Prologue

203 Words
"I'll court you," he said as he stepped closer to me. Nababaliw ba siya?! "Bakit ako magpapaligaw sa `yo?! Hindi ko pa nakalimutan `yung pagtapon mo ng phone ko sa gitna ng karagatan!" malakas na hiyaw ko sa kanya. Pagkatapos niya akong tarayan at ipahiya sa public tsaka niya sasabihin na liligawan niya ako?! Naaalala ko pa `yung una naming pagkikita sa barko niya! "Hindi ka pasado sa standard ko dahil gusto ko `yung sobrang mayaman na manliligaw. Ayoko ng pirata!" dagdag ko pa. Gwapo naman siya tapos hot din but he's rudeness is too much and I hate him! I hate everything about him! "I'm freaking rich, Milcah. I can even buy your house," he muttered, grinning widely. He's so arrogant! Ang yabang pa niya porket CEO siya ng sarili niyang kompanya?! "Alam mo? Ngayon pa lang, ekis ka na sa `kin!" Hinding-hindi ako magpapaligaw sa isang kagaya niya, sinusumpa ko! "I'm Captain Ranger Collins and I'm going to court you. I don't need your permission so be ready," seryoso niyang sabi bago niya ako iniwang nakatayo habang gulat na gulat. Ang yabang talaga ng piratang `yon! Kahit magunaw man ang mundo pero hindi ako magpapaligaw sa kanya. Not now, not ever!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD