Prologue

1981 Words
“REENA, for heaven’s sake, where the heck are we going?” nakabusangot na reklamo ni Maze. Kanina pa siya hinihila ng kaibigan niya sa kung saan na para bang may sinusundan ito at bigla na lamang magtatago. Tirik na tirik ang araw. Tumatagos ang init sa kanilang suot na damit at halos maligo na sila sa sariling mga pawis. It’s Saturday. Walang pasok kaya naisipan nilang dalawa na gumala, maglakad-lakad sa mall, tumingin ng mga trending na damit, at kung makakaya ay bumili ng magugustuhan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kung saan-saan na lamang sila napadpad. “Babae ka! Sayang ang gluta ko sa iyo,” inis na inis na reklamo ni Maze. Hindi na rin maipinta ang mukha nito. Imbes na makiramay o makisimpatya ay tinawanan na lamang ni Reena ang kaibigan. Saglit niya itong hinarap. “Mazey, relax ka nga lang! Ako na ang bahala sa gluta mo,” nakangiting sabi niya na parang balewala lang dito ang lahat. “Basta, suportahan mo na lang ako rito, okay?” dagdag pa niya. Napabuntonghininga ang dalaga. Wala nang nagawa si Maze kundi pagbigyan ito. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Hindi niya naman maiwan si Reena sa kung ano mang trip nito sa buhay. Hindi niya rin naman ito natitiis. Kasalukuyan sila ngayong nagtatago sa isang malaking puno na tila mga undercover agent sa isang action movie. Kikay version nga lang! “Seriously? Don’t tell me that we’re stalking someone again?” she asked. Maze can’t help but raise a brow on her friend. Hindi na talaga niya kinakaya ang mga kabaliwan nito. Maraming beses na siyang napasubo sa kagagawan ni Reena. Oo, sanay na sanay na siya sa takbo ng isip at kilos ng kaibigan ngunit nagsasawa na rin siya sa pang-i-stalk nila sa kung sinu-sinong taong magustuhan nito. “Hey! I already told you a couple of times. Hindi applicable ang term na ‘stalking’ sa mga diyosang kagaya natin,” defensive na sambit ni Reena na saglit siyang binalingan. “Eh, ano pala ang tawag dito?” sarkastikong tanong naman ni Maze. Hindi niya maiwasang mapairap sa sinabing katwiran ng kaibigan. Kahit ano talagang rason, irarason nito mailusot lang ang mga trip gawin sa buhay. “This is what you call ‘Hashtag Dyosa Boy Hunting Goals 101!’” Proud na proud pa si Reena sa pagkakasabi niyon na tila natuklasan niya ang lunas sa pinakamalalang sakit sa mundo o mayroon siyang isang makabagong imbensiyon na makakasagot sa isang malaking problema na matagal nang kailangang lutasin ng sanlibutan. “Gaga ka talaga!” Tinapik ni Maze si Reena sa balikat upang gisingin sa kabaliwan nito. Sa sobrang stress ni Maze . . . pakiramdam niya ay agad siyang tutubuan ng puting buhok at wrinkles. Kailangan talaga ng balde-baldeng pang-unawa at pasensya para sa best friend niya. Napangiwi siya nang ma-imagine na mangyayari nga ang naisip niya kanina sa sarili pero agad niya rin iyong iwinaksi sa isipan at binalingan ang kaibigan. “Alam mo, ikaw? Puro lalaki na lang ang inaatupag mo. Itigil mo na nga iyan!” saway niya rito. Tila naman nasaktan ang kaibigan at malamlam ang mga matang tumingin sa kaniya. “Ang sakit mo naman magsalita, Mazey. Crush-crush lang naman ito,” pangangatwiran pa rin ni Reena na inginuso pa ang mga labi. Muli na namang napabuga ng hangin si Maze. “Anong crush? Reena, let me just remind you, ha. Hindi na normal ito. Mabuti naman sana kung isa lang ang kinahuhumalingan mo. Eh, ang dami kaya nila?! There’s Greg, Fin, Jacob, Ken, Andrew, and . . . sino pa ba? There’s many more! Look!” Ipinakita nito ang dalawa nitong kamay saka in-emphasize ang mga daliri kay Reena. “Hindi ko na nga sila mabibilang pa with just my fingers, oh, sa sobrang dami nila. Gosh, Reena! Kaya kung ako sa iyo, makinig ka na lang sa sinasabi ko, okay? This is for your own good naman, eh.” Napatungo si Reena. Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan. May point naman talaga si Maze dahil kung tutuusin ay kung sino-sino na nga naman talaga ang nagugustuhan niya . . . to the point na hindi na nga mabilang ang mga nagugustuhan niya. Kagaya na lang ngayon. Hindi ito ang unang beses na may nakitang isang lalaki si Reena at bigla na lamang niyang susundan na parang isang stalker. Maya-maya ay bumuntonghininga si Reena. She even pouted her lips before starting to defend her side again. “Maze, I’m just really appreciative lang naman. You know . . . when you see an art, then you would know if it’s a masterpiece.” She even made gestures to stress out her point. Iyan din ang laging ikinakatwiran ng dalaga kapag sinisita siya ng kaibigan. Ang nagiging appreciative lang siya sa mga lalaking nakikita o nakikilala. At wala namang masama sa ginagawa nito. “Appreciative? Masterpiece? Damn. Kiss my ass! Huwag mo akong banatan ng art-art mo na iyan. Kung hindi lang kita kaibigan, Reena . . . nako! Nako ka talaga! Baka nabatukan na kita!” nanggigigil na sabi ni Maze at saka ito inirapan. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Ever since naman na naging magkaibigan sila ay sinasamahan na niya ito sa mga kalokohan nito. And partly, gusto rin niyang sisihin ang sarili niya dahil sa ginagawa ng kaibigan. Kung sana noon niya pa ito itinama ay hindi na siguro ito namihasa. Maybe she thought that what she’s doing was really okay until it became a habit. And now . . . everything is all too late. “Oo na. May point ka naman. Alam ko rin namang mahal mo ako, eh. You’re just concerned about me.” Reena cynically smiled. “Kaya nga loves na loves din kita, eh.” Akmang kikilitiin ni Reena ang kaibigan na agad namang nakalayo. Hindi pa rin mawala ang pagkakalukot ng ekspresyon nito at tila mas lalo pa ngang nainis sa kaibigan. Sa mga ganoong pagkakataon kasi ay palagi na lang siyang lalambingin ni Reena. Alam kasi nitong hindi siya matitiis ni Maze. She surely knows how to tame her best friend. “Huwag mo nga akong inuuto,” mataray na sabi Maze at muling inirapan ang kaibigan. Nang akmang yayakapin siya ni Reena ay binigyan niya ito ng nagbabantang tingin. “Don’t even dare do what you’re about to do, lady.” “Ang sungit naman po,” natatawang biro ni Reena. “Oo na, hindi na nga. Saka, ano ka? Hindi kaya kita inuuto! Mahal naman talaga kita. In fact—” Natigilan si Reena nang biglang mapagtanto na nawaglit sa kaniyang paningin ang lalaking sinusundan nila kanina. Bigla siyang nag-panic at napalabas sa kinatataguan saka napalingon-lingon pa sa paligid. “Maze, nawawala siya! Wala na ’yong cutie na guy kanina! Maze!” she histerically said. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Kung pwede nga lang siyang maglupasay sa semento ay ginawa na niya sa pagkakataong iyon. “Hoy! Ano? Ang OA mo lang?” sita ni Maze kay Reena. Natatawa na lang siya sa inaakto ng kaibigan. “Iyan! Ang harot mo kasi. Dinamay mo pa ako. Buti nga sa iyo,” pang-aasar pa niya at saka muling inirapan si Reena. “Maze, sayang ’yong cutie na iyon. Hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya,” paghihimutok ni Maze at tila maiiyak na talaga. Hindi maipinta ang mukha nito at daig pa ang pinagkaitan ng batang pinagkaitan ng paborito nitong pagkain o laruan. “Ang OA mo talaga, girl. Promise. Parang iyon lang naman, eh, nagkakaganiyan ka na. Sa dami ng crush mo, hindi naman kawalan ang lalaking iyon. Unless, that guy made you realize about making something new. Like being loyal . . . I guess?” Maze crossed her arms after saying those words to her friend. Bakit naman hindi, ’di ba? It could be possible. Ilang sandali na nakatingin lang si Reena sa kaniya at tila hindi alam ang isasagot doon. Napakurap-kurap pa ito. “Ano? Forda loyal na ba ang ferson?” natatawang biro niya pa uli rito. Doon lang tila natauhan si Reena at sunod-sunod na umiling. It was indeed a violent reaction na tinawanan lalo ni Maze. “N-no! Hindi, ano? Of course not,” protesta pa ni Reena na parang malabo nga talagang mangyari iyon. “Hmmm . . . talaga ba? Sabi mo, eh . . .” nakangiting sabi ni Maze na halata namang hindi naniniwala at may pagdududa sa sinasabi ng kaibigan. “Ano ba? Stop giving me that look. Malabo nga iyang sinasabi mo!” muling sabi ni Reena na medyo naiinis na. Natawa na naman tuloy si Maze. “Oh, bakit? Wala naman akong sinasabi, ah?” patay-malisya pang sabi nito. Agad na naging seryoso si Reena matapos ang isang malalim na buntonghininga. Tumingin siya sa kawalan at tila ba may inaalala. “I will never focus on one guy, Maze. Alam mo namang hindi ako puwedeng ma-attach sa iisang tao lang, right? Hindi iyon puwede.” Matapos sabihin iyon ay nagbitiw na naman siya ng malalim na buntonghininga. “Uh-huh! Oo nga pala. I almost forgot. Here goes the irony of you again.” Napangisi si Maze sa pagpasok ng kaisipang iyon. “You like a lot of guys but you don’t want to be hooked just to a particular person. You’re really weird!” hindi pa makapaniwalang bulalas niya. Hindi talaga niya maintindihan ang bahaging iyon ni Reena. Simula nang magkakilala sila . . . ganoon na talaga ito. Hindi naman siya nalalandian dito dahil hindi naman dumadating sa punto na nakikipag-flirt si Reena sa mga lalaking nagugustuhan nito. Parang happy crush lang kasi ang mga iyon. At wala na rin naman siyang problema dahil mukhang masaya naman ito sa ginagawa nito. Seryoso siyang nilingon ni Reena. “I already told you my reason. I’m still too young, Maze—” Hindi na nagawang ituloy ng dalaga ang sasabihin nang biglang sumingit ang kaniyang kaibigan. “Gosh! Anong bata ka pa? You’re already seventeen, Reena. Hindi ka na paslit. As a matter of fact, you’re turning eighteen in a few months from now. Iyong iba nga diyan nakailang jowa na. That’s not a valid excuse already. Ang sabihin mo . . . may iniiwasan ka lang.” Natahimik si Reena sa sinabing iyon ng kaibigan. Alam niya sa sarili niyang may punto ito. No, scratch that! Hindi lang ito basta may punto dahil totoo naman talaga ang sinabi ni Maze. May iniiwasan talaga siya. Something that she would never want to happen. “Whatever, Maze! Let’s just go home,” Reena said as she tried to divert her friend’s attention. Kapag ganoon talaga, madalas na nagpapalit na lang ito ng usapan. Maze just sighed. Of course, sanay na rin talaga siya sa ganoon. She also didn’t insist on the topic anymore. Bilang matalik na kaibigan ni Reena, alam na niya ang mga ayaw at gusto nito. The moment na umiwas si Reena, alam na agad ni Maze na ayaw talaga nitong pag-usapan ang bagay na iyon. “Okay, tara na. Pero mag-i-stay muna ako sa bahay ninyo. Let’s just watch Kdrama. Mahaba pa naman ang araw. Magpapasundo na lang din ako mamaya kapag ginabi ako,” sabi ni Maze saka kumapit sa braso ni Reena. Sinubukan din niyang pagaanin ang sitwasyon. Pagkarinig naman ni Reena sa sinabi nito ay agad na nagliwanag ang mukha nito. “Kdrama?” nakangiting tanong nito. “Oo nga. Paulit-ulit lang? Unli ka ba?” natatawang sabi naman ni Maze na naiiling pa. Deep inside ay nagpapasalamat siya na nagbago rin kaagad ang mood ng kaibigan. “Sakto, may gusto akong panoorin na bagong series! Tara na!” agad na yakag nito at excited na humawak din sa braso ni Maze saka nagsimula nang maglakad. Napapailing na lang ang huli na sumunod dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD