade school ay talagang agaw pansin na mga kapatid ko lalo na't magtipon ang buong barkada. Kinuha ko ang phone mula sa suot kong jeans upang e message sa Instabook ang jowa kong si Lalaine at ipaalam na nasa campus na ako. Oo may jowa ako, babae, mag aanim na buwan na kami pero mukhang hanggang anim na buwan lang yata kami dahil ramdam ko na ang panlalamig niya. Pang-apat pa lang si Lalaine na naging jowa ko. I had two girlfriends during high school. Hindi ako kailanman nakikipaghiwalay. Nagigising na lang ako isang araw ayaw na nila sa akin. Masakit syempre pero hindi ako ang tipong naghahabol. Kung ayaw na sa akin, I let them go, 'di ko sila pinipigilan. Magtatanong ako kung bakit but I won't ever beg them to stay. Sa buhay na pinili ko tanggap kong walang mag stay ng panghabang buhay swerte na lang kong tatagal dahil nga 'di ko kayang ibigay sa kanila ang kayang ibigay ng isang tunay na lalaki, kung ang pagbabasehan ay sa kama ngunit kaya kong magmahal higit pa sa tunay na lalaki. Kung iiwan nila ako, it's their choice 'di na nila ako masisisi dahil sa lahat ng relasyong dumaan sa buhay ko binigay ko lahat sadyang 'di lang talaga sila marunong makuntento. Sabay-sabay kaming limang naglakad sa ground. Since may half hour pa bago ang unang clase ay tinungo muna namin ang tambayan naming magtropa upang tumabay saglit. Magkaiba man kami ng mga kurso sinisiguro naman namin na magkakapareho kami ng time in, break time at time out upang sabay-sabay na rin sa pagdating, uwian, at braketime ngunit si Fourth lumihis na ng daan, mas pipiliin nitong tumambay sa library kesa makipagbardagulan sa mga kaibigan namin "Alien? San ka punta?" nagsisimula na naman si Thirdy. "To the moon." segunda ni Uno. ngunit 'di sila pinansin ni Fourth. Tuloy-tuloy lamang ang lakad nito palayo sa amin. Malayo pa lang napaismid na ako ng makitang may kaharutan na naman si Uriel. Nakasandal sa wall yung babae habang nakatayo naman si Uriel sa harapan nito nakatungkod ang isang kamay sa gilid ng ulo ng babae. Kay lapit nila sa isa't-isa, maglalapaan na yata patungo. Siya pa lang ang nasa tambayan wala pa ang iba. "Yung gago o, nanggagago na naman." puna ni Dos. "You're too young for me." rinig naming saad ni Uriel sa babae. "Bakit? Ilang taon ka na ba?" "Eighty." "Weeh." "Eighty, Eightynadhana para sayo." I rolled my eyes as I heard Uriel's kabaduyan. Babanat na nga lang napakakorny pa pero yung babae kilig na kilig. Tangina. "Tanginang banat na yun, magamit nga." mahinang saad ni Thirdy. "Hindi, actually magkapareho lang tayo ng year." rinig muli naming saad ni Uriel. Napahinto kami 'di kalayuan mula sa kinatatayuan nilang dalawa. Yung mga mata nung babae kumikislap. Hindi pa naman sila pero mukhang makakascore na yata. "Really?" pacute na boses nung babae. Bakit kaya nagbabago boses nila, nagiging maarte. Tumango naman yung demonyo. Oo demonyo tawag ko sa kanya dahil laging nagiinit ulo ko sa tuwing nandyan siya. Ako kasi trip niyang pagtripan. "Anong buwan ka? Tanong ni Uriel." "July." sagot naman ng babae. "Akalain mo magkasunod lang pala tayo?" tangina, ano na naman kaya trip nito kailan pa naging magkasunod ang December at July? "Anong buwan ka?" Tanong ng babae. "Agusto, Agusto kita." "Tangina!" palatak ni Dos. "Napakahayop ng diskarte mo tol!" sigaw naman ni Thirdy. Napalingon agad si Uriel sa gawi namin. Nalipat ang tingin ko sa babae na tila mapupunit na yung labi sa kakangiti. Binalik ko ang tingin kay Uriel, nasa amin na ang atensyon nito. "Oi! Naging Quardro ulit kayo? Saan yung Alien?" "Nag teleport na patungong Mars." "Ah" Napatango-tango muli yung demonyo. Nalipat ang tingin nito sa akin. Tinaasan ko siya agad ng kilay. "Juana Felisse!" Tangina talagang hayop nato. "Balita ko nagkakalabuan na daw kayo ni Lalaine? Sabi ko sayo gamitan mo ng dild0." I raised my middle finger. He smirked. Demonyo talaga! "Alam mo kung bakit nagkakalabuan kayo? Sa liit ng daliri mo, na mas lumiit pa ngayon dahil na over use yata. 'Di mo siya kayang dalhin sa langit, hanggang purgatoryo lang." "Suntukan na lang tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD