Chapter One: Scandalous

2036 Words
Milcah's POV "Hi everyone! This is Milcah Rae Lopez and welcome to my vlog! Halos lahat ng mga subscribers ay naghihintay kung ano ang content ng video ko for today pero mamaya ko na sasabihin. Basta ang hint lang na ibibigay ko sa inyo sa ngayon ay gagawin ko na yung dare na matagal niyo ng gustong gawin ko. Pupuntahan na namin yung site and then I'll finally tell you what's the content for today. Be right back!" Pinatay ko na muna yung camera tsaka ako naghanda para sa pupuntahan namin. My manager and I will ride on one of the Aphrodite Cruise Ship and doon ko gagawin yung dare na pinapagawa ng mga fans ko sa akin. I'm Milcah Rae Lopez, a professional model and a high paid YouTube vlogger. Yes, masama yung ugali ko pero nakadepende iyon sa kausap ko. If I'm talking with a trash then trash talk din lang ang makukuha niya sa akin. Most people loves me but SOME hates me, I know it but I don't care. I am me and no one should tell me what to do. I hate it when someone tells me what to do, I have my own will and I will be the only one to decide what's best for me. Kapag ayoko sa isang tao ay sasabihin ko na agad, hindi ako plastik kagaya ng ibang tao diyan sa paligid. I'm a straight forward person and no one can stop me from telling what I feel when I want to voice it out. Yeah, that's me, I'm a strong-willed woman with a class. "Hey, bilisan mo na riyan bobita! Baka ma-late pa tayo kapag ang bagal mong kumilos!" inis na hiyaw sa akin ng mananger ko na si Maffie. His real name is Matteo de Hesus but he will just probably kill me the moment na tatawagin ko siyang Matteo and yes, he's a gay. "Ugh! Hinahanap ko nga kasi yung gagamitin kong damit! I can't find it here!" Nakakainis talaga! Saan ko ba kasi nilagay iyon?! I remember putting it here last night pero bakit wala? "Ano ba kasi 'yung hinahanap mo?" tanong ni Maffie sa akin. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa beywang tapos masama akong tumingin sa kanya. "Ginalaw mo ba `yung mga gamit ko kagabi?" ani ko. Siya lang naman kasi yung kasama ko dito sa condo and siya lang din ang pinapayagan kong pumasok sa walk-in closet ko. "Bobita! Pumasok ako rito tapos inayos ko itong mga nagkalat na gamit dito! Jusko Milcah, ang tanda-tanda mo na tapos magulo pa rin iyang mga gamit mo!" aniya na para bang stressed masyado dahil sa akin. So, kaya pala maayos yung mga gamit ko dito kasi inayos niya kagabi. Okay, my bad. "Edi sorry na! Asan na kasi yung black na tube ko? Iyon yung gagamitin ko ngayon," sabi ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako tapos siya na yung naghanap sa tube na gagamitin ko. Okay, siya na yung organized tapos ako na yung magulo. "Ayan! Bilisan mo na para makaalis na tayo. Ayokong ma-traffic sa daan, nakaka-stress ng beauty," giit niya tsaka niya tinapon sa akin `yung tube. Nagmartsa naman siya palabas kaya agad naman akong nagpalit ng suot. FAST FORWARD "Naka-set na ba `yung camera Maffie?" mahinang bulong ko sa kanya. Nandito na kami sa barko and dito ko gagawin yung dare na pinapagawa ng mga subscribers ko sa akin. "Yup. We'll go live in five seconds kaya umayos ka," sagot ni Maffie pero mahina din ang boses niya. Inayos ko na `yung sarili ko bago lumingon sa paligid para tignan kung may nakatingin ba sa akin o wala. Noong nakita kong wala namang nakapansin sa akin ay tumingin na ako sa camera dahil naka-live na raw. "So ang gagawin ko ngayon ay ang magpanggap na baliw dito sa isang barko ng Aphrodite Cruise Ship. Hindi nila alam na may camera pala kaya talagang aakalain nila na nababaliw na talaga ako. After ng dare tsaka ko na lang sasabihin sa kanila na dare lang pala iyon. Okay, sisimulan ko na para matapos na itong dare bago makaalis itong barko." I waved my hands on the camera before going into the crowd. Okay, dare lang naman ito kaya madali lang pero matindi ang dare na ito. "Ate nakita mo ba yung mga anak ko?" parang baliw kong tanong sa babaeng nakasalubong ko. Mukha naman siyang nagulat dahil nakilala niya ako. "Ms. Milcah Rae Lopez?" tanong niya. "Sinong Milcah Rae Lopez? Ako si sisa! Hinahanap ko `yung mga anak ko!" sigaw ko. Agad namang tumingin ang mga tao sa amin kaya lalo ko pang tinodo yung acting ko. "Sagutin mo ako, nasaan ang mga anak ko?!" dagdag ko pa. Noong napansin kong wala siyang balak na sumagot ay iniwan ko na lang siya at lumapit sa isang lalaki sa tabi niya. "Kuya, nakita mo ba ang mga anak ko?! Gusto mo ba silang tawagan?! Kunin mo itong telepono ko at tawagan mo na sila, pakiusap!" naiiyak na sambit ko. Ang totoo niyan ay gusto ko na talagang tumawa ng malakas dahil sa katangahang ginagawa ko. Oh my gosh! "Ms. Milcah nababaliw ka na yata," nag-aalalang sumbat niya. Pilit kong binibigay yung phone ko sa kanya para tawagan niya `yung mga anak ko kuno pero hindi niya iyon tinaggap. "Tulungan mo ako! Hanapin natin `yung mga anak ko!" ani ko. Pasimple akong tumingin kay Maffie tapos nakita ko siyang pinigilan ang kanyang pagtawa. "Ayaw mo akong tulungan? Hinahanap ko po yung dalawang anak ko. Nawawala sila!" nilakasan ko pa ang pagsigaw ko. Yung iba ay kinukuhanan ako ng video tapos yung iba naman ay nagbubulungan pero rinig na rinig ko rin lang naman. "Please stop making a scene here, Ms. Lopez. Huwag niyo pong hintayin na `yung may-ari ng barkong ito ang sisita sa inyo," sita ng isang crew sa akin. I heard the owner of Aphrodite Shipping Line is hot and handsome. I want to meet him kaya hindi ako nakinig sa sinabi ng crew. Tumakbo ako papunta sa deck bago sumigaw ng napakalakas. "Crispin?! Basilyo?! Mga anak ko?! Nasaan na kayo?!" I need to make it look convincing kaya lumuhod pa ako habang umiiyak. Best actress of the year goes to Milcah Rae Lopez! "Mga anak ko, kayo ba ay tinago ni Padre Damaso?!" sigaw ko ulit. Natatawa talaga ako sa ginagawa ko pero kailangan ko ng tapusin. This is my chance to finally meet the owner of this ship. "Hey, lady!" Tumigil ako sa pagsigaw dahil nakarinig ako ng isang malamig na tinig mula sa hindi malayo. Sino iyon? "Sino ka?! Ikaw pa si Padre Damaso?!" Gusto kong makita kung sino yung nagsalita kaya ko iyon nasabi. "Stop it, will you?! You're making a scene on MY ship!" galit na sambit ng isang isang matipunong binata. s**t! This is the owner of the Aphrodite Shipping Line?! Damn! He's fvcking handsome and he's hotness isn't a joke! "Uhh, hi?" Iyan na lang ang nasabi ko dahil bigla akong nauhaw. Omg! He's hot with his uniform, he's a hot pirate indeed! "Get out here or else..." "Or else what?" singit ko. Biglang tumalim yung tingin niya sa akin kaya napalunok ako. Oh my, mali ba `yung ginawa ko? He walked closer to me with a very dark aura. Was I so rude to him back then? "Listen, Ms. Whoever you are, this is MY ship and you just created an unacceptable scene. Alam mo ba kung ano ang dapat gawin sa mga pasaway na gaya mo?" aniya. "Wait lang. H`wag kang lumapit!" pigil ko sa kanya ngunit hindi siya nakinig. Lumapit pa siya lalo hanggang sa nagdikit na ang mga katawan namin. "Dumistansya ka na. Wala na akong maaatrasan oh!" sabi ko pa. "Gusto mo bang itapon kita sa dagat? Hindi mahaba ang pasensya ko kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yong burahin mo na yung video ng skandalo mo rito sa barko ko," bulong niya sa akin. Ano raw?! Napansin ba niya na kinukuhanan ako ng video ni Maffie and he wants me to delete the video?! "No, I won't. I put too much effort in it kaya hindi ko buburahin!" pagmamatigas ko. Siya ang may-ari ng barko pero ayaw kong burahin `yung video. I hate it when someone tells me what to do! "I don't really like being told what to do, Mr. Ship owner," mataray na wika ko. "Really? Then, should I push you down right now?" masungit na sambit niya. Kung kanina ay nagwa-gwapuhan ako sa kanya, ngayon ay namumuo na `yung inis ko dahil sa ugali niya. "Itutulak mo ako? Sandali lang ha? Tatawagan ko lang `yung abogado ko para sa korte na lang tayo magkita. You threatened me few minutes ago, right?" Ang kapal naman ng mukha niya para itulak ang isang gaya ko. "Really? I'm Captain Ranger Collins and you don't have the right to sue me," puno ng awtoridad na sambit niya. Ranger pala ang pangalan ng masungit na 'to. I dialed Atty. Santos' number to tell him about my case. Sinagot naman niya after few seconds pero nagulat ako noong inagaw ni Ranger `yung phone ko at basta na lang niya itong tinapon ito sa dagat. "OH MY GOSH! Did you just throw my phone away?!" I shouted with my hysterical tone. Oh my! `Yung mga pictures ko na naka-save sa phone ko! Galit ko siyang nilingon tsaka siya sinampal sa mukha. "How dare you!" I yelled. "What the fvck?! You slapped me?!" hindi makapaniwalang giit niya. "Yes, I did! That's what you get from throwing my phone into the ocean!" Kulang pa nga ang sampal na inabot niya mula sa akin. I can buy a new phone but the way he threw it like it's just an unimportant object infuriates me. "What's your name. Tell me this instant!" galit na hiyaw niya. Nakakatakot yung tono niya pero hindi ako natinag dahil galit din ako sa kanya. He wants to know my name? Fine. "I'm Milcah Rae Lopez and you don't have the right to shout at my pretty face!" "Oh, please, darling! You got a very pretty little face but not enough to pass my standard," walang modong sambit niya. Muntikan ko na siyang sabunutan dahil sa inis at galit pero pinigilan ko yung sarili ko dahil may mga taong nanonood. Damn it! "Akala mo gwapo ka rin? Excuse me, I hate pirates and that includes you. Jack Sparrow way better than you, loser!" ganti ko sa kanya. Sumama pa lalo yung tingin niya sa akin. What? He looked down on my pretty face and I just returned the favor. Ayokong manalo soya sa argumentong ito. Never will I let someone defeat me in an argument, not now, not ever. "Did you just call me loser?!" Literal na namula `yung mukha niya dahil magkahalong inis at galit. Nanalo na ba ako? I think so. I gave him my sweetest teasing smile. "Yes. I did, baby boy," I teased. Alam kong magsasalita na naman siya kaya tinuro ko na lang yung crew na papalapit sa amin. "Look back, may chicks oh!" Mabuti na lang at lumingon siya sa likod. "Capt. Collins, oras na po para umalis 'tong barko," sabi ng isang crew sa kapitan ng barko na ngayon ay halatang galit pa rin. "Alright. I'm coming." Hindi na niya ako tinapunan ng tingin at diretsong naglakad paalis. "TEKAAA LANGGG!!" pigil ko sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niyang lumingon sa akin pero umirap lamang ako. "Bababa muna ako sa bulok mong barko!" ani ko. "You are the very first one to say that," puno ng galit niyang tugon. Nagkibit-balikat lamang ako bago siya inirapan. "Whatever. I'm out of here," wika ko tapos naglakad palayo sa kanya. "We're not done yet, you brat!" rinig kong sigaw ni kapitan. I just waved my hands on him before saying, "I'm not running away, loser. You can always find me everywhere. Adios, baby boy!" "Damn it!" That was the last thing I heard from him before I walked faster. Kailangan kong makababa bago pa niya paalisin itong barko, may shooting pa ako mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD