Chapter 1

2252 Words
Olongapo City Saturday, August 29, 10:00 a.m.   Savina Miranda shuddered in the warm air as an eerily intent gaze crawled up at the back of her neck. Again.   Napalingon siya sa gilid niya, at pilit na ngumiti. Siyempre hindi maiiwasan na mapatingin talaga sa kanya ang mga taong naroroon. Nasa hospital garden kasi siya sa mga oras na iyon. The administrator introduced her, and applause crested. Talaga namang pinagpawisan na ng todo ang mga palad niya habang humahakbang siya papunta sa podium. She ascended the stairs. Goodness, halos hindi niya mahakbang ang mga paa niya sa kaba.   Public speaking...argh. Pinakaayaw pa naman niya sa lahat.   "G-good morning." Medyo nanginginig na sambit niya habang napatingin siya sa mga reporter, cameramen, at sa iilang panauhin na naroroon, tila nagkandautal na tuloy siya. Hanggang sa nakatuon na lamang ang atensyon niya sa kanyang ama na nakaupo sa front row. Kung kaya't nilalabanan niya ang panginginig sa mga tuhod niya. "I'm Savina Miranda, head pediatrician here at Divine Grace Hospital." She cleared her throat. "On behalf of my late grandfather, Senator Miranda, thank you for attending the ground-breaking for our new pediatric wing." Medyo kumalma na rin ang boses niya at nakita niyang napatango sa kanya ang ama.   Napatingin naman siya ngayon sa mga kaibigan, kapitbahay at sa mga kasamahan niya sa trabaho. Saka tinungo niya ang bakanteng upuan sa front row.   Pupunta kaya si Brady?   Her heart fisted. Dahil pag nagkataon na naroon nga si Brady ay baka pagtawanan lamang siya nito sa inakto niya kanina.   But today wasn't about what she wanted. She was here for Granddad and for the needy children. She gripped the podium. "I was a very...strong-willed child." Pahayag niya saka napalingon siya sa kanyang ama. Napatango ulit ito sa kanya. "Nothing frightened me. My adventures scared off five nannies and caused my share of childhood injuries. Nabali ang buto sa isang balikat ko noong walong taong gulang pa lamang ako. At nang mag sampung taon ako, I had to have an appendectomy. There was no time to prepare, and the fear was overwhelming. Noon pa talaga gusto kong magtrabaho para sa mga bata. Kita niyo naman, kaya ako naging pediatrician ngayon. Ang isa lang sa pinakaayaw ko hanggang ngayon ay ang tumurok ng injection." Nagkatawanan tuloy ang mga tao sa paligid dahil sa pahayag niya. Ngunit hindi iyon umubra sa ama niya at sa halip ay napakunot ito ng noo sa kanya. Yeah, as a kick-ass surgeon, he considered empathy as a weakness. But it was her greatest strength.   Savina adjusted the microphone. "A child's illness disrupts the family structure. Our programs alleviate that stress and help everyone cope."   Naging kumpyansa na siya sa sarili niya sa mga oras na iyon kaya nakuha na niyang ngumiti sa mga panauhing naroroon. "We're go-betweens for parents who don't know the right questions to ask and busy medical staff who sometimes forget to speak civilian." She arched a brow at her father, and received his stern "doctor face". Hmm..kahit kailan hindi talaga siya na intimidate sa ama hindi gaya sa mga tauhan nito.   Natawa ulit ang mga audience sa pahayag niya. Whew! "We also initiate therapeutic activities to help relieve a child's suffering. When the time comes for treatment or surgery we've prepared both the child and the family. Easing a child's terror makes their treatments not only more bearable but more medically effective."   Sobrang mahalaga talaga sa kanya ang trabaho niya. "My grandfather, Senator Miranda, devoted his life to children's causes, and his estate was bequeathed to build the new pediatric wing. That is why I urge each of you to consider a personal donation. A pledge to Child Life Services Foundation to support children and their families during traumatic times."   Savina concluded with a video of her kids foundation engaged in program activities and updates on their progress. Then she introduced families who offered heartwarming testimonies.   By the time the first symbolic shovel was thrust into the ground and cake and punch were served, she was giddy at the stream of envelopes being dropped into well-guarded strongboxes.   Malapad siyang napapangisi dahil hindi talaga niya inasahan na marami palang mag do-donate. Subalit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya sa araw na iyon dahil hindi niya nakita ang isang taong pinakahihintay niya. The bitter awareness of being utterly alone in the crowd hollowed her insides. She shook it off. Wag kanang umasa pa na darating siya, Savina. Matagal na niya itong ibinaon sa limot. Kaya naman ginugol niya ang lahat ng oras sa trabaho para tuluyan niyang makalimutan ito.   Sa wakas nagpaalam na si Savina sa lahat at tumungo siya agad sa parking lot kung saan naka park ang kanyang kotse.   Habang naglalakad siya pakiramdam niya ay tila may sumusunod sa kanya. Kaya sa kada hakbang niya ay napapalingon siya sa kanyang gilid at likuran. Ngunit wala man lang siyang ni isang tao na nakikita. "Hello? Sinong nandiyan?"   Namayani ang katahimikan sa buong paligid kung kaya't hindi niya maiwasang panginigan sa takot. Dali-dali naman siyang pumasok sa kanyang kotse at ini-lock iyon. Pangatlong beses na niya itong naramdaman. Una 'yong araw na namatay ang kanyang lolo. Pangalawa 'yong pinasok ang bahay niya dahil naabotan nalang niyang nakakalat ang lahat ng gamit niya sa loob ng bahay. Wala rin namang matukoy na suspek ang kapulisan dahil walang ni isang nakakita kung sino ang pumaloob sa bahay niya.   Pinaandar na ni Savina ang kotse at iginala niya ang mga mata sa paligid pero wala talaga siyang nakikitang tao bukod sa kanya. Kaya naman mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon dahil sa kakaibang takot na hindi niya maipaliwanag. Her father was right...baka pagod lang talaga siya kung kaya't anu-ano nalang ang naiisip niya. O di kaya sobra lang ang pagdadalamhati niya simula ng mamatay ang kanyang lolo.   When she was in highway she maneuvered through traffic. The skyline in her rearview mirror would eventually be graced by a twelve-story pediatric complex. Her grandfather had left them a tremendous legacy.   Eh siya ano kaya ang magiging legacy niya pag namatay siya?   Pasaway pa naman siya noong kabataan niya. At kung wala ang kanyang ama na palaging nakaagapay sa kanya ay hindi siya magiging ganito sa pedestal na kinatayuan niya. Napabuntong-hininga siya. Matigas naman talaga ang ulo niya noon dahil palagi nalang niyang sinasaway ang ama. At dahil iyon sa iisang tao na kailanman hindi napasakanya.   Memories of Brady Roque haunted her, from when they were kindergarteners to their agonizing confrontation ten years ago...before he'd abruptly left for the PMA.   Nagkita lamang sila ulit nang makatapos na ito sa PMA. Pero wala naman silang ibang napag-usapan kundi tungkol ito sa kani-kanilang mga trabaho. But each meeting had been painfully casual. Like, don't ask, don't tell and then go.   Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman niya ito muling nakita pa simula noong pinaslang ang ama nito.   Nasaan ka na ba, Brady? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.   Her fingers tightened on the steering wheel. Yes, she was professionally successful but she was lost and lonely. Like a tree trapped in shade, yearning for sunlight. No blossoms. No fruit. At tila wala talagang kabuluhan ang buhay niya.   Savina checked her mirrors again and scowled. Teka lang...pansin niyang parang sinusundan yata siya sa itim na kotse na nasa likuran niya. Bigla naman niyang inapakan ang preno at mabilis siyang lumiko pakaliwa.   Thank God at nakarating siya sa bahay na ligtas at naiwala niya ang kotseng sumusunod sa kanya. Paranoid much, Savina? Hindi kaya bunga lang ito sa kanyang imahinasyon, kaya pakiramdam niya may sumusunod sa kanya?   Fatigue weighed her limbs as she unlocked the sanctuary of her home. Hindi na pala siya naka day off mga ilang buwan na. Wow! Paano niya nakayanan 'yon?   Siguro naman panahon na para bigyan din niya ng oras ang kanyang sarili. Pwede na ulit siyang makapag bake at tsaka magbasa sa mga paborito niyang romance novel.   Umakyat na siya sa itaas ng kanyang bahay para makapagbihis na siya sa kanyang silid.   Matapos niyang magbihis ay naisipan naman niyang buksan ang bintana sa kanyang silid. Cool leaves brushed her body, and she inhaled the earthy scent that carried her back to her childhood. Naalala tuloy niya ang yaya Letty niya na may anim na anak na naging mga kalaro niya. At dahil sa nahulog siya sa malalim na pag-iisip kung kaya't doon pa lamang niya napansin na parang may mga matang nakatingin sa kanya. Mabilis siyang umikot paharap at laking gulat nalang niya nang makita ang dalawang lalaking naka suit na nakatayo sa pintuan ng silid niya. Malinis ang gupit ng mga buhok nito at tila mga average businessmen ang anyo ng mga ito. Maliban nalang sa dala nitong mga baril na ngayon ay nakatutok sa kanya.   Choking fear clawed in her throat, and she gasped. The tall, gray-haired man motioned with his gun. "Wag kang sisigaw. Kung ayaw mong pasasabugin namin 'yang ulo mo."   Napalunok siya ng ilang beses sa takot. She'd never shown fear to her enemies and now didn't seem like a good time to start. "Hindi ako isang duwag para sumigaw." Aniya saka napabuga siya ng malakas na hangin. "Sino ba kayo at anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?"   Iyong balbas-sarado naman na malaking mama ang tumatawa. "Sige, magtapang-tapangan ka lang. Magkapareho talaga kayo ng ugali sa lolo mong senador."   Si lolo? She stared at the silencers attached to their pistols. Hindi kaya may kinalaman ang mga ito sa pagkamatay ng lolo niya? Matagal na rin kasi sa politika ang lolo niya at di maiwasang may kumakalaban nito na mga katunggali nito sa politika. Pwede rin sa ibang bagay dahil CIA ang kanyang lolo noong binata pa ito at wala raw itong inaatrasang misyon kahit gaano pa ito kadelikado. But who had Granddad crossed? "Mga taga CIA ba kayo? What's going on?"   "Matalino." Sabi ng lalaking maputi ang buhok at nagkatitigan ang mga ito habang tumatawa. "Makipagtulungan ka lang samin upang hindi ka masasaktan."   Alam niyang hindi mga ordinaryong kriminal ang mga lalaking kaharap niya. Kaya nilang pumatay at gawing malinis ang trabaho nila. Sigurado siya roon.   Ngunit hindi siya naniniwala na gustong makipagtulungan ang mga ito sa kanya. They were here to execute her.   Ang isiping mamatay siya ng walang kalaban-laban sa mga oras na iyon ay ang nagpatindig sa lahat ng balahibo niya sa katawan. Lolo, ano bang ginawa mo sa kanila?   "Ibigay mo samin ngayon ang ipinadala sayo ng lolo mo?"   "Sino?" Maang na tanong niya.   "Huli na para mag maang-maangan ka pa," the gray-haired man said. "May bagay na ipinadala sayo ang senador. Ano 'yon?"   Kung magsisinungaling siya, papatayin siya ng mga ito. Kung magsasabi naman siya ng totoo, papatayin pa rin siya ng mga ito. Ewan, hindi na talaga niya alam ang gagawin. Sobrang nanginginig na rin ang mga kamay niya sa kaba. Pwede kasing palabasin ng mga ito na nilooban ang bahay niya para pagnakawan at nanlaban siya kaya siya pinatay. Sa ganoong kaso wala ng magtatanong pa. "Hindi ko alam ang sinasabi niyo."   Masama itong napatitig sa kanya. "Wag kang makipaglaro samin. Dahil baka hindi mo magustohan ang gagawin namin sayo."   Huminga ka lang ng malalim, Savina. "Wala namang pinadala sakin si lolo. Hindi naman siguro kayo 100 percent sure, di ba?"   Delaying the inevitable was her only tactic. Twenty minutes ago lang, nasabi pa naman niya na walang kabuluhan ang buhay niya. Ano na ngayon, Savina? Maaabotan ka pa kaya ng bukas?   The gray-haired man pinned her with an icy stare. "Kung hindi mo maibibigay samin ang kailangan namin, pwes wala ka palang kwenta."   Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi niya. Para tuloy nasugatan niya ang kanyang labi kasi nalasahan niya ang dugo. Sasabihin nalang kaya niya sa mga ito na nakatanggap nga siya ng package? Baka makahanap pa siya ng paraan upang makatakas sa mga ito.   "Wag na wag mong bilugin ang mga ulo namin. Isa sa amin ang maghahanap dito sa bagay na kailangan namin, at isa naman samin ang magbabantay sayo. Kung nagsisinungaling ka..." He sliced his finger across his throat.   Sinabi naman ng instinct niya na takbo! Ngunit baka bago pa siya makagawa ng hakbang ay pagbabarilin na siya ng mga ito. "Wala talaga akong alam sa sinasabi niyo."   "Mukhang maniniwala na ako sayo. Kung nasasayo nga ang bagay na iyon, baka ginamit mo na ito ngayon." Itinutok ulit sa kanya ng lalaki ang hawak nitong baril. "Nawawalan na talaga ako ng pasensya sayo."   Savina stared into the black barrel. She had nowhere to run. Walang ninuman ang makakaligtas sa kanya sa pagkakataong iyon. Napapalunok nalang siya ng ilang beses. If she had to die, her final defiance would be thwarting them. "Wala na akong masasabi pa sa inyo."   The gray-haired man smiled coldly. "Pwes, magpaalam ka na sa mundo."   She braced herself. Sino kaya ang mami-miss sa kanya kapag namatay siya? Patay na rin kasi ang mom niya. Ang dad naman niya ay prayoridad talaga nito ang trabaho. Si yaya Letty naman ay matagal na silang hindi nagkita.   Nang hawakan na ng lalaki ang gatilyo ay mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hanggang sa isang mukha ng lalaki ang biglang lumitaw sa isipan niya.   Her last thought was for the man who'd captured her heart. Ang lalaking nambasted sa kanya noon at ang bumiyak sa puso niya. Would he grieve for the girl who'd been his childhood friend?   Bakit pa ba niya iniisip ang lalaking iyon, eh matagal na ang panahong hindi niya na ito muling nasilayan pa.   Mamatay na lang siya na hindi niya alam ang dahilan. At kailanman hindi na sila muling magkikita pa ni Brady.   Paalam...   Bang!   Narinig nalang niya na umalingawngaw ang isang putok. Napapitlag si Savina sa narinig at unti-unti nalang bumagsak ang kanyang mga talukap. Then the bullet slammed into her head...and everything went black.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD