Chapter Eighteen

385 Words
Milcah's POV “So, what's the deal?” tanong ko agad kay Ranger nang pumasok ako sa opisina niya. Umagang-umaga pa lang pero nandito na ako sa kompanya niya. Gano`n ako kadesidido na makuha ang project. “Can you sit first?” seryosong sambit niya. “Fine. What is it?” Umupo na lang ako sa couch at handang makinig sa sasabihin niya. “Bilis na!” dagdag ko pa. “What's with the rush?” medyo iritadong tanong niya. Umupo na rin siya sa harap ko at doon ko lang napansin na may bitbit pala siyang baso na may lamang alak. Bourbon, I must assume. “Ang aga-aga nagsusunog ka na ng atay,” komento ko. “Like I can die so easily,” sarkastikong sagot niya. Umikot na lang ang mga mata ko sa sagot niya. “Ano nga `yung deal na sinasabi mo. Kanina pa ako nag-iisip kung ano `yon!” pag-iiba ko sa usapan. “Bakit nagmamadali ka?” aniya na masama ang titig sa `kin. “May photoshoot pa ako mamaya at baka ma-late pa ako,” sagot ko naman. I still have to work din naman kahit may iba akong inaasikaso. I love my job more than anything else. “Nope. You can't go anywhere,” kontra niya sa `kin. Tinaasan ko siya ng kilay. “At bakit? May trabaho ako!” “Do you want the project or not?” seryosong tanong niya. Doon na ako natahimik. “Yes, of course!” “Then work for me instead,” aniya. “What do you mean? Paki-explain ng mabuti para ma-gets ko,” saad ko. “Be my PA for a month and sign the contract or be a brat again and decline it. Take it or leave it. This is your last chance, luv,” linya niya. Alam kong seryoso siya sa sinasabi niya pero ang tanong, kaya ko ba? Syempre ayaw ko, gusto kong sigawan siya na hindi ako pang-PA lang pero wala na talaga akong nakikitang iba pang paraan upang makuha ang project. “Pwedeng pag-isipan ko muna?” alanganin na saad ko. “Fine. Give me an answer tonight,” striktong pahayag pa niya. “Opo. Alis muna ako, ha? Mag-iisip pa kasi ako,” awkward na paalam ko. “Go,” maikling tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD